Pagdating namin ni Orion sa bahay, umuusok pa rin ang tenga niya sa galit. Tila naramdaman ni Titus ang espiritu niyang umaapaw sa init kaya pumasok rin ito sa sala kung saan kami naroon.
"Ba't galit na galit 'to?" Tanong sa 'kin ni Titus.
"Yung boss ko kasi, parang sinapian. Ayaw akong bitawan kanina. Mabuti na lang at nando'n si Orion baka napano na ako kung wala siya." Tumitig ako kay Orion, tahimik na nagpapasalamat. Paunti-unti lumalambot ang kanyang itsura, maging ang init niya'y nawawala na rin.
"Sinapian? Hindi kaya?" Bumaling ng tingin si Titus kay Orion.
"Nakaramdam ako nang malakas na prisensya kanina. Malakas ang hinala ko na ang Prime Keeper ang may pakana noon." Seryosong wika ni Orion.
Sa tensyon na kanilang ipinapakita, nangamba ako. Paano ko ipagtatagol ang sarili ko? Ayokong umasa na lang sa kanilang dalawa. Kailangan ko rin namang matutunan na proteksyunan ang sarili ko.
"Esmé, okay ka lang ba?" Puna sa 'kin ni Titus. Agad akong tumango. Malaki na ang problemang nakapataw sa kanilang balikat. Ako na lang ang bahalang gumawa nang paraan para sa sarili ko.
Tumayo ako at agad namang bumaling ang tingin nilang dalawa sa 'kin. Alam kong nakikita nilang nangangamba ako. But I had to distract them from pitying me. "Ipagluluto ko kayo. Steak. 'Di ba paborito mo 'yun Orion?"
Orion got excited like a dog wanting a bone. To think of it, Orion is some kind of a dog-like creature. No wonder he likes meat.
"What about me?" Malungkot na wika ni Titus.
"Naubos na ang isda. 'Di bale, bukas isda naman ang iluluto ko." Galak akong ngumiti sa kanila kahit pa iyon ay pagpapanggap lamang.
Sa kusina ang diretso ko at habang inihahanda ko ang karne, tumunog ang cellphone ko.
Isang mensahe mula kay Rocco. Nag-alinlangan akong buksan iyon, sa ipinakita niyang galit kanina, totoong natakot ako. Ngunit sa kabila noon, naisip ko, hindi naman niya ako masasaktan kung babasahin ko ang message niya 'di ba?
I don't know what happened. Na-blangko ang utak ko. I'm really sorry Esmé. Let me make it up to you. A dinner tomorrow? Or anything you want. Just please, meet me.
"Do you need some help?" Nataranta ako sa boses ni Titus na bigla na lang sumulpot sa pintuan nang kusina. Agad ko itinago ang cellphone ko pabalik sa 'king bulsa.
"N-no. I'm good."
Sa kabila nang pagtangi ko, lumapit pa rin siya sa 'kin. His eyes were on me, as if wanting to say something.
"Esmé, about what happened, I'm sorry."
About what? Yung biglaan niyang pagwalk-out?
"I know, love is important to human." Kahit pa nagkukwento ay tinulungan pa rin niya ako sa pagluluto.
I was about to grill the steak but he did it for me. Hindi ako nakapagsalita agad. Iniisip ko pa kasi kung ano ang sasabihin ko. Masaya ako, oo pero nasaktan din ako nang bigla na lang siyang nag-walk out.
I kind of, starting to like Titus.
And pains me to see him walks away from me without knowing the reason why.
"May nasabi sa 'kin si Orion, about you, not yet moved on?"
He looked at me surprised. "That foul mouthed dog." Muli siyang bumalik sa pag-grill ng steak.
"Well, there is no use in hiding it. Tutal, mapapangasawa naman kita 'di ba?" He winked at me and that left me flusttered.
"Three years back I've met a girl – a human. She was wonderful just like you but softer. We fell in love but just as we thought everything is falling into place." Natigil siya sa pagsasalita. I could see him swallow a lump on his throat. "She died."
"Is that the reason why, you fear to love again?"
He smiled cut short. "Yes. I'm sorry for ignoring you. Nang marinig ko ang salitang pagmamahal sa 'yo. Inisip ko agad na mawawala ka rin sa 'kin. Ayoko nang sumugal sa pag-ibig."
As the steak starts to tender and sizzle, he came to me and stared into my eyes.
"But I want to change that. I want to love you."
As I was about to answer to his honesty. Orion came in and grabbed my torso. His eyes blazed straight to Titus.
"Do you really think I would let you lie to her just like that?" He grabbed me so close to him that I could feel his body tensed.
"Anong sinasabi mo Orion? Don't confuse her." Said Titus keeping his cool.
"Lie to me?" I held Orion's arms to get his attention. "What do you mean?" Orion made me see his sincerity.
"Hindi na marunong magmahal ang isang Henki na tulad niya. Yelo na ang puso niya." My eyes started to get teary.
Am I hearing it right?
Hindi nagpatalo si Titus sa mga tila paninirang sinasabi ni Orion, na maaari din namang katotohanan.
"Ang sabi ba niya sa 'yo magbabago siya?" Titus shook his head in denial. "That won't happen. Wala pa, ni isa sa kanilang lahi ang nagmahal. He don't even know what love is!" Giit ni Titus.
Now I'm confused. Kung kailan naman nagtitiwala na ako sa kanilang dalawa.
A heart of Ice and a Henki who doesn't know how to love. Pero 'di ba sabi nila sa 'kin, magmamahal sila?
"N-nagsinungaling kayo sa 'kin?" I said painfully. My core weakens and I could feel my eyes soak in tears.
Hindi ko alam kung narinig ba nila ang sinabi ko. They were fighting and shouting at each other. Hindi ko marinig kung ano ang mga sinasabi nila. Them, lying is all what my mind kept thinking.
With all the commotion happening I smelled burnt food. Agad akong lumingon sa niluluto kong steak na nasusunog na.
Umalis ako sa pagkakahawak ni Orion. Crying. Inilipat ko ang steak sa pinggan to finish what I started.
Umaagos ang luha sa mga pisngi ko. Hindi ko mapigilan, masyadong malakas ang tulo ng luha ko.
"Esmé."
They both whispered my name. I tried wiping off my tears but it keeps on coming.
Titus held my arms. In an instant I smack his hand, my desperation grew bigger and turned into anger.
"Mga sinungaling kayo! Pinaglalaruan niyo lang ako!"
My breathing deepen as I look to them, clenching my fist. Hindi ko mapigilan ang galit at idinaan iyon ng katawan ko sa pamamagitan nang pag-iyak.
Sinubukan ni Orion na lumapit sa 'kin pero umurong ako at umiwas sa kanya.
"Don't. Huwag na kayong lumapit sa 'kin. Umalis na kayo dito, ayoko na kayong makita!"
I run as fast as I could going to my room , shutting the door behind me. Lahat ng galit at kabiguan ay iniyak ko sa likod ng pintuan.
Nagtiwala ako at muntikan pa akong magmahal. Pero bigo lang ako, kahit anong gawin ko at kahit anong sabihin ko. Isang bagay lang ang gusto nila mula sa 'kin.
Ang tanging gusto nila ay ang cosmos. Hindi sila magmamahal, katulad ng ginagawa ko.