Ngumiti si Arnie ng maka hulugan kay Neptuno, bago nito itinapat ang hintuturo sa kanyang bibig, bilang pahiwatig na huwag gumawa ng anumang ingay si Neptuno, maging si Borjo Kabatao at Kabayuhan.
Ilang oras pa ang lumipas, madilim na madilim sa buong Atlantis, Ang liwanag ng buwan na tumatagos sa malinaw na tubig tungo sa kai laliman ng dagat ang tanging nag sisilbing liwanag.
Bilog na bilog ang buwan at ang liwanag nito ay naka tutok sa mismong kalagitnaan ng pusod ng dagat. Tanda ng pag sapit ng ika 12 ng gabi.
Kapag daka kumilos si Arnie mula sa batong kina uupuan lumangoy siya patungo sa labas ng bulwagan, bago nag padala ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang isip kay Neptuno Borjo Kabatao at Kabayuhan .
Arnie : Oras na para kumilos tayo, ito na ang tamang oras.... huwag kayong lilikha ng anumang ingay. Ang mahigpit na bilin ni Arnie sa apat na tahimik na naka sunod sa kanyang likuran.
Muling ikinumpas ni Arnie ang kanyang kamay, ang puting kasuotan ni Neptuno ay napalitan ng itim, upang hindi makatawag pansin sa dilim ng gabi. Ang tatlong sea horse naman ay napatingin sa kani kanilang sarili.
Naisip nilang sana man lang ay binigyan din sila ni Arnie ng itim na kasuotan. Bagaman at itim ang kulay ng kanilang maitim at makapal na balat, hindi pa rin maikaka - ilang ,wala silang kasuotan...
Sa madilim. na gabi sa pinaka ilalim ng dagat, sa Atlantis, tumayo sa malapit sa bungad ng bulwagan si Arnie, sa kanyang tabi ay naroroon din si Neptuno at ang tatlong hubad na sea horse. Tahimik na naghi hintay at nakiki - ramdam .
Maya - maya pa ay natanaw nila mula sa kanilang kinaroroonan ang isang itim. na anino na mabilis na lumalangoy patungo sa malaking entrada na pasukan at labasan ng kaharian ng Atlantis.