That day.. Iniwan nga ako ng tsong nyo!..
Tawang tawa pa ako noon dahil pinuntahan nya pa ako sa room namin. Nakiseat in sya doon. Wala syang pakialam kahit sitahin sya ng prof.
"Anong ginagawa mo dito?.." sinulat ko sa papel saka pinasa sa katabi bago binigay sa kanya.
"None of your business.." oh!. Ang sungit ni tsong!.
Napangiwi nalang ako sa sinulat nito sa papel. Gusto ko pa sana syang sulatan kaso mas pinili ko nalang na balewalain. Ganyan yan pag inis. Di mo makakausap ng matino.
Sino naman kasing matutuwa sa biro mo hija?. Kasal?. Panghabambuhay na yun?. Di biro ang forever.
Kaya nung uwian, ang nangyari. No choice ako. Nakisabay ako kay Bryce na inalok ang libreng sakay. Kinagat ko nalang kahit ang totoo, iniiwasan ko sya dahil ramdam kong di lang pagkakaibigan ang turing nya sakin. Higit pa.
"Thanks Bryce.." mabilis kong paalam sa kanya. Malalaki ang bawat hakbang ko kung kaya't nung nasa main door na ako. Hiningal ako't pinagpawisan ang noo't ilong kahit medyo malamig.
"Oh hija!.." boses agad ni mama ang bumungad sakin. Nasa kusina ito. Nagluluto ata. Amoy palang ng bahay na parang may pritong karne at fries. Nagreklamo agad ang sikmura ko.
"Ma.." bati ko sabay halik sa kanyang pisngi. Luminga ako. Hinahanap ang ibang tao sa bahay.
Binuksan ko ang pinto sa may restroom sa baba. Walang tao.
"Asan po sila?. Si kuya Lance po?.." tanong ko. Pag-uwi kasi nya. Tambayan na nya ang banyo. Laging naliligo. Dunno why!.
"Lumabas.. nag-away na naman ba kayo?..." umiling ako kahit ang totoo ay parang oo. Loko ka.kasi Bamby eh!. Kung anu ano iniisip mo.
"Tampuhan lang ma.." sagot ko. Bumalik sa kanyang tabi. Tinatanaw ang niluluto nyang fries. Nilantakan ang ilang piraso na nasa bowl.
"Tampuhan?. tas ang mangyayari di na naman kayo mag-uusap ng isang buwan.. naku!. ewan ko sa inyong dalawa. daig nyo pa aso at pusa.." anya. Alam ang ugali naming dalawa. Sinabi ko sa kanyang ayos lang kami. Na, di naman talaga kami nag-away. Tumango sya't nagbilin na, di na raw kami mga bata para sa tampuhan na yan. Maging responsable na raw kami saming galaw.
Matagal na kaming responsable. Kaya nga, hanggang tanaw lang kami noon sa mga crush namin eh kahit laging tumutulo laway namin kakatingin sa kanila sa malayo. Kaai nga, bawal ang lovelife noon.
Pag-akyat sa taas. Dumiretso akong shower at nagpalit ng damit bago lumabas. Hapon na pero ang lamig pa rin.
"Bamby?.." nagitla ako sa boses na yun. Si papa pala. He's walking towards me. Kakalabas ko ng kwarto. Nasa loob ng pajama ang dalawang kamay nya. Pares nang puting jacket na may hood. Kung magtatabi sila nila Kuya. Parang magkakapatid lang sila dahil ang gwapo pa rin nya.
"Pa, you look good on that.." lumapit ako sa kanya saka pinasadahan sya ng tingin. He's wearing flip flops too.
"Talaga?. Bigay sakin ng kuya Lance mo.." proud pa nyang sambit. Nagpogi points pa. Talaga naman!. Sa kanya nga nagmana si tsong!.
"Ah, sya nga pala.. buti nakauwi ka ng maaga.."
Kinutuban na ako.ng masama. Shit lang!.. Pag ganitong linyahan ang sinasabi nya. Ibig sabihin, may nalalaman na ito. Kuya!!!.. "Sumabay po ako kay Bryce.. bakit po?." kabado kong sagot.
Imbes sagutin nya ako. Ginulo nya lang ang buhok ko saka umakbay. "Usap tayo doon.."
Damn Bamby!.. You're going to be dead now!!.
Ano pong topic natin?. Gusto ko itong itanong subalit kinakain talaga ako ng kaba at takot. Natatakot akong mapagalitan. I admit. May mali ako. Pero, biro lang naman iyon eh. Biro lang. Para mapangiti si tsong. Subalit, maling biro pala yung naisip ko. My goodness!..
Tinuro nito sakin ang upuan. Hanggang ngayon, di pa rin ako makahinga ng maayos. Kinakabahan kasi ako.
"Kayo ba ni Jaden, ulit?.." matapos nyang huminga ng malalim. At maging tahimik ng ilang minuto. Tinanong nya ito nang nakapaseryoso. Suskupo Bamby!!. Katapusan mo na!.
May diin pa ang sakitang 'ulit' sa dulo. "Yes po.." natatakot ko pa ring sagot. Hindi makatingin sa mata nyang tutok sakin.
"Hmmm.. nagsorry ba sya sa'yo?.."
"Yes po.." sa dami ng gumugulo sa aking utak. Itong dalawang salita lang ang kaya kong sambitin.
Lalo akong umayos ng upo nang maramdaman ko ang pag-upo nya saking tabi. "Mahal mo ba sya?.."
What?. Syempre naman. Kaya nga kami ulit diba. Papa naman eh. Sa isip ko lang ito. Takot nga po ako.
