Nakatulog ako ng di nasasagot ang kanyang tanong. Masyadong maraming gumugulo sa isip ko pero wala akong lakas na sabihin ang mga iyon dahil sa sobrang lapit nya sakin. Siguro kung oxygen tank lang ako. Kagabi pa ako ubos at basta nalang akong nawalan ng malay rito. Kinakapos ako ng hininga sa tuwing tumatama sa leeg ko ang mainit na hangin na binubuga nya.
Kung bakit di ko sinabi ang tungkol sa pagdadalang tao ko noon, ay dahil sa halo halong emosyon ko. Di ko iyon nakontrol at humantong nga sa napakakumplikadong sitwasyon ang lahat. Tungkol naman sa pangaganak ko. Paano ko naman sasabihin iyon ng bigla sa kanya kung kahit nga pamilya ko, di nagustuhan ang pagbubuntis ko. Paano ko ipaparating sa kanya ang magandang balitang iyo kung sinakop ng galit ang puso ko sa narinig mula sa kanyang telepono. Gusto ko ring itanong iyon sa kanya pero nagdalawang isip ako. Ayokong sayangin ang pagkakataong nandito sya sa tabi ko, namin ni Knoa. At yung pangalan na tinatanong nya. Malamang. Ibibigay ko ang Bautista kay Knoa dahil sya naman talaga ang ama. Bakit kailangan pa nyang tanungin kung parang may ideya naman na sya. Hayst!
Bumangon ako kinaumagahan. Wala na sila sa kama. Inalis ko ang kumot na nilagay siguro nya bago lumabas. Ngumuso ako sa naglalaro saking isipan. Nilagay nya ba iyon o si Knoa?. Yan ang isa sa dahilan kung bakit ka nasasaktan Bamby. Umaasa ka sa maliliit na bagay. Bagay na di mo alam kung sya ba talaga iyon o iba.
"Ayst!. Bahala nga!.." ginulo ko ang buhok sa dami ng iniisip. Tumayo ako't inayos ang hinigaan bago pumasok ng banyo. Naligo at nagsepilyo.
Tinanaw ko ang labas na mataas na pala ang sikat ng araw. Noon ko lang natanto na, pasado alas dyes na! Seryoso!? Ganun ako katagal natulog?. My goodness Bamby!!. Tutuksuhin ka na naman ng mga tao sa baba.
Mabilis akong nagbihis. Suot ang isang pulang spaghetti strap at short shorts bago bumaba.
Mula sa itaas. Rinig ko na ang atungal ni Knoa.
Ang aga. Ano na naman kayang problema nya?..
Dumaan ako sa may dining area pero walang tao. Lumiko ako pakanan para lumabas sa may sala. Wala ring tao doon. Binuksan ko ang mahabang kurtina saka natanaw sa labas ang umaatungal na si Knoa. Nakakapit ito sa paanan ni Jaden.
Suskupo!
Agad kong binuksan ang pinto papunta sa may garahe. "Anong nangyari?.." I asked na agad dinaluhan ang batang ayaw bitawan ang binti ng kanyang ama.
"Ayaw nyang paalisin daddy nya.." may diin ang salitang "Daddy" sa sinabing iyon ni kuya. Mapang-asar pang tumingin sakin. Doon ko lang rin natagpuan ang mata ni Jaden na nakatitig na sa akin. Agad akong tumayo ng matanto ang telang suot ko. Tsk!. You pervert!
"Nakaalis na yung kasama nya. Sya nalang naiwan.. ayaw pakawalan ng anak.. nyo..." madilim ko syang tinapunan ng tingin ng diinan muli ang "nyo" sa huli. Anong problema ng isang to?. Dumadagdag eh! Kainis!
"Knoa, baby.. da-ddy needs to go.. he's going to work now.." Shit!. Kung bakit pati dila ko, nagkandabuhol buhol na!
Sumilay ang nakatagong ngiti sa mukha ni Jaden habang pinapasadahan nya ako ng tingin. Damn boy!. Stop that!!
