Chereads / AFRAID TO FALL (Filipino novella) / Chapter 5 - Hate and Need

Chapter 5 - Hate and Need

"SAVALLE, there's my girl! Give me five." Nakaabang sa ere ang palad ni Mr. Gatchalian nang dumaan ito sa desk niya. Ngimi siyang napangiti sa kanilang boss at nakipag-appear dito.

Matabang lalaki si Mr. Gatchalian na may pagka-snob minsan. Sa dalawang taong pagtatrabaho niya bilang writer ng The She-Life magazine, ngayon lamang siya nito binati nang ganito na akala mo ay close sila.

"I like your article about Intermittent Fasting. Very motivating. I'll try that next week. Mukhang hindi effective sa akin ang Keto eh." He clicked his tongue and finger-gunned her with two hands. "Keep up the good work."

Nang makalayo si Mr. Gatchalian ay narinig niyang pinagulong ng co-worker—slash—bestfriend niyang si Krissy ang swivel chair nito palapit sa kanya.

"Isang taon na niyang sinasabi na magda-diet siya pero wala pa rin akong makitang pagbabago. Milagro na ang kailangan ng boss natin para pumayat."

"Sshh, 'yang bibig mo! Mamaya, makarating sa kanya 'yan eh," natatawang sita niya rito. Krissy had this bitch-looking face paired with a neck-length hair she had recently dyed red. Mahirap makaaway ang babaeng ito kaya naman lahat ng tao sa opisina ay ingat makipag-usap dito.

"Sus, wala namang magsusumbong sa kanya dahil lahat ng empleyado dito, hate siya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pumapasok pa siya sa opisina, eh wala naman siyang ginagawa dito. Si Ma'am Leta kaya ang nagma-manage sa lahat."

"He's the owner, Krissy," paalala niya.

Pinaikot nito ang mga mata. "Yeah right. A man who owns a publication for women's lifestyle magazine."

"Sexual discrimination much?"

"Just stating the obvious, friend. He's gay!" Bumalik si Krissy sa desk nito at pinatay ang monitor ng computer. "Hoy, Aya, hindi ka pa ba tatayo d'yan? Out na po, oh!"

Napakurap siya sa oras na naka-display sa screen ng kanyang computer. Hindi niya namalayang alas-tres na pala ng hapon. Pagkatapos mag-clock out at damputin ang kanyang bag ay madali siyang sumunod kay Krissy palabas ng opisina.

***

"ANONG ginagawa ng lalaking 'yan dito?" Napansin niya ang pagtataas ng kilay ni Krissy nang mapadaan sila sa parking lot. Sinundan niya ang direksyong tinatanaw nito at bigla ring nasira ang mood niya nang makita roon si Vince, nakasandal sa gilid ng kotse nito na akala mo ay kung sinong hearthrob-wannabe.

He was wearing grey long-sleeve shirt and chinos. With matching sunglasses na bumagay sa hugis ng mukha nito. She didn't want to admit, but Vince was really pulling off this cool and charismatic look of his.

Pero ito pa rin ang lalaking sumira sa love story nila ni Steve kaya't hindi niya ito mapapatawad!

Kumaway si Vince sa kanilang direksyon saka ito lumapit sa kanila. Inirapan niya ito.

"Hi!" he greeted and pulled up his shades.

"Oh please don't tell me na may pinopormahan kang babae dito sa building namin." Krissy crossed her arms and arched her brow at Vince. Noon pa man ay hindi na gusto ng kaibigan niya ang lalaki dahil sa womanizer reputation nito. Minsan na kasing naloko si Krissy ng ex-boyfriend nito kaya't mainit ang dugo nito sa mga lalaking kagaya ni Vince.

"What? No. I'm here for Aya."

Animo nagdilim ang paningin ni Krissy. "You're targetting Aya now?"

Vince cringed. "Why do you make it sound like I'm a serial killer?"

"Binabalaan kita, Zarona! Lokohin mo na ang lahat ng babae sa planet Earth, 'wag lang ang bestfriend ko."

Pasimple niyang inilingan si Vince bilang senyas na huwag na nitong subukan pang depansahan ang sarili. Vince would never win an argument against Krissy. If he had to pick his poison, she would be the lesser of the two evils.

"Don't worry, Kris. Hindi ko naman type si Vince eh." She then threw a venomous look at him. "He's like a dead cactus to me."

"Ouch!" Vince slapped his chest, comically acting like he was stabbed in the heart. "Gan'yan ba katindi ang galit mo sa 'kin?"

"Bakit ka ba nandito?" unfriendly niyang tanong sa lalaki.

"Naalala mo 'yung sinabi ko na kailangan mo ng inspiration para sa pagsusulat mo?"

"What about it?"

Misteryosong ngumiti si Vince sabay hila sa kamay niya.

"Hoy Zarona, saan mo dadalhin si Aya?" Krissy shouted from behind.

"Bye, Krissy!" Vince hollered back and waved his hand in the air.

"Bitawan mo nga ako!" Pumiksi siya mula sa pagkakahawak ni Vince nang matapat na sila sa kotse nito. "Ano na naman ba ang trip mo, ha?"