Tahimik akong tumango sa kabila ng maingay kong puso. Goodness!. Air please!. Babe!....
Tahimik syang nag-isip. Mukhang malalim ito dahil ilang segundo pa muna ang pinalipas nya bago nagtanong. "Mahal ka rin ba nya?.."
"Pa?.." reklamo ko. Agad humarap sa seryoso pa rin nyang mata.
"What?. I'm just asking my dear little Bamblebie.."
"Syempre po.. Mahal ko sya.. Mahal nya ako.. kaya nga po naging kami ulit diba?.."
"Okay.. chill dear.. I'm just asking you know.." hinawakan ang magkabila kong balikat na may kaunting ngiti sa gilid ng kanyang labi.. Pinaparelax ako. Damn it!. Diretsuhin nalang sana nya kung anong sasabihin nya. Di yung ganitong, pinapatay pa ako sa kaba.
"Totoo bang inalok ka na nya ng kasal?.." there?. Sana kanina nya pa kinlaro eh. Nakupo!.
Alam ko na, na makakarating ito sa kanila. Si kuya pa?. Psh!. Sabi ko nga. Daig nya pa babae yan. Ang linis. Ang arte. Reklamador. Tsaka, maikli ang pasensya. Tinalo pa ako.
Hindi ako umiling o umimik. Ilang ulit nang kinukulit sakin yan ni Jaden. Kaso, naiisip kong biro nya lang yun.
He looked away.
"Alam ko.. sya yung lalaking pinangarap mo.. pinapantasya mo..mahal mo... pero hindi ba, masyadong maaga pa para doon?.." he asked curiously.
Kinagat ko ang labi. Alam ko po. Pero di ko na yun isinatinig. Kaya nga kahit anong kulit nya sakin. Ginagawa ko pa ring biro ang lahat.
"Anak, hindi kita pinagbawalan sa mga gusto mo.."
"Alam ko po.." I cut him off. Malungkot akong nagbaba ng tingin.
"Pero, pwede bang ang gusto ko naman muna ang sundin mo?."
Natunaw ang puso ko sa sinabi nya. Nagbabadya ang aking luha, pababa. "Pwede bang saka na ang kasal kapag may diploma ka na..at permanenteng trabaho?.." binalik nya sakin ang tingin. Huli ko nang napagtanto na umiiyak na pala ako. DAMN!!.
"Why are crying?.." dinungaw nya ang aking mukha. Damn it.. Nakakahiya. Tumalikod ako para punasan ang luha saking mata. "Nak, don't get mad at me huh.. gusto lang kitang paalalahanin at payuhan..."
"Hmmm.." garalgal pa ang boses ko.
Hinayaan nya akong umiyak at maging tahimik sa gilid. Sinamahan nya pa rin ako kahit di ako nagsasalita. "Biro ko lang naman iyon.." sa kabila ng katahimikan sa paligid at magulong pag-iisip ko. Lumabas ito sa bibig ko ng di namamalayan. Nilingon nya ako. Saka tinaasan ng kilay.
"Ang biro ay 50/50 yan nak.." nagtataka ko syang tinignan. Tas humalakhak sya. May nakakatawa ba sa mukha ko?. Bakit sya tumatawa?. Umurong sya palapit sakin at umakbay sabay dekwatro nang panglalaki. "Ibig sabihin nun, kalahating totoo at kalahating hinde.." dugtong pa nya.
Habang akbay nya ako. Tumapik tapik ang kaliwang kamay nya sa kaliwa kong balikat. Pilit pinapaintindi ang kanyang payo. "Kung biro man iyon.. may parte pa rin sa'yo ang nagsasabing inalok ka na nga nya ng kasal..tama ba ako?.." may kawala pa ba ako?. I'd give up!. Unti unti nalang akong tumango.
"Hay...mga kabataan nga naman oo... masyadong nagmamadali.." tumigil sya't bumuntong hininga. "Anong sinabi mo nung inalok ka nya?.."
Kahit hirap akong sabihin ang totoo. Kailangan. At dapat.
"Ginawa ko pong biro.." malungkot pa rin ang himig ko. Feeling guilty.
"Anong naramdaman mo?.."
Bat kailangan pa nyang malaman nararamdaman ko?. Wala naman syang magagawa dito diba?.
"Masaya po na malungkot.. guilty..basta po, kumplikado.." it's true.
"Normal yan hija kasi mahal mo nga sya.." binigyan nya akong ng napakagandang ngiti. "Hindi naman ako kontra sa inyo.. sa totoo nga.. gusto ko sya para sa'yo kasi maganda syang impluwensya to motivate you more..kaso lang, sana maintindihan mo.. bata pa kayo... marami pa kayong pagdadaanan..at kailangang maranasan dito sa mundo.." pinagdikit nito ang aming ulo. "Ienjoy nyo muna ang bawat isa.. ang espasyo sa pagitan nyong dalawa. I mean not in seperate.ways.. but in different ways to grow more.. gusto kong kayong dalawa na sa huli kaya ayoko ko kayong magmadali.." nag-init na naman ang gilid ng aking mata. I'm so fluttered!.
"All I want for you, in life, is the best.. the best of all the best... I don't want anything less.." niyakap ko sya nang mahigpit. At duon umiyak. Hindi dahil pinagalitan nya ako. Umiiyak ako dahil sa tuwa at galak na ganun pala sya mag-isip para sa amin, lalo na sa akin.
I thanked him hundred times. I just realized that, the best things in life. They are free. You're free to hug, kiss, laugh and talk to someone whom you'd love. Get it done!. Before it's too late.
Tumatawa lang naman sya sa mga oras na yun.
At...
Nalinawan rin ako.