Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 149 - Chapter 72 : Tamang Oras 2

Chapter 149 - Chapter 72 : Tamang Oras 2

Nagtatakang napa titig si Neptuno kay Arnie . Hindi niya mawari kung ano ang nais nitong ipaka hulugan sa sinabi nito.

Neptuno : TAMANG ORAS??? ano ang ibig mong sabihin??? ang naguguluhang tanong ni Neptuno kay Arnie.

Arnie : ssssssshhhhh huwag kang maingay.... ... masyadong malakas ang tinig mo....... paalisin mo na at papag pahingahin ang lahat, mamaya ko na ipaliliwanag sa sandaling tayo na lamang ang naririto..... ang misteryoso namang sagot ni Arnie.

Naguguluhan man sa nais na mangyari ni Arnie ay minabuti ni Neptuno na sundin ang nais nito.

Ginising niya ang lahat na naka tulog na sa pagod sa kaka tawa at pag utot at inutusan ang mga itong mag si uwi na sa kani kanilang kwebang tahanan.

Neptuno : Bilisan na ninyo!!! mag pahinga na kayo sa inyong tahanan upang maaga kayong magising bukas ,maaga nating uumpisahan ang pag hahanap sa trident.....

Ang pahabol pang utos ni Neptuno sa mga mamamayan ng Atlantis na sirena, sireno, siyokoy at siyokay...

Makalipas ang ilang minuto, naka alis ng lahat ang mga mamamayan ng Atlantis sa bulwagan, tanging si Arnie Borjo, Kabatao, Kabayuhan at Neptuno na lamang ang naiwan na nag tititigan sa dilim...

Neptuno : Bakit ba kailangan nating mag tiis mag titigan sa dilim? hindi ba tayo maaaring gumamit ng perlas bilang ilaw??? ang tanong ni Neptuno na namumuti ang mga mata sa dilim na tila bilasa .

Arnie : sssssshhhh wag kang maingay, mag hintay lamang tayo ng tamang oras, ang pag kausap ni Arnie kay Neptuno sa pamamagitan ng kanyang isip, upang hindi makalikha ng ingay....

Muntikan pang masamid at mabulunan ng tubig dagat si Neptuno, na nagulat ng marinig ang tinig ni Arnie sa kanyang isip.

Agad namang tinakpan ni Borjo ang bibig nito upang hindi ito maka likha ng anumang ingay.

Neptuno : ah.... paano mo ginawa iyon??? ang pag kibot kibot ng bibig ni Neptuno na muling nagulat ng mapansing nagawa niyang mag hatid ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang isip.