Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 97 - CHAPTER 62 :PAG - IIMBESTIGA ;

Chapter 97 - CHAPTER 62 :PAG - IIMBESTIGA ;

matapos ang ilang oras na pamamahinga, nagising si Arnie sa ingay sa labas ng palasyo. Ang ilang mga tauhan ng palasyo ,

mga kawal na tikbalan; ay naghahanda sa gagawing pag - iimbestiga sa paligid ng bulkan upang alamin kung may kakaibang dahilan ang biglaang pag aalburuto nito....

Mabilis na bumangon si Arnie, nag mamadali siyang lumabas ng palasyo matapos mag - hilamos at mag - palit ng kanyang kasuotan.

ARNIE : Borjo !!! ano ang nangyayari dito? bakit narito sa harap ng palasyo ang karamihan sa mga kawal ng palasyo ????

Ang agad na tanong ni Arnie ng makita niya si Borjo kasama ng mga kawal ng palasyo...

PRINSIPE BORJO : ah!!! Arnie!!! Mabuti at gising ka na.....

maya - maya ay lalakad na kami ng mga kawal ng palasyo upang simulan ang pag - iimbestiga sa paligid ng bulkang taal.....

Ang agad namang sagot at pagpapa liwanag ni Borjo kay Arnie.....

ARNIE : ah??? ganoon ba ??? pero bakit tila napakarami naman ninyo na pupunta doon???

hindi kaya lalong mag panic at matakot ang mga tao sa sandaling nakita nila ang sanda mak mak na tikbalang na umaaligid sa paligid ng bulkan ????

ang muli ay tanong ni Arnie kay Borjo, habang nagta taka kung bakit napaka daming kawal ang kasama na mag iimbestiga.....

PRINSIPE BORJO : Sa palagay mo ba ay lubhang marami kung isasama ko silang lahat???

ang napakamot sa ulong tanong ni Borjo, na nilingon pa ang mga naka hilerang tikbalang....

ARNIE : ah !!!! oo naman!!!! sampu lang ay sapat na!!! at sasama din ako!!! gusto kong ako mismo ang mag siyasat sa malapit sa bulkan at sa mismong bunganga o crater ng bulkan, ang agad na sagot ni Arnie...

PRINSIPE BORJO : sasama ka???? pero... baka maging delikado para sa iyo????

ARNIE : huwag kang mag alala may panangga ako sa init na mag mumula sa crater ng bulkan, ang nakangiting sagot ni Arnie na kumindat pa kay Borjo 😉😉😉

PRINSIPE BORJO : Ah..... sige... basta mag - iingat ka pag naroroon na tayo, ang pag sang - ayon at paalala ni Borjo kay Arnie...

Pagkalipas ng halos dalawang oras na pag hihintay, pumasok muna sa palasyo si Arnie upang manginain sa kusina.....

ARNIE : uhuh... hmmmmm yummmmm yumm yummmm yum yummmm ang tila pag huni pa ni Arnie habang sarap na sarap sa pag - kain ,tila ba wala sa isip ang haharaping panganib....

TAGAPAG - LINGKOD NG PALASYO : Mahal na itinakda...

Narito pa ang mga bagong lutong putahe na iniluto namin para sa iyo, ang alok pa nito kay Arnie sa isang malaking bandehado ng masarap na pagkain.....

ARNIE : naku!!! hindi na kayo dapat nag abala pa!!! ang agad na sagot ni Arnie sabay abot sa bandehadong puno ng pagkain na agad nitong nilantakan , na parang isang - taon na kinulong at ginutom.....

Matapos mabusog sa pagkain, inot inot na lumabas ng palasyo si Arnie, ang isang kamay ay humahaplos pa sa bundat na bundat sa kabusugan niyang tiyan....

ARNIE : oh!!!! ano na?!?! hindi pa ba tayo lalakad? ang tanong niya sa mga kawal at kay Borjo sa labas ng palasyo na matiyagang naghintay na matapos siyang kumain....