Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 209 - Chapter 59: Hangover

Chapter 209 - Chapter 59: Hangover

Lumabas ako para magjogging matapos kausapin si Jaden. Binilin nito sakin na, wag ko raw kukulitin si kuya Lance about Joyce. Antayin ko raw na ito ang magsasabi sakin sa kung anong meron sa kanila ng kaibigan ko. Pumayag naman ako. It's a sign of respect for their privacy. Ganunpaman, syempre. Ako na kapatid ng isa at kaibigan rin ng isa. Gusto kong malaman. But Jaden said again that, kung gusto ko raw malaman ang kwento nila. Dapat Isa raw sa kanila ang maging open sakin. But who?. Imposible kasing si kuya. Kapag nagtanong ka dyan ng personal life nyan. Laging sagot lang nya. It's private. Kung si Joyce naman, seryoso. Wala po akong kontak sa kanya. Kahit sa Facebook, di ko sya friend.

"Hey!.." bati sakin ni Bryce nang makita ako sa may daan. Pawisan na ito. Mukhang kanina pa tumatakbo. Kinawayan ko lang sya pati ng kanyang kasama saka nagpatuloy sa pagtakbo. Gigisingin ko sana si mama para magehersisyo kaso baka pagod yata sya. Kaya nagdesisyon akong wag nalang.

"Bamby, where are you?.. go home now and help me clean this mess out.." Hindi pa ako nagsasalita. Binabaan na ako.

High blood na naman sa gulo ng bahay. Kasalanan nya, di sya marunong mag-ayos ng sariling gamit. Tas, dinadamay pa ako. Tsk.

Umuwi ako nang mga ala sais na. Hindi pa sumisikat ang araw pero maliwanag na sa paligid. "Wag awayin ang kapatid Lance.. samahan mo syang mamili mamaya.. I'll check it later.. maaga akong uuwi ngayon. " dinig kong boses ni mama sa may parking. Hindi pa nakaandar sasakyan nya pero parang paalis na sya. Pumasok ako sa maliit na gate. Dumaan patungong main door.

"Good morning hija.. hinanap kita sa kuya mo.. nagjog ka pala.. anong oras kayo umuwi kagabi?.." humalik sya saking pisngi ng ilang saglit bago inayos ang gamit sa loob ng sasakyan.

"Past twelve ma.."

"That's too late.. di ba sinabi kong wag tumagal doon?." tumayo sya't namaywang.

"Ma, birthday po ni Bryce. nakakahiya pong umalis ng maaga." sinuri nya ako. "Is that guy likes you?.." umiling ako agad. I don't know.

"Ma, I'm into Jaden.." nagkamot ako ng ulo sa hiya. Hindi na sya nagtanong pa. Alam rin kasi nyang binalikan ko si Jaden.

Umalis sya at kay kuya nagbilin ng kung anu ano. "Kuya, what time tayo aalis?.."

"Ang sakit ng ulo ko.. kaya mo naman mag-isa diba?.." sambit nito habang hinahagod ang sentido. Prenteng nakaupo sa may sala sa baba.

"Pero sinabi ni mama na sasamahan mo ako?.." umupo ako sa kanyang tabi.

"Ang sakit ng ulo ko Bamblebie.. itetext ko si Bryce.. sya nalang muna sasama sa'yo.."

"Tsk.. wag na.. hindi naman masakit ulo mo eh.. ang puso mo ang masakit.." agad ko syang tinalikuran. Mabuti at di nya ako pinagalitan o sinita sa sinabi ko. Umakyat nalang ako para magbihis. Kaya ko namang mag-isang bumili. Ang kaso lang, marami yung nasa listahan ni mama. Panic buying ata sya. Ewan. Tsk.

Mabilis akong umalis. Di na ako nagpaalam sa kanya. Hawak nito ang cellphone na salubong ang kilay na nakatingin sa screen nito. At mahaba pa ang nguso. May katext siguro. Ang kalahati ng kanyang puso.

"Hello babe.." masigla kong bati. Kakauwi ko at ayun. Si tsong ang pinag-ayos ko ng mga pinamili. Masakit pa raw ulo nya. Tsk. Parang feeling ko, alibi nya lang yung hangover na yan. Ayaw nya lang gumalaw dahil broken hearted. Psh!.. Di na nya ako maloloko. Alam ko na sikreto nya.

"Hi.." Isa pa to. Hawak ang kanyang ulo. Mukhang may amats rin. "Uminom ka kagabi?.." tanong ko. Tumingin sya sakin habang nakanguso. "Konti lang naman.."

"Sinong kasama mo?. si tito?.."

