Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 171 - Chapter 78: Malaking Pagkakamali 2

Chapter 171 - Chapter 78: Malaking Pagkakamali 2

Anong sinabi mo??? ang kinikilabutang tanong ni Zeus. Hindi makapaniwalang napag kamalang cannibal ang itinakda ng dahil sa gutom nito.

Isa itong malaking pagkaka mali, hindi siya kumakain ng tao. Totoong matakaw at lagi siyang nagu gutom, ngunit hindi tao ang gusto niyang kainin, kundi ang mga masasarap na pagkain.

Marahil ay gutom na gutom na ito kung kaya at nagawa niyang ngatngatin ang mga muwebles1 sa kanyang silid na kinaroroonan.

Zeus: Hindi siya kumakain ng tao? Ngunit paano mo ipaliliwanag na mayroon siyang taglay na kaka ibang kapangyarihan??? Isa lamang siyang mortal hindi ba???

Neptuno: Oo mortal siya at hindi gaya nating mula sa lahi ng bathala at titans!!! totoong mayroon siyang napaka lakas na kapangyarihan dahil sa siya ang ITINAKDA!!!

Zeus: a... ano??? si...... siya ang itinakda??? nangalog ang baba ni Zeus ng mabatid mula kay Neptuno ang katotohanan, di yata't isa ngang malaking pagkaka mali ang kanilang ginawang pagku kulong dito sa silid at pinabayaang magutom....

Sa kabila naman ng salamin kung saan nanonood at nakikinig ang mga tagapag lingkod, takot na takot na nagmamadaling pumulas ang lahat ng naroon patungo sa kusina upang mag luto ng maraming pag kain. Nangangamba sila sa ibubungang resulta ng kanilang pagiging tsismosa. Malamang ay putulan sila ng dila ni Zeus at Neptuno kung hindi man ulo nila ang ipaputol ng mga ito....

Kinakailangan nilang mag luto ng maraming masarap na pagkain upang pawiin ang galit at gutom ng itinakda.

Mabilis na lumabas ng silid si Neptuno at Zeus, nagtungo sila sa silid kung saan naroroon si Arnie.

Pag bukas pa lamang ng pinto, muntik ng tumimbuwang sa marmol na sahig ng Olympus si Neptuno at Zeus. Tila may ipo ipong dumaan sa kanilang pagitan.

Patungo ito sa kusina kung saan nag luluto ng maraming masarap na pagkain ang mga tagapag lingkod. Tila asong naamoy nito ang pinang galingan ng masarap na pagkaing niluluto.

1,muwebles = furniture