Manghang mangha si Neptuno ng makita ang mukha ng ganid na magna - nakaw ,tila hindi maka - paniwalang ito ang salarin na nag nakaw sa kanyang nawawalang trident.
Ang tatlong sea horse naman ay nag tatakang naka tingin lamang sa salarin na nakahadusay sa sahig ng Atlantis.
hawak pa nito sa kamay ang trident na nababalutan ng itim na tila telang gawa din sa itim na likidong mahiwagan tinta ng pugitang naka tira sa yungib sa labas ng Atlantis.
Hindi nila kilala ang salarin na ito kung kaya't tahimik lamang silang naka - masid, ngunit si Arnie na noong una pa lamang ay batid na kung sino ang kumuha ng trident ay tahimik din lamang at naka ngiting minamasdan ang reaksyon ni Neptuno.
Nag ngangalit ang ngipin ni Neptuno sa galit, nakuyom nito ang kamao sa pagpi pigil na humalagpos ang galit at aksidenteng mapatay niya ang ganid na magna-nakaw.
Kasabay ng pag aalab ng galit sa puso ni Neptuno ay ang banayad na pag yanig sa paligid. Lumilindol sa ilalim ng dagat ,ang mga alon na halos kasing laki ng ilang palapag na gusali ay rumagasa patungo sa baybayin ng Carrebean. Umalingawngaw ang malakas na sirena, hudyat ng tsunami warning .
Ang mga mamamayan ng Carrebean ay hintakot na napatingin sa laot, sa rumaragasang ga bundok na alon patungo sa baybayin ng dagat.
Nag panic ang lahat, nag kanya - kanyang takbo, nag hahanap ng mataas na lugar na mapupuntahan.
Iniisip ng lahat na ang naunang pag yanig noong hapon at ang pagpa pakita ng diyosa ng karagatan ay hudyat ng parating na delubyo.
Kanya kanya ng takbo ang lahat, may ilan na piniling pumunta sa roof top ng pinaka mataas na gusali ,habang nag dadasal para sa kanilang kaligtasan. Gayundin ng kanilang mga mahal sa buhay.
Ikinumpas ni Arnie ang kanyang mga kamay upang payapain ang nag ngangalit na karagatan .,Sa isang iglap, nanumbalik sa dati ang mapayapang dagat.
Ang mga ga bundok na alon ay unti unting lumiit hanggang sa wala ng anumang bakas na naiwan ng pag ngangalit ng karagatan, maliban sa mabining pag hampas ng alon sa dalampasigan.