Hindi na ako lumabas ng kwarto buong gabi. Ayoko pa silang harapin. Humupa man ang galit ko at maubos man ang mga luha ko, hindi pa rin mawala sa isip ko ang panlolokong ginawa nila sa 'kin.
I tried sleeping it off pero hindi ako makatulog. Masyadong tahimik ang bahay, nakakabingi. Kahit kaluskos lang ay wala akong naririnig.
I was okay when my parents were gone, it didn't bother me really. But why am I so concern about these two men?
The thought of them leaving hunted me, leaving a weary feeling inside of me.
Umalis na nga ba sila?
Nagdesisyon akong bumangon sa higaan at lumabas upang silipin sila. My mind kept me seeing them both smiling and waiting for me just right outside the door.
Sa pagkakakilala ko sa kanila, lalo na kay Titus, magpapa-sorry naman sila 'di ba?
As I was about to open the door, my phone rang. Isa na namang mensahe mula kay Rocco ang dumating.
Another apology. At gusto niyang makipagkita sa 'kin. Nagreply ako at sabi kong hayaan na niya yung nangyari. Sinasadya man niya iyon o hindi, may rason naman siguro siya kaya niya nagawa iyon.
Please meet me at the square. Right now. I'll be waiting.
Kilala ko si Rocco, kapag nagsabi siya, sigurado tinutupad niya. Sumilip ako sa pintuan, malamig ang simoy nang gabi. There were no clouds in the sky, mukhang sumasama ang panahon. Hindi ako um-oo kay Rocco hindi ko alam kung tama pa ba na makipagkita sa kanya o hindi na.
I took my steps towards my door and slowly opened it wide. As I lay my eyes outside, I see no familiar faces. A sharp pain thump my heart breaking it into small pieces.
Why am I disappointed? Hindi ba't eto naman ang gusto ko?
Muling tumunog ang cellphone ko, its Rocco again, sending me photo of him in the middle of the square. Hindi ko naman siya pwedeng hayaan na maghintay doon. I have to meet him. Maybe I could forget about this damn feeling if I could talk to somebody else.
Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng jacket. Paglabas ko pa lang nang kwarto, I felt like I'm missing something. Hindi na nga ata ako sanay ng mag-isa.
Though it is very unsual of me, I left a note for them to read. Nakasaad sa note na, lumabas lang ako saglit. Hindi ko pwedeng sabihin na kikitain ko si Rocco dahil panigurado magagalit si Orion.
Sobrang lamig sa labas, parang bubuhos na ang snow. Madilim na rin ang mga daan, wala na halos tao at sasakyang nagdaraan. Sa city square ako patungo, doon kasi ang sabi ni Rocco.
Batid kong binalaan ako ni Orion na naramdaman niyang galing sa trabaho ko ang malakas ba espiritu. Alam ko rin na maaring nakalapit na kalaban sa 'kin. Pero ang square ay puno ng mga tao dahil maraming kainan at bar sa palibot noon. Hindi naman siguro susugod ang mga Kreeper doon.
Habang palayo ako sa bahay, lalong lumalamig ang paligid. Hindi ko maipaliwanag kung snow ba o ulan ang pagbasa na nakikita ko sa daan.
Sa pagdating ko sa square, nakita ko agad si Rocco. Totoo ngang naghintay siya sa gitna nang nakapapasong lamig. Tingungo ko siya ng walang pag-aalinlangan. Hindi naman na bago si Rocco sa'kin.
"Rocco!" Tawag ko sa kanya habang papalapit ako sa kinatatayuan niya. Inulit ko ang pagtawag sa pangalan niya pero hindi siya lumilingon.
Ang hangin ay bigla na lang umihip nang pagkalakas-lakas na tila ba may bagyo sa 'ming lugar.
"Rocco! Sumilong muna tayo!" Muli kong sinubukan na tawagin siya ngunit wala pa rin siyang kibo.
Tumingin ako ng tindahan na maari naming silungan. Ngunit kataka-takang sarado sila lahat. Gabi na oo, pero kainan at gimikan ang palibot nang square, nakapagtataka.
Kahit pa hirap ako dahil sa paninigas ng kamay ko dahil sa lamig ay pinindot ko ang cellphone number ni Rocco. Hindi ko na kayang puntahan pa siya sa gitna ng square.
"Rocco, nandito na ako sa likod mo. Delikado d'yan sa pwesto mo. Mabuti pa, umuwi na lang tayo. Hindi maganda ang panahon."
Halos manigas na ang katawan ko sa lamig. Kulang ang jacket na dala ko at hindi man iyon nagsilbi sa ginaw.
"Ano ba? Sumagot ka naman!" Hindi ko na talaga kaya ang lamig. Ibinaba ko ang tawag at itinagong muli sa bulsa ko ang cellphone.
"Kung ayaw mong umalis! Bahala ka! Uuwi na ako!" Kinailangan kong sumigaw para makasiguradong marinig niya ako. Hindi ko na rin kasi masyadong marinig ang aking sarili dala nang malakas na ihip nang hangin.
Ngunit sa pagtalikod ko, isang matalim na pana ang tumarak sa likod ko. Mabilis na nawala ang lakas ko, wala akong magawa kung 'di hayaan na lang na lumagpak ang katawan ko sa niyebe.
The pain runs from vein to vein, a liquid-like substance along with it spreads all over my body. My head started to get light as if I was floating into air. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko, I needed to call somebody. Ngunit bigo ako sa pag-utos sa nanghihina kong katawan.
Eto na ba ang ikinatatakot nilang lahat? Ang Prime Keeper?
Orion. Titus. Iñigo.
I'm sorry.
That is then, Iñigo's warning came to my mind.
Be careful with your words. For he may dissapear forever.
I remember my last words to them. Ang tanga-tanga ko talaga!
"I sent them away." I exhaled all my left out strength.
All of my hopes came rushing down. Wala na akong pag-asa pang mabuhay sa lagay kong ito.
Now that Orion and Titus won't be here to rescue me, what am I going to do?
Pinipilit kong huwag sumara ang mga mata ko. Kailangan kong malaman kung sino ang namana sa 'kin. But the snow mixing in the air won't let me see anything.
Because of my carelessness, all worlds might be at their end. I lost all hope left in me.
Handa na akong mamatay. Ipipikit ko na ang mga mata nang may mga yapak akong narinig.
I assumed that my body has been paralyzed. I could not move an inch.
"Thank you for disowning your Henki,
Esmé."
A soft spoken voice came to me without warning touching my dead cold face. It was surprisingly soft. Perhaps, its a woman's hand?