Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 152 - Chapter 73 : Ang Ganid Na Magnanakaw

Chapter 152 - Chapter 73 : Ang Ganid Na Magnanakaw

Mabilis na lumangoy ang grupo nila Arnie patungo sa malaking gate ng Atlantis.

Samantala ang ganid na magna nakaw ng trident ay lupaypay na naka higa sa sahig ng Atlantis dahil sa pagkaka kuryente.

Bagamat mahina lamang ang dumadaloy na kuryente sa gate ng Atlantis, sapat ito upang manghina ang sinumang nilalang na madidikit dito.

Nilapitan nila at pina libutan ang itim na anino, masusing inusyoso ng tatlong sea horse ang kaka ibang panabing na gamit ng magna nakaw, tila ito tela na gawa sa likidong itim. na tinta...

Si Neptuno naman ay kuryosong nilapitan ang gate ng Atlantis na kung titingnan ay normal lamang na gate.

Itinaas nito ang kanyang hintuturo at dinutdot ang kawalan na bahagi ng gate, sukat doon ay napatalon si Neptuno dahil sa pagka gulat.

Neptuno : ow...... ow...... ang umaaringking na sigaw ni Neptuno hawak ang hintuturong medyo namumula ang dulo.

Laking gulat niya sa kuryenteng pumasok sa dulo ng kanyang hintuturo at dumaloy sa kanyang mga ugat at himaymay ng katawan.

Noon niya naunawaan ang sakit na naramdaman ng ganid na magna nakaw ng tangkain nitong lumabas ng gate.

Ang tatlong sea horse naman (Borjo Kabatao at Kabayuhan) ay hintakot na agad lumayo sa gate.

Natatawang tiningnan ni Arnie ang tatlo kapagdaka ay sinabing.

Arnie : ha ha ha yan ang dahilan kung bakit wala kayong anumang kasuotan, sayang naman ang damit kung magiging abo lamang sa sandaling aksidenteng nadikit kayo riyan. ang tumatawang paliwanag ni Arnie.

Huwag kayong mag alala ang mga balat ninyo ay tila gomang hindi tatablan ng kuryente kung kaya't safe madikit man kayo sa gate ns yan.....

Makikita ninyong tila normal na espasyo lamang iyan, ngunit ang buong palibot niyan ay may invisible screen na dinadaluyan ng kuryente. Ang pahabol. pang paliwanag ni Arnie sa apat.

Samantala si Neptuno ay lumapit na sa itim. na anino, makalipas ang ilang segundong pag tatarang at pag ihip sa namulang hintuturo.

Dumako ang kanyang kamay sa dulo ng itim na telang gawa sa likido ng mahiwagang tinta.

Unti - unti nitong hinila ang itim na telang panabing at nalantad sa kanya ang mukha ng salarin na tila nawalan ng ulirat dahil sa pagkaka kuryente.....