Sa mga sumunod na araw. Naging abala ako. Bihira ko syang itext dahil marami akong nirurush na mga project sa school. Ramdam ko ang inis nun tuwing di ako nagpaparamdam. Laging nagpapadala ng nagliliyab na apoy na emoji.
Papalapit na ang monthsary namin. Kaya naisip kong wag muna syang kausapin o text ng madalas. Okay na muna ang konting reply para di nya mahalata. Gusto ko syang surpresahin sa gagawin kong sketch nya. Matagal ko na itong plano pero hindi ko lang matapos tapos dahil sa abala talaga ako sa school. Nag-aaral ako bilang architect. Ito ang gusto ni papa. Gusto ko sanang mag pre med muna bago mag-aral ng doktoral kaso mukhang di na ata mangyayari iyon. Pangarap ko sanang maging doktor noon pa. Nga lang. Ang sabi ni Papa. Tama na raw si ate na nasa field ng ospital. Iyon nalang daw ang kunin ko. So, dahil sila ang nagppaaral sakin. I had to pursue what course they want me to. Kahit hindi ko forte ang architectural, kinuha ko pa rin ito para sa ikasasaya nila.
"Kuya, idrawing mo naman si Naruto.." hinila ni Niko ang laylayan ng aking damit matapos pumasok saking silid. Hilig kasi nito si Naruto. Lalo na kapag nagpapalit ito ng anyo.
"Mamaya Niko. di pa tapos si kuya.." sagot ko nang di sya nililingon. Tapos tumakbo sya't dinungaw ang ginuguhit ko.
"Sino po ba yan kuya?.." bahagya pang gumalaw ang mesang ginagamit ko. Sa excitement nya, di na nya napansin ang kumunot kong noo.
"Si ate Bamby mo.."
"Bakit ang pangit po nya?.." hay!. Gusto ko sana syang pagalitan pero baka ako naman ang lalong mapagalitan. Alam mo na kapag bunso. Laging kakampi si Mama. Kaya mahirap na.
"E kasi nga po hindi pa ako tapos.." huminga ako at nilapag ang gamit na lapis sa mesa bago sumandal at humalukipkip. Tumingala sya sakin. Nagtataka siguro kung bakit ako huminto. "Gusto mo bang gawin ko yung Naruto mo?.." agad syang tumayo ng tuwid sa gilid ng aking mesa. Bahagyang nagpacute. Alam rin nyang kapag may ginagawa ako. Di dapat ako istorbohin para mabilis akong matapos.
"Opo kuya... basta po pati na rin si Sasuke para astig.. salamat.." magiliw nyang sambit bago kumaripas na ng takbo palabas saking silid.
Kahapon ko pa ito gustong tapusin pero di ko talaga magawa dahil sa aking mga alaga. Iniwan na naman sakin si Klein at malamang pati ang batang sobrang kulit.
Kaya bago sumikat ang araw mamaya. Kailangan ko na itong tapusin para maipadala na sa kanya sa eksaktong araw ng aming Monthsary.
"Hi babe... marunong na akong magskate board.." chat nya sakin sakay ng skate board nga.
Binitawan ko agad ang lapis saka sya mabilis na nireplyan.
"Babe, baka mahulog ka dyan.. ingat.."
May sumayaw na tatlong tuldok. Nagtatype na sya. Ganyan yan magreply mabilisan. Ang swerte ko diba?. Gwapo mo Jaden. Psh!..
"Nahulog na nga ako babe eh..." may kasama pang umiiyak na emoji. Naku naman!.. Yung binti mo, magagasgasan yan!. Gusto ko itong ireply pero hindi ko na itinuloy pa. "Babe naman. konting ingat... papakasalan pa kita eh.." parang tanga na akong nakangiti sa harap ng screen ng phone ko. Biro ko lang iyon.
Nagsend sya ng emoji na nakatingin sa taas ang mata. Tawang tawa tuloy ako. "Di mo ba ako tatanungin kung paano ako nahulog?.." she replied.
Ayoko!.
"Paano?.." reply ko. Taliwas sa sinisigaw ng aking isip.
"Dahil, ang gwapo mo.. boom!..." kingina!!. Tawang tawa na naman ako. Di ko inexpect na pick up line nya pala yun. Napaniwala pa nya ako g nahulog talaga sya. Naku naman babe.. Pinag-alala mo pa ako.
"Hahahahaha.." hawak ang tyan ko habang nirereplyan sya. "Babe, naman eh. Nag-alala talaga ako.. akala ko nahulog ka na talaga.. "
"Ang slow mo talaga babe.. mabuti nalang mahal kita.. hihihi.."
"Mabuti mahal mo pa rin ako kahit ganito ako?.." joke ito na sineryoso nya.
"Oo naman babe. yes na yes... mahal kita.. at di na mababago yun..kahit gaano ka pa kabagal.. mamahalin pa rin kita .." with matching peace sign and a heart with a bow on it.
"Thank you babe.. malapit na pala monthsary natin.. stay strong satin. I love you..." and our conversation went on and on.. Hanggang sa di ko na nabalikan pa yung sketch na tinatapos ko dahil inabot na kaming madaling araw.
At, dahil nakatulog na ako. Tanghali ko na natapos ang kabuuan nya. Pinalagyan ko pa muna ng salamin iyon bago binalot. Excited na ako kung anong magiging reaksyon nya kapag natanggap na nya iyon.