"Bad mood, really?"

"Oh, you tell me!" she snapped. "I used to have an affair with Mr. Sebastian?"

Vince took a step back from her and straightened his face. "I was young. Innocent. I didn't know what to do—"

"Vince!"

"All right, all right." Itinaas nito ang mga kamay sa ere, seryoso na ang anyo. "I just meant it as a joke, okay? I'm sorry. Malay ko ba na seseryosohin ni Steve 'yung sinabi ko tungkol sa'yo. And if he really believed it, then he's an idiot. Kung talagang gusto ka niya, kakausapin ka niya. Hindi ka niya huhusgahan. Hindi ka niya iiwasan."

Hindi siya nakapagsalita. Na-realize niyang may punto si Vince.

Binuksan nito ang pinto ng passenger's seat. "Now, will you get in?"

Napalingon siya kay Krissy na siyang nakatayo pa rin sa malayo at mukhang may balak nang sugurin si Vince. Nginitian na lamang niya ang kaibigan para mapanatag na ang loob nito. Sumenyas din siya rito na tatawagan ito mamaya.

"Seriously, Vince, what the hell?" she demanded. Nakasakay na sila pareho sa kotse nito.

"Seatbelt."

"What?"

"Seatbelt." Nang hindi pa rin siya kumilos ay ito na mismo ang nagkabit sa seatbelt niya. She felt electrified at the slight skin contact, but she regained her composure quickly.

"Now where are we going?" tanong niyang muli.

"To a place where fear is real."

***

AYA should've known it was a trap the moment Vince gave her that creepy Pennywise smile. Dinala lang naman siya ng magaling na lalaki sa ancestral house ng mga ito sa Laguna. Kung bakit ba naman kasi basta na lang siyang nakatulog kanina sa kotse ni Vince. Wala tuloy siyang kamalay-malay na tinangay na siya nito out of town.

The two-storey house was made of hard wood and old bricks, bathing in dark brown and red. Dagdagan lamang ng mga baging at hamog effect, pwede na iyong pag-shooting-an ng horror movie. This house reminded her so much of Rose Red—and it really seemed to be looking at them.

'All right, this is freaking me out.'

Itinaas-baba niya ang mga braso sa pagkaubos ng pasensya. "Okay, that's it! I'm done with your games, Zarona. This is not funny anymore! Wala talagang limitasyon ang pagiging bully mo, ano? Sawa ka nang asar-asarin ako kaya gusto mo naman akong takutin ngayon?" Handa na siyang tumakbo palabas ng gate, pagkatapos ay mag-aabang na lamang siya ng bus pabalik ng Maynila.

"What did I do now?" pagmamaang-maangan nito.

Inis siyang tumuro sa malaking bahay na nasa tapat nila. "You brought me to a haunted house!"

He rubbed his forehead. "Relax. The haunted part is just a rumor."

"Paano naging rumor 'yon kung si Tita Edith na mismo ang nagkuwento noon sa wake ng lolo mo na pinagmumugaran na 'yan ng mga ligaw na kaluluwa?"

"Please, alam mong may pagka-gullible si Mommy. Hell, if I tell her now that we're dating, she would believe it in a heartbeat."

Hindi siya umimik.

"Wala naman akong nakikitang multo sa tuwing pumupunta ako dito," paniniguro nito. "Creepy lang talaga ang bahay dahil luma na at madilim ang ambience. A perfect place to write a scary tri-gen story."

Napatingin siyang muli sa bahay. Nasa labas pa lang sila pero pakiramdam niya ay nagtatayuan na ang kanyang mga balahibo.

"Pero ang sabi ng mommy mo, wala nang nakatira d'yan. I'm sure infested na 'yan ng lost spirits and god-knows-what. Malamang mapurol lang 'yang third eye mo o baka na-realize ng mga multo na hindi ka worth it na pagpakitaan."

"You want to write a Triskelion novel, but you're afraid of haunted houses? Why are you so weird—"

"Magkaiba ang fiction at reality, Vince."

Vince sighed. "Dinala kita dito para makahugot ka ng inspirasyon sa pagsusulat mo. Isipin mo na lang na ito ang paraan ko para makabawi sa mga sinabi ko noon kay Steve tungkol sa'yo."

Bumalik ang mga mata niya kay Vince. Madalas na may pagkasira-ulo ang lalaking ito pero marunong itong magpakita ng sinseridad paminsan-minsan.

Napakislot siya nang bigla nitong abutin ang dalawang kamay niya. Parang matutunaw siya sa pakiramdam na okupado niya ang buong atensyon ni Vince sa mga oras na iyon. And then he smiled. That freakin' handsome smile that sent electric shock to her heart.

"I dare you, Ayana Savalle, to come up with a mindblowing, spooky story idea. Then it will be my honor, to be the first one to read your awesome masterpiece."

She was speechless. His words galvanized every nerve in her body, boosting her confidence to the highest level and giving her a real goal.

Everything went back to the same question she kept asking herself: 'How is it possible to hate and need a person at the same time?'