Chereads / She's the Legend / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Binuksan ko ang mga mata ko kahit pa antok na antok pa ako. I couldn't sleep well last night. How can I?

Nagalit si Titus sa 'kin. He's nice and sweet kaya nakakalungkot na galit siya sa 'kin.

Habang si Orion naman susubukan daw ang magmahal. I must admit, he's stuborn and such pero nang sabihin niya sa 'kin iyon, I felt his sincerity.

Sa maiksing panahon na nagkakilala at nagkasama kaming tatlo, masasabi kong ginagawa talaga nila ang kailangan nilang gawin. Ako lang talaga 'tong hindi pa tanggap ang kapalaran ko.

Iñigo kept convincing me about choosing as soon as I can. Kilala ko siya, hindi niya ako mamadaliin kung hindi naman importante.

Hindi ako sigurado sa bagay na hinihintay ko para makumbinsi ko ang sarili sa tungkuling ipinapataw sa 'kin. Another monster? Another out-of-this-world creature? I don't know.

I hope I could convince my heart before somebody gets into trouble.

Alamat man ako sa mundo nang mga kakaibang nilalang na kasama ko. Pero dito sa mundo ng mga tao, ordinaryo lang ako. I still need to make a living.

Matapos kong iligpit ang higaan ko ay dumeretso ako sa kusina para makapagtimpla ng kape. To my surprise, Iñigo was there already making one coffee for me.

"Magandang umaga." Pagbati niya sa 'kin. Matipid na ngiti lamang ang naisagot ko sa kanya. "Mukhang hindi ka nakatulog nang mabuti." Aniya habang inaabot sa 'kin ang tasa.

"Salamat. Oo eh" Tila naramdaman ni Iñigo ang bigat nang nadarama ko.

"Pasensya ka na Esmé, kailangan lang talaga naming gampanan ang tungkulin naming mga Henki para sa kaligtasan ng mundo."

"Henki?"

"Henki ang tawag sa aming mga nagmula sa iba't ibang mundo. Pwedeng ikumpara sa espiritu o lamang lupa, mga tawag na mas kilala rito sa mundo ninyong mga tao."

"Ibig bang sabihin, isa rin akong Henki?"

"Oo, pero hindi pa ganap. Mabubuo lamang ang pagiging isang Henki mo kung makikipag-isa ka sa isa ring Henki."

Mabigat na buntong-hininga na lang ang naisagot ko kay I��igo. Heto na naman kasi kami sa pakikipag-isa.

I was saving myself for someone I love. To someone who I will give my life to.

"Pasensya ka na sa 'kin Esmé. Isa rin kasi sa mga tungkulin kong bantayan ka at masigurong sa nakatakdang Henki ka lamang makikipag-isa."

"Naiintidihan kita. 'Di bali, pag-iisipan ko 'yang mabuti." Tumayo ako kahit pa kaunti pa lamang ang naiinom ko sa kape.

"Hindi mo man lang ba kakainin ang almusal mo?" Aniya na saglit kong nilingon.

"Baka ma-late ako sa trabaho."

"Kung tutuusin, hindi ka na dapat nagtatrabaho dahil delikado ang buhay mo."

Kung iisipin tama siya, pero paano na lang ang mga gastusin sa bahay. At kahit pa mayaman siguro ako, hindi rin ako magtatagal sa bahay na ganito ang mga kasama ko.

"Maaga akong mababaliw kung dito lang ako sa bahay." Pilit akong ngumiti.

Sa pagkakataong iyon ay hinayaan na ako ni Iñigo. Batid kong naramdaman niya ang bigat na nasa puso ko.

He was never wrong about my feelings. Kilalang-kilala niya talaga ako.

Matapos akong maghanda nagtungo muna ako sa likod bahay upang humiling sa maliit naming lawa nang kaligtasan at gabay sa mga desisyong kinailangan kong gawin. Doon kasi nakatayo ang isang altar kung saan kami madalas manalangin nina mama at papa.

At sa paglabas ko nang gate ay nakita ko si Orion na tahimik na naghihintay sa labas. Mukhang ordinaryong tao lang siya dahil hindi ko nakikita ang mala-hayop niyang tenga.

"Ang tagal mo. Kanina pa ako naghihintay." Salubong ang kilay niya.

"Akala ko ba magbabago na?" I crossed my arms and arched my brow.

His eyes widened. Agad niyang binawi ang pagrereklamo. "Pasensya na, hindi lang talaga sanay." I could see his cheeks reddened.

"Bakit ba kasi naghihintay ka d'yan?" Sinara ko ang pinto at lumapit na sa kanya.

"Hindi ka pwedeng mag-isa. At anytime, a Kreeper might attack you."

"So, sasamahan mo ako hanggang sa trabaho?"

Magiliw siyang tumango nang ilang saglit, napangiti ako dahil nakikita kong sinusubukan nga niyang magbago. He stopped smiling when he saw me gigling.

"Hindi ka pwedeng maghintay sa mismong book store pero may katabi kaming coffee shop, okay lang ba kung doon ka na lang maghintay?"

"Basta malapit ako sa 'yo at nakikita kita, okay ako."

I made a thumps up before taking a step following my usual track. Pero hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan.

Tinignan ko siya dahil hindi ko alam kung ano bang gagawin niya o kung ano ang gusto niya.

He kept avoiding my gaze. Nagulat na lang ako nang binaluktok niya ang kanyang kamay para kapitan ko.