"Kailangan ko ng umalis. " si Jaden ng di tinatanggal ang mata sa akin. Nagbaba ako ng tingin sa batang kapit na kapit pa rin sa binti nya. Whoa!. Knoa naman!. Behave please!. Di ka naman ganyan ah. What now, ngayong andito ang daddy mo?. Ganun mo ba sya kagusto?..
"Ah.. pasensya na.." nautal pa rin ako. Mabuti nalang at niyuko ko si Knoa sabay kalas ng kamay nya sa matigas nyang binti.
"Mommy, I don't want daddy go.." umiiyak pa ring sabi ni Knoa.
"But baby, your daddy needs to go.. baka pagalitan na sya ng boss nya.."
"E di wag nalang syang umalis kung magagalit boss nya, mommy.."
Suskupo naman!. Ano ba kasing sinabi mo Bamby?. Lihim kong sinapo ang noo sa tanong nya.
Dinig kong mahinang natawa ang dalawa.
Nagagawa pa nilang matawa huh?. Mga abnormal din! Hayaan ko nalang kaya tong isa sa may paanan nya para di na sya makaalis. Tignan ko kung makakatawa pa rin sya.
Kahit hirap at sobrang higpit ng kapit nya doon. Pilit ko pa ring kinalas isa isa ang mga daliri nya. Mabuti nalang at di na sya nagpumilit pa. "Knoa naman eh.. magagalit na sa'yo daddy mo.." hinagod ko ang kanyang likod ng buhatin ko na sya at itayo mula sa ibaba. Tumalikod ako sa gawi nya saka sya pinakalma.
"Excuse us.." Ani kuya bigla. Ipinakita ang cellphone nyang maingay nang dumaan saming harapan bago pumasok sa loob ng bahay.
"Shhhh.." pakalma ko dito. Sumisinok na ito sa kakaiyak.
Nang tuluyang nakapasok si kuya. Naramdaman kong naglakad palapit si Jaden samin. "Babalik ang daddy, baby.." halos ibulong nya ito sa gilid ng tainga ko. Yakap ni Knoa ang leeg ko. Subsob doon ang mukha nyang pulang pula. Mula sa likuran. Hinaplos nya ang buhok ni Knoa. Pinalis maging ang iilang luha na natira sa mata nya. "May pupuntahan pa kaming sites at di ako pwedeng mawala doon.." parang di na para kay Knoa ang salitang iyon. Pakiramdam ko. Sa akin na sya nagpapaalam. Gosh!. Whoa!. Ang init!
"It's okay.. ako nang bahala sa kanya.." lakas ng loob kong magsalita ng "it's okay" na kabaligtaran naman iyon ng lahat. Humakbang ako palayo sa mainit nyang presensya. Ngunit hinabol nya lang rin kami. "Hmmm.. be a good boy to mommy, baby.."
"Hmmp. " impit na sagot ng bata.
Ginulo nito ang buhok nya saka dinampian ng halik. "Promise, babalik ako.." pangako nya pa rito. Di sya tinignan ni Knoa. Nagtago lamang sakin. "I promise you that, baby.." tumingin sya sakin ng sabihin ang linyang iyon. Bahagyang hinaplos pa ang buhok kong sumasayaw sa giliw ng hangin. Kagat ang labing tumango ako. Okay!. I'm right here waiting for you baby! What the hell! Suskupo!
Tuluyan na nga syang nagpaalam samin. Hinatid pa namin sya sa labas dahil request ni baby boss. Kumaway at bumusina sya ng isang beses bago tuluyang pinaandar ang sasakyan nya palayo samin.
Di matanggal sa sasakyang palayo ang aking paningin. I wonder kung napansin nya iyon o hinde. Sumama yata sa kanya ang kaluluwa ko. Di ako nakapag-isip ng tama ng pumasok na kami sa loob. Lutang ako at kahit anong gawin ko. Hindi sya mawala sa isipan ko.
At sa lumipas na dalawang linggo. Di sya bumalik gaya ng ipinangako nya. Tinanong ko si papa about him pero ang sabi nya lang, "Busy pa sya hija.. ang dami nyang inaasikaso.." Malungkot mang pakinggan pero tinanggap ko nalang. Mahirap makihati kapag alam mong di ka priority.