Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 297 - Chapter 37: Speechless

Chapter 297 - Chapter 37: Speechless

Mabigat ang katawan kong bumangon. Kamot ang ulo at mata.

Di ko na matandaan kung anong sumunod na nangyari kahapon. Basta ang huling nasa alaala ko ay nakaupo ako sa swivel chair nya at doon natulog.

"Nasaan ako?.." mahina ngunit nagtataka ko iyong sambit Purong abo na naman ang interior ng bahay. Sa kanan ko ay malaking bintana na natatakpan ng madilim na asul. Mahaba iyon na aabot hanggang sahig. Sa tabi naman nun ay isang halaman na di ko mawari ang pangalan. Nasa dulo sya ng aking dila subalit hindi ko mabigkas bigkas. Sa kanan ko naman ay isang maliit na mesa na pinagpatungan ng lamp shade. At bulaklak na sunflower. Mukhang mga bagong pitas iyon dahil sa amoy at ganda ng mga petal nito. Kumuha ako ng isa at talagang inamoy pa. Isa sa paborito kong bulaklak.

"Good morning.." isang baritonong boses ang bumati. Iniluwa sya ng pintuan na pawang mamahaling kahoy sa kintab. Naglakad sya papasok habang hawak ang isang tray na may lamang baso na umuusok. Plato at nahiwang mansanas.

Sa bawat hakbang nyang ginagawa, laglag ang aking panga. Habol ko aking hininga sapagkat parang napakagwapo nya. Sports shorts at sandong puti lang naman ang suot nya pero nagsusumigaw ang sngkin nitong gwapo. Nakakapigil hininga!

"Sobrang gwapo ba?.." he smirked. Oh damn!. Here we are again. Sinundan ko talaga ang mga braso nyang lumalabas ang ugat sa simpleng paglapag lang ng tray sa mismong harapan ko. "Baka gusto mong kainin kita?.." sinamaan ko sya ng tingin noong una. Pero nang mapagtanto ko ang sinabi nya. Mahina ko syang sinapak sa mukha. Ang aga! My goodness!!!

Namutla na naman panigurado ang pisngi ko!

Humagalpak ng todo ang loko!

Talagang sumama ang tingin kong di maalis sa ganda ng kanyang pagngiti. Grabe!. Panahon nga ang lumipas pero hindi ng naramdaman ko para sa taong to. He's so damn handsome. Kahit saang parte ng mukha nya ibaling ang aking paningin. Gwapo pa rin. Hulog na hulog Bamby huh?. Hmmm??!

"Nasaan ako?.." andun pa rin ang tanong na di nya nasagot kanina. Gusto kong malaman kung kanino itong bahay na ito. May ideya ako pero ayokong kumapit nalang basta doon.

"Bahay ko.." simple nyang sagot. Tumayo at namaywang sa harapan ko. "Kung gusto mo, bahay mo na rin.." laglag na naman ang panga kong inayos ko kanina. Hay! Ano pa bang di ko alam tungkol sa kanya?. Naabot na nya pangarap nya. Sobra pa sa dati nyang plano. Gusto nya lang maging enhinyero noon. Magtrabaho at bumuo ng pamilya. Ngayon, sobra pa sa trabaho ang naabot nya. May sarili na syang kumpanya. Bahay at ano pa?. Asawa nalang ang wala!. O Bamby!. Sumobra na naman yang pag-iisip mo. Take a deep breath and relax.

"Anong iniisip mo?. gusto mo bang dito ka nalang tumira?.." nagitla ako ng maamoy ko ang mabango nyang hininga. Doon ko lang nalaman na sobrang lapit na pala nya. Dumikit na ang tungki ng ilong ko sa kanya. He smiled devilishly. Pinagkunot ko ang noo saka ngumuso. Mali pa ang galaw na iyon dahil hinalikan nya ako bigla. Buong pwersa ko syang tinulak pero parang di man lang sya natinag. Nakangisi lang syang nakatitig sakin.

"Gosh Jaden!!. Stop staring!.." palo ko sa bandang dibdib nya ng maalalang bagong gising pala ako. Suskupo Bamby!! Bakit ka nag-iisip?. Nakita mo lang ang may-ari ng puso mo, tumitiklop ka na!

Agad kong tinakpan ang buong mukha saka kumaripas ng takbo. Ang malas ko lang dahil di ko alam kung saan ang kanyang banyo. "Left side baby.. hahaha..." tukoy nito sa hinahanap ko. Walang hiya!! Para akong ipu-ipong pumasok roon at naghilamos. Pinag-aralan anv mukha sa harap ng salamin. Maputla na ito. Gosh!

Sa lakas ng kaba ko. Kinailangan ko na talagang iligo para maibsan ang di mapigil na nararamdaman. Mahigit isang oras yata akong nagbabad sa tubig bago naisipang lumabas.

Ang akala ko. Lumabas na sya't iniwan na ako. Nagkamali ako dahil tanaw ko syang preteng nakaupo sa mahaba nyang sofa. Bandang paanan ng malaking kama. Dumapo agad ang mata nya sakin ng marinig ang pagpihit ng pintuan. Hudyat na may lumabas. Imbes lamigin ako sa aircon. Lalo lamang akong nainitan ng suyurin nito ang ulo hanggang paa ko. Nakaroba lang ako. Wala ng ibang saplot kundi iyon lang. Tumikhim ako para pigilan sya sa ginagawa ngunit parang wala itong narinig. Tumaas pa ang sulok ng kanyang labi.

