Nag-uunahan ang luha ko habang inaakay nila ako paakyat ng aking kwarto. Paulit ulit nila akong tinatanong kung anong masakit sakin o may nakain ba akong ayoko. Ang dami dami nilang tanong pero ni isa sa mga iyon ay di ko nasagot.
"Pa, ako nang bahala dito. Bumaba na kayo't baka andyan na yung inorder nyo, Mark.." Ani mama sa kanilang tatlo. Tinulungan nila akong mahiga sa kama at kinumutan. Finull pa nila ang aircon para lalo raw akong maging okay. Na naging dahilan din ng bigla kong panlalamig.
Pinanlalamig ako ng kaba kong binabagabag ako. Tinatakot ako na baka hindi nila ako tanggapin o ang magiging anak ko, namin. Iniisip ko palang na di nila ako kakausapin o papansin. O mas masakit sabihin, na pabayan. Parang ayoko ng ituloy to.
Ginawa mo yan Bamby!. Panindigan mo!. Walang kasalanan ang walang muwang sa ginawa nyo!. Wag nyong ipagkait ang buhay sa kanya.
Nasaktan ako sa katotohanang naisip. Alam ko naman na maaaring mangyari ang ganito. Oo. Ginusto ko ito. At papanindigan ko. Ang di ko lang napaghandaan ay ang mga taong nasa paligid ko. Kung matatanggap ba nila o hinde. O huhusgahan din nila ako na tulad ng ibang tao.
"Are you okay?.." alanganing tanong sakin ni mama nang umalis na yung tatlo. Siniguro nyang nakalock pa iyon bago ako nilapitan at umupo saking gilid.
Humikbi lang ako sa kawalan ng lakas ng loob ng magsabi ng totoo sa kanya.
"Why are you crying?. May masakit ba sa'yo?. Tell me please..." nagmamakaawa na nyang sambit. Umiling lang ako saka sinubsob ang mukha sa kanyang kandungan.
I'm sorry mama! Katagang gusto kong sabihin. Salitang sinisigaw na ng aking puso ngunit di ko alam kung paano sabihin.
"Nak, you making me worried here.." dagdag nya pa habang inaayos ng dahan dahan ang aking buhok. "What's the problem?. I won't judge. Just let me know kung anong nangyayari.."
"Ma..." lalo akong humagulgol sa kanyang mga binti. Di ko lang mapigilan. Baka kasi pagkatapos ng usapang ito. Di na nya ako kakausapin. Natatakot ako. Nakakapanghina ang isiping iyon.
"Hmmm?.. Tell me hija.." hinayaan nya lang ako na ganun ang posisyon sa kanya. Di pa rin naman nya inaalis ang kamay saking buhok.
"Ma...I--.." O my goodness!. Paano ko tatapusin ito?. Paano ko sasabihin sakanya ng di sya nasasaktan?.
"You're what anak?.." malumanay pa rin nyang tanong. Walang bakas ng galit o pagtataka. Lalo lang akong kinabahan. Hindi sya nagtataka. Marahil, may alam na sya!. Gosh!!!. Help me please!
"I think.. I'm---.." kung sana andito ka na Jaden. O gosh!. Naluluha na naman ako.
Hindi na sya tumugon. Hinahayaan nya lang akong tahimik na umiiyak. Sumisinok na ako sa patuloy na pag-iyak "Ma, I'm sorry.."
Damn!. I'm too weak!. Di ko alam kung saan magsisimula.
"You're sorry for what?.."
O my goodness!. Mas nawalan ako ng lakas ng loob sa ganda ng pagkakatanong nya.
"Punta tayo ng ospital ngayon?.." tumatayo na sya ngunit hinila ko ang braso nya. Umiling ako ng umiling nang nasa sahig ang mata. Wala talaga akong lakas na tumitig sa mata nya. Baka bumigay lang talaga ako. O di kaya'y mahimatay.
"Ayaw mong pumunta?. Bakit?. Sumusuka ka tas di mo alam kung anong dahilan?. O--?..." she paused. At sa ilang minuto na lumipas. Saka lang ako nag-angat ng tingin. Puno ng luha ang aking mata ngunit nakita ko ng malinaw kung paano nya takpan ang kanyang labi. Nanlalaki ang kanyang mata at nanginig.
Di ko rin alam kung dapat ko ba syang lapitan o kumpirmahin ang hinala nya. I'm torn between telling the truth and saying a lie. Pinagpapawisan ako't nanlalamig. Nanginginig na ang aking labi sa halo halong pakiramdam.
"Ma?.." namamaos kong tawag dito subalit she just shook her head na, sinasabing di dapat ako lumapit. Tears run down on my cheeks.
"Tama ba ang hinala ko?.." takip nya pa ang kanyang labi. May luha na rin sa mga mata nya.
My heart aches.
"Ma, I didn't---.." magpapaliwanag sana ako. Sasabihing naging mahina ako at nagpatianod sa maling desisyon. Ngunit, tinalikuran na nya ako! Iniwan kahit na hindi pa ako tapos magpaliwanag. Ang sabi nya, she won't judge. Why now? Di nya ako pinakinggan.
Humagulgol ako sa sariling mga tuhod.
Ano nang gagawin ko ngayon?. Jaden, needs to know about this. Sasabihin ko ito sa kanya.