Lumingon ako sa labas dahil tinawag na naman ni kuya pangalan ko. I wonder kung anong problema nya. "Hindi.. sina Kian.. tropa.." anyang sambit.

"Walang babae?.." ngumiti sya sakin at umiling. "Hmm.. walang babae.. ahh.. si Karen pala at Winly.. sila lang..wala nang iba.." maagap nitong sagot. Mabuti. Di naman sa ayaw ko syang makipag-usap sa mga babae. Sadyang hindi na talaga maganda kutob ko kapag may lumalapit sa kanyang iba. Naphobia ata ako. Dalawa lang kasi ang dahilan ng mga babaeng lumalapit sa lalaki eh. Una, posibleng type nya ito. O, pangalawa, pagkakaibigan lang. Pero sa panahon ngayon. Yung una ang laging tsumatsamba. Kung hindi kasi higad, linta ang tawag sa mga iyon. Di marunong makuntento.

"Aba dapat lang.. ayokong may kaagaw.. Alam mo yan.." seryoso kong sabe.

"Yes boss babe...ikaw lang naman laman nito eh.." turo nito sa bandang dibdib. Kinilig na naman ang puso ni tsang!. Suskupo!.

"Tsk.. siguraduhin mo lang.." banta ko.

"Sigurado na ako sa'yo babe.. kahit pakasal na nga tayo eh.."

"Tsk... Ayan ka na naman.."

"Bakit, ikaw ba?.. hindi ka ba sigurado sakin?.." natulala ako sa daloy ng usapan naming dalawa. Lumunok ako. Noon pa ako sigurado sa'yo. Sigaw ng aking puso. "Dahil ako, kahit nagkamali. Ikaw pa rin ang tinitibok nitong aking puso.."

"Hahahaha... Ang lakas ng amats natin ha?.. " tatawa tawa lang to pero shit lang yung kaba ng dibdib ko. Kulang nalang tumalon ito palabas saking katawan.

"O bat ka natatawa?.. Seryoso ako babe.." natatawa rin nyang sambit.

"Ang drama mo kasi.. hehehe.." kinuha ko yung phone saka naglakad pababa. Tignan ko kung bakit pumuputok na naman galit ni tsong. "May hangover ako pero mas malakas pa rin ang tama ko sa'yo.."

"Sige lang.. banatan mo pa babe.. hahaha.."

"Hindi mo ko mahal?.."

"Hahahahaha...shot pa?.."

"Di mo ko mahal?.."

"Mahal kita babe, ano ka ba?.. Hahaha.."

"E bat ka natatawa?.."

"Masaya lang ako kasi kausap kita...di gaya ng iba dyan.." pinarinig ko sa taong abala sa may kusina. "Babe ha?.. Behave.." banta rin nya. Alam nyang si kuya ang tinutukoy ko.

"Yes po boss.. sige na muna.. call you later.. tulungan ko lang si kuya.. I love you.."

"I love you more babe."

"Hahahaha.." sabay naming halakhak. Di ko mapigilang mapangiti. Ang sarap talaga sa pakiramdam na, mahal ka rin ng taong mahal mo. Kulang nalang lumipad ako sa may ulap kahit walang mga pakpak.

"Kanina pa kita tinatawag. Anong ginagawa mo?.." naiinis nitong himig. Basta nalang itinuro yung nasa mesang iniwan ko kanina. Damn!. Akala ko sya na ang gagawa nito. Ako rin pala.

"Kausap ko po si Jaden.." dumampot ako ng frozen goods saka binuksan ang ref para ilagay sa loob nito.

"Kausap?.. Mamaya paiiyakin ka na naman?.." tinarayan ko sya sa kanyang likod. Nagluluto na kasi ito ng pagkain naming dalawa. Sina kuya Mark, ngayong linggo palang ang uwi. Tsaka, si papa maagang umalis. "Bitter ka lang.." bulong ko saka sya pinaikutan ng mata.

"Anong sinabi mo?.." padarag nyang pinatong ang sandok sa sink bago marahas na humarap sakin.

Nameke ako ng ngiti. Natakot talaga ako. Tangina tsong!!..

"Wala. Ang sabi ko.. Ang gwapo mo ngayon.." tumalim ang titig nya sakin hanggang matapos ko ang pag-aayos sa mga pinamili. Akala ko kung ano nang nagyari sa kanya. Iyon pala hinintay nya pa akong mag-ayos ng mga ito. Suskupo!.. Kung di lang ako masaya. Kanina ko pa sya binanatan ng salita.

Secret relationship huh?. Tsk!. Asshole!. His ass!.