"Yung damit ko. Saan mo nilagay?.." hinanap ko kanina yung suot ko na damit noong nasa opisina nya ako pero wala. Isang polo shirt lang ang aking suot bago ako naligo. Hula ko'y sa kanya iyon dahil sa laki at haba nito. Hindi lalagpas saking tuhod. Muli na namang nag-init ang pisngi ko ng maalalang suot ko iyon matapos ang nangyari sa office nya. What the hell! Pinalitan nya ba ako ng walang kamalay malay?. Suskupo Bamby!!

"Tinapon ko na. Nadumihan eh.."

"What!?.." pagtataas ko ng boses. Anong isusuot ko ngayon?.

"Kahit hindi ka na magdamit.. maganda ka pa rin.."

"What the hell Jaden!!.." di makapaniwalang sambit ko. Seryoso?. Sya ba talaga si Jaden?. Bakit parang ibang tao ang kaharap ko ngayon?.

"Baby, don't curse my name.. baka di kita bigyan ng damit.." umawang ang aking labi. My goodness!! Di makapaniwalang iling ko. Ang loko!. Kinagat pa ang labi saka tumayo. Nilapitan ako. Umatras ako ng isang hakbang. Naghahanda sa kung anong balak nya. Bumigat ang paghinga ko sa kaba. Ilang dipa nalang ang agwat naming dalawa. Shit!. Itong mata ko, di ko na naman nakontrol. Tumambay na naman sa kagat nyang labi. Sa huling hakbang ko. Malamig na dingding na ang yumakap saking likuran. Doon nya ako kinulong gamit ang dalawa nyang kamay. Yumuko sya upang magsalubong ang aming mga mata. Nakita ko ang nag-aalab na kagustuhan nitong gawin ang nasa kanyang isip. Wala pa man. Umuulan na naman ang pribadong parte ng katawan ko. Inilapit nya ang mukha sa akin. Bumaling sa kanan sa paraang may tinitignan. Napapikit ako ng maramdaman ang mainit na dampi ng kanyang labi sa ibabang leeg ko. Ilang patak lang iyon at tumigil na sya. Habol ko ang hininga kasabay ng paghawak nya saking pisngi. Pakiramdam ko. Nililipad na naman ako ng ulap sa lahat ng ginagawa nya.

"Magpalit ka na duon.." anya. Mahina. Tama lang para marinig ko. Nang dumilat ako. Sinsero nyang ngiti ang bumungad sakin. Muli nyang hinaplos ang ibaba ng aking pisngi bago tinalikuran. "Magpalit ka na.. baka hinahanap ka na ni Knoa.."

Matagal bago ko naproseso ang lahat. Ang akala ko, hahantong na naman sa isang mapusok na usapan ang lahat. Akala ko lang pala iyon.

Nang maalalang may anak pala akong iniwan. Nagkaroon ng lakas ang mga paa kong lumapit sa kabinet na tinuro nya kanina. Bumalik muli sya ng upo. Nakapandekwatrong lalaki habang hawak ang MacBook nya. Abala ang kanan nyang kamay habang ang kaliwa ay nakapangalumbaba. Nakatuko sa sofa ang siko nya.

"Kanino ang mga to?.." nasa isip ko lang sana iyon pero huli na ng matanto kong nasabi ko na pala. Whoa!! Puno ng mga pangbabaeng damit ang kabinet. And take note. Di lang basta damit. Branded ito. Galing sa isang sikat na clothing line ngayon. Ganun ba karami ang pera nya?. Hay!. What else?.

"Sa girlfriend mo ba?. O sa napangasawa?. O sa mga babae mo?.." I sounded like a jealous wife here. Thinking that he has so many girls. Damn!

"Walang may-ari nyan.." iyon lang ang sagot nya. Ngumisi ako kahit na nakatalikod sa kanya.

"Talaga lang huh?.. Sino namang maniniwala sa'yo?.."

"Di ko kailangan ang opinyon ng ibang tao.. ang pananaw ko ang mahalaga sakin.. at kung ayaw mong maniwala.." he cut his words off.

Hinarap ko sya't tinaasan ng kilay. "What?.." bumaling sya sakin.

His lips became one line. "Ayaw mo lang umamin eh.. tsk!. kung sa asawa mo yan.. it's okay.. hihiram muna ako.. ibabalik ko rin after.." tinalikuran ko sya at pumili ng maganda. Magaganda naman lahat. Branded nga diba?.

"Walang may-ari nyan dahil exclusive lang yan sa iisang tao.." anya bigla. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy ako sa paghahanap.

Then who?. Pumikit ako sa sakit na dumaan saking lalamunan. Parang piniga na naman ang puso ko.

"Don't mention it.. Alam ko naman na naakit lang kita kanina.. I'm sorry but I'm not sorry.."

"Wala akong "mga" babae.. may girlfriend ako at engaged na kami.. matagal na.." dinig ko ang boses nyang lumalapit. Noon ko muling natanto na nasa likuran ko na sya't niyakap na ako patalikod. "Wala akong ibang minahal bukod sa'yo.. wala akong ibang makita kundi ikaw lang.. binihag mo ang puso ko.. ganun rin ang buong pagkatao ko.."

And yes!. Heto na naman ako!. speechless...