Di naging maayos ang takbo ng unang araw ko sa kumpanyang kinaroroonan ko. Fourth year. On the job training. Nasiraan ako ng motor sa daan. Kaya napilitang magcommute si Bamby. Nabasa pa ang pantalon na suot ko dahil biglang bumuhos ang ulan. Susmaryosep!. Ayokong magmura pero napapamura ako sa sitwasyong meron ako. At sa hindi inaasahang pagkakataon pa. Doon din nag-ojt si Veberly. She talked to me but I didn't respond. Nakasunod sya sakin pero ni ang tapunan sya ng tingin ay di ko magawa. Naubos na yata ang kaunting respetong meron ako para sa kanya.
Sa sumunod na araw. Mabuti at nakisama na rin ang panahon sakin.
"Pare, lunch time na. Sama ka?.." tanong sakin nitong kasama ko. Sa ibang school sya galing at talagang magaling sya pagdating sa mga building. Di ko sinasabing di ako magaling. Nagagalingan lang ako sa mga estratehiya nyang di ko naiisip.
"Pass ako pare. May pupuntahan pa ako." agad syang ngumiti at nagpaalam na umalis. Sumakay ako sa elevator para bumaba. Para puntahan si Bamby at sabay kaming kumain.
"Jaden wait!!.." tili na naman nya. Si Veberly to. Di ko sya pinakinggan. Para saan pa hindi ba?. Ilang ulit na nya kaming sinisira. Magtitiwala pa ba ako sa katulad nya?. Hindi na. Pagod na akong maniwala at makinig sa mga taong paulit ulit nalang ginagawa ang mali nila.
Pinaharurot ko ng mabilis ang motor sa location ni Bamby. Matayog na gusali ang kumpanyang nagtetrain sa kanila. At lalo akong humanga sa kanya dahil bibihira raw ang tinatanggap nilang trainees roon.
Pinark ko ang motor sa lilim ng puno ng mahogany sa harap mismo ng gusali. Tanaw na mula dito ang entrance at ang lumalabas na mga tao. Nilabas ko ang cellphone tsaka sya tinawagan. "Babe, tapos ka na ba?. Andito na ako sa baba.." tanong ko palang nang matanawan ko na syang kumakaway sakin. Nagpaalam sya sa kumpulan ng mga kasamahan nya bago nag-umpisang maglakad papunta sakin.
"Kanina ka pa?.." nakangiting tanong nya. Kinawayan pang muli ang iilan sa tumawag sa kanya bago ako binalingan. Tumayo ako sa pagkakasandal ko sa motor at kinuha ang bag nya. "Bago lang. Tara na.." tinanguan nya ako saka ko naman pinaandar ang motor ko. Kumain kami sa isang restaurant. Di kalayuan sa location namin. Kalahating oras lang kasi ang vacant namin.
"I'll fetch you later babe. I love you.." hinalikan ko sya sa labi ng segundo lang.
"Hmm.. I love you too. Ingat ha.." paalam nya saka na sya pumasok. Doon na rin ako bumalik. Napagalitan pa ako ng makarating. Late ako ng ilang minuto. Pero ayos lang. Nakasama ko naman mahal ko.
"Jaden, mag-ot ka ngayon. Maraming kailangang tapusin.." Ani ng head namin. Bumagsak ang mga balikat ko ng tignai ko ang orasan. Malapit nang mag-ala singko. Paano ko sya susunduin?. Wala akong magawa kundi itext sya't sabihin na kailangan kong mag-over time. Humingi ako ng paumanhin na ang sabi nya'y di na dapat dahil di ko naman ginusto. Tsaka, opportunity raw para makapasok ako dito. Ginawa kong motivation ang sinabi nya kahit labag sa loob ko ang mag-ot. Nagtatrabaho ako pero lumilipad ang utak ko sa kanya. Kung ligtas ba syang makakasakay o kung may gagawa sa kanya ng masama. Di ako nega. Sadyang sa panahon ngayon. Di ko maiwasang mag-isip ng ganun sa dami ng nangyayari ngayon. Noon lang ako nakahinga ng itext nya saking sinundo sya ni Lance. Galing daw ito kila Joyce at dumaan na para sunduin sya.
Weekend nang pareho kaming walang pasok. Nag-kayayaan ang buong tropa na mag-inuman. Pumunta si Joyce pero agad ding nagpaalam dahil may duty pa raw sya bukas. Sa ospital sya nagduduty. Nurse ang kinuha nyang kurso.
"Ang kj naman ni Joyce. Ngayon na nga lang may oras eh.." irap ni Winly sa umalis na dalawa. Hinatid sya ni Lance malamang.
"Yaan nyo na. Mahirap naman kasing magduty sa ospital.."
"Sa ospital lang ba?. Sa hotel din naman ah.." angil nya pa rin kay Billy. Hotel and restaurant management naman ang kurso ni Winly. Si Billy naman ay accountancy.
Nagpatuloy pa rin ang pagtatalo nila hanggang sa nauwi sa asaran at nagwalk out si Winly. Pumasok na ng loob ng bahay nila Bamby at di na muling lumabas.
"Babe.." masuyong tawag ko sa kanya. Ramdam kong may amats na rin ako. Maging ng iilan. Wala pang bumalik na Lance. Sumunod ring pumasok sa loob sina Kian at Karen at gaya ni Winly di na rin lumabas. I wonder why.
"Hmm?..."
"Pasok na tayo?."
"Paano sila?.."
"Kaya na nila yan. Malalaki naman na sila.."
"Pero babe. Wala pa si kuya. Nag-aalala na ako.." binaba ko ang aking kamay sa kanya hita saka hinawakan ang kamay nya doon. "Wag ka ng mag-alala. Kasama nya naman si Joyce. Sigurado akong okay lang sya..."
Nag-isip pa muna sya ng ilang minuto bago pumayag. Tinukso pa kami ng mga lasing ng sabay kaming pumanhik sa loob. Mga sira!.
Naupo ako sa sofa ng ilang minuto. Ganun din ang ginawa nya. "Inaantok ka na ba babe?.." anya. Umiling ako saka ngumisi. "Hindi babe. Gusto lang kitang solohin.." inismiran nya ako.
"What?.." tanong ko. Tinutukso sya. Kinakagat ang ilalim ng labi habang hinahabol ang paningin nya.
"Bumalik na tayo doon.." tumayo sya ngunit hinuli ko ang palapulsuhan nya saka hinila paupo saking kandungan.
"Jaden ah. Pag nakita tayo ni kuya.." pagbabanta pa nya. Ngumiti ako. Bakas sa kanya ang kaba. "Ano lang kung makita nya?.." biro ko. Tinampal nya tuloy ang aking balikat ng paulit-ulit. "Gusto mo sa kwarto mo nalang tayo para di nya makita?.." mahina kong tanong ngunit isa na namang tampal ang natanggap ko. Hinuli ko ang kamay nya saka sya tinitigan. Hindi ako kumurap. Ganun rin sya. "Babe sige na.." ewan ko kung kanino galing ang salitang iyon. Parang di akin. Parang di ko maimagine na manggagaling iyon sakin.
Susmaryosep Jaden!!
Di sya sumagot. Di rin naman sya tumanggi nang buhatin ko sya hanggang doon. Agad ko syang ginawaran ng halik. Ramdam ko ang pagkasabik sa mga halik na ginaganti nya. Naglakbay ang mga kamay ko. Wala na itong direksyon. Sabay na nag-alab ang aming katawan saka naging isa.