"May nakita akong magkasintahan kanina... at ganito ang ginagawa nila habang naglalakad." Mahinang ang boses niya na tila ba nahihiya pa. Ang maangas niyang awra ay napalitan nang pagka-cute na halos hindi pa siya makatingin sa 'kin.

"Para sa mga magkasintahan 'yun." Nawala ang pamumula ng kanyang mukha sa sinabi ko. Parang nalungkot siya dahil hindi ko siya pinayagan sa gusto niya. "Osige ganito na lang, sabay na lang tayong maglakad." Kahit pa paano'y nabuhayan muli ng loob si Orion.

Sa paglalakad namin papuntang trabaho, hindi niya ako hinayaan na madikit sa ibang tao. Hangga't maari maluwag ang espasyong daraanan ko. May mga tao na siyang naaabala pero wala siyang pakialam basta lang maging komportable ako. Ako na lang ang humihingi ng pasensya sa kanila.

"Siya nga pala, hindi ko napansin si Titus sa bahay. Nakita mo ba siya?"

"Hindi ko siya nakita, pero ramdam ko ang espiritu niya. Panigurado nasa bahay lang 'yun. Hindi rin siya pwedeng sumama sa 'yo ngayon dahil araw ko 'to."

"Araw mo, anong ibig mong sabihin?"

"Araw ko para mapalapit sa 'yo. Totoong magkaribal kami pagdating sa 'yo pero may alituntunin kaming sinusunod patungkol dito. Kapag araw ko, ako lang pwedeng lumapit sa 'yo."

"Ibig bang sabihin, araw niya kahapon?" Tumango si Orion sabay tanong kung bakit.

"Mukhang nagalit siya sa 'kin, may nasabi ata ako sa kanya kahapon."

"Ano bang sinabi mo?"

"Hindi ko na matandaan lahat, pero ito natatandaan ko, ang sabi ko hindi ko basta ibibigay ang sarili ko lalo na kung walang pagmamahal. 'Yun lang tapos bigla na lang siyang nagalit at iniwan ako."

Tumawa si Orion. "He hasn't moved on."

"From what?"

Ngunit bago pa man makasagot si Orion ay binati kami ng nagkukumpulang mga tao sa harapan ng book store. May sikat na author nga palang darating at magpapa-booksign ngayon.

"Kailangan nila ako sa loob, doon ka na muna maghintay ha." Agad akong umalis at tumulong sa loob.

Inabot ng halos apat na oras ang pagpapapirma ng author na bumisita sa book store namin. Panigurado mataas ang kita ni boss ngayon. Habang nag-aayos na kami ni Ajira ng mga kalat ay may napansin siya sa 'kin.

"Mukhang namumutla ka, ayos ka lang ba?"

"Ah eto ba, hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi."

"Ginugulo ka pa rin ba nung dalawang lalake?"

Napatingin ako sa kanya. Siya lang ang nakakapansin na nagkakaganito ako at napansin din niya ang dahilan. I almost cried in distress. Mabuti na lang at napigilan ko.

"Okay naman sila eh, yung sitwasyon lang talaga yung hindi. Hayaan mo na 'yun." Pinilit kong makangiti.

"Esmé, can I have a word with you? Privately."

Tumingala ako at nakita kong si Boss Rocco ang nagsalita. His hand is waiting for me to take.

Sino ba naman ako para tumanggi? I've waited for him to be like this. Baka naman ito na ang pinakahihintay ko.

Dinala ako ni Rocco sa sulok ng shop, kung saan walang makakarinig at makakalapit sa' min.

"I'm worried about you, Esmé. You look troubled lately." Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"I- I actually am. Pressured lang akong magdesisyon sa bagay na hindi pa ako handa. But I'll be fine." I said but he wasn't convince. He held my arm, grabbing it tight.

"About what?" Diretso ang tingin niya sa 'kin at may diin. Diin na siguradong mag-iiwan nang marka.

"A-aray, nasasaktan ako boss." Sinubukan kong lumayo sa kanya ngunit maging ang isa kong balikat ay sinakmal niya na rin.

"Rocco. Nasasaktan ako!"

I lifted my hand and I was about to give him a slap. Nang bigla na lang may dumating at tinapyos ang kamay ni Rocco.

"You heard the girl!"

Ngayon ko lang nakitang ganito ka-galit si Orion. Halos pilayin niya ang kamay ni Rocco na matagumpay niyang na-ialis sa braso ko.

"Orion." I cried his name. My heart was as if waiting for him to come.

Sa sobrang galit niya ay hindi nagsilbi ang aircon dahil sa sobrang init na lumabas sa katawan niya.

I have to stop him. Baka mapano niya si Rocco kung magtutuloy-tuloy ito. I held Orion's hand and tried to calm him. They can't make a scene here.

Orion's started to look at me. Sa palagay ko ay nakita niya ang gusto kong mangyari. He slowly freed Rocco's arm.

Mahigpit na yakap sa bewang ko ang naging daan ni Orion para mapakalma pa ang sarili. Rinig ko ang puso niyang malakas ang pagtibok.

"Esmé, I'm so sorry. Hindi ko alam anong nangyari sa 'kin. Hindi ko sinasadya masaktan ka." Tila natauhan si Rocco. He kept touching his head like as if he was hypnotize or something.

Sa sobrang takot hindi ko nagawang sumagot. Napakapit na lang ako sa damit ni Orion.

"I'm taking her. And don't you dare get near her again!"

Hinablot ni Orion ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng shop. Rocco tried following us but a single glare of Orion made him stop.

"You have to stop working here Esmé." He took another look inside the shop.

"It feels like the Prime Keeper is near here."