Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 203 - Chapter 53: Kuya Lance

Chapter 203 - Chapter 53: Kuya Lance

Hapon na nang makarating kami ng Australia. Kahit medyo malamig ang panahon. Tinanggal ko pa rin ang jacket na suot dahil naiinitan ako. Alam mo yung pakiramdam na, naalala mo yung mga pangyayaring iniiwasan mong isipin?. Yun lagi ang bumabagabag sa akin.

Simula kasi nang gabing iyon. Di na sya tumigil kakasend ng text. Sinasabi lahat ng ginagawa nya. Kung saan sya pumunta. Kung sinong kausap nya. O kung bakit matagal syang nagtext. Lahat nirereport nya sakin.

Ang sakit nga isipin eh. Kung kailan nawala ang tiwala ko sa kanya. Doon nya ginagawa lahat ng gusto ko.

Ganun nga siguro talaga ang tao. Saka lamang nila malalaman ang halaga ng presensya ng isang tao kung kailan umalis na ito o doon palang nila makikita ang halaga ng mahal nila, kapag wala na ito sa harapan nila o di kaya'y napunta na sa iba.

Nagsisisi na siguro sya?. Dapat lang. Para makita nya kung anong mali nya

Pero ako, di pa rin matanggap ng puso ko ang desisyon na ginawa ng utak ko. Alam ko. Tama sya. Pareho kaming nasaktan. Ganunpaman. Iyon na lang ang naisip kong paraan para hindi na namin masaktan lalo ang isa't isa. Mas masakit naman kasi kung kami nga pero, di naman kami isa. Anong halaga hindi ba?.

"Get in.." sambit ko sa likod ni kuya Lance na nakatayo sa may tabi ng kotse. Naguguluhan syang lumingon sakin. Kakalabas namin ng bahay.

"No. I'm driving.." sagap nya sakin. Wala nang ibang sinabi. Basta pumasok na ng kotse at pinaandar. Napapailing na lamang ako dahil di na naman nya ako pinayagang magmaneho. Kahit ang totoo. Mas magaling ako sa kanya.

"I'm driving.. tsk.. kala mo kung sinong magaling.." iiling iling pang bulong nito matapos kong isuot ang seatbelt.

"Mas magaling naman talaga ako.." nguso ko sa kanya. Sinamaan nya lang ako ng tingin. Saka pinaharurot na ang sasakyan. Papunta kami ngayong grocery store pero kung pumorma ito, parang may pupuntahang date. As if naman meron. Psh!. Kulang nalang magcasual attire.

"For your information.. di ka magaling kapag galit.." anya. Nasa manibela ang kaliwang kamay habang ang isa ay nasa kanyang baba. Hinahaplos ito na para bang may iniisip na kalokohan.

"Who told you that.. I'm not?.." dapat ang sabihin nya. Mas magaling ka kapag galit. O di kaya ay, sabihin nalang na, ayokong gasgasin mo kotse ko. Hell!. Ganyan naman lagi rason nya. Parang ngayon nya lang di sinabi. Bakit kaya?.

Nagkapagtataka.

"You are. " pilit pa nya.

"Sabi nang di ako galit eh.." naiinis kong sambit. Ginagalit ata ako ng taong to?. Bwiset!.

"E ano lang?. broken hearted?.. psh.." agaran nyang itinikom ang kanyang bibig nang ilang sandaling lumipas. Natulala ako. Para akong tinapunan bigla ng isang bomba. Naisip nya atang mali pang sabihin ang ganuong bagay. Obvious na nga. Sinasabi pa nya. Kainis!

"Oh!. sorry.." buti alam na nitong humingi ng paumanhin. Syempre, pag di nya ginawa yun. Lagot sya kay papa. Di nya magagamit pinagmamalaki nyang kotse. Kala nya?.

"Tama lang yung pagdadalawang isip ko noon eh. " di ako umimik. Shit lang!.. Di nya ba alam na kailan lang yun?. Kainis!.

Salubong ang kilay kong tumingin nalang sa labas. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Kulay kahel na ang kalangitan. Alas singko na rin kasi ng hapon. Nang makarating kami kaninang tanghali. Nagpahinga lang ng kaunti sina mama tapos nagpaalam na may pupuntahan. Si papa sa opisina nila. Si mama naman, sa restaurant na pinagtratrabahuhan nya. Di ko pa nasasabi. Naiwan sina kuya Mark dahil may aasikasuhin pa raw sila. Gusto nila akong sumabay nalang sa kanila kaso hindi pumayag si mama. Alam kasi nito na, magmumukmuk lang ako doon. Nakita nya rin kasi kung paano ako umiyak ng gabing iyon. Ayaw nyang mangyari ulit siguro ang ganun. Sumang-ayon din ako dahil nakakapagod palang umiyak. Yung kahit wala ka namang ginawa buong araw.. Kundi umiyak lang. Mapapagod ka rin pala.

Tama nga sila. That emptiness weighs the most. Di naman mabigat ang luha pero bakit ang bigat nito kapag lumabas na?. Ang weird diba?.

"Binalaan na kita noon hindi ba?.. ayaw mong maniwala.. di ka nakinig.. nagpamulit ka pa.. ano ngayon?.."

"I don't have any regrets.." Wala akong pinagsisihan. Mahal ko sya. At mamahalin pa. Kahit nasaktan pa ako. No one will ever take his place in my heart.

"Really?.. bakit kung umiyak ka, wagas?.."

Kainis na talaga sya!!!..

"Can you please stop kuya.. I'm tired.." nakakapagod pong mag-isip.

"You're just broken... sabihin mo man sakin o hinde, alam kong nahihirapan ka.." Kung mapilit ako. Sya naman ay sobrang kulit. Sarap basagin ng mukha.

"Alam mo pala eh.. bakit parang sinasabi mo ngayon sakin na, kasalanan ko pa?.."

Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga. Nag-init na naman gilid ng mata ko. Tangina!. "Hindi iyon ang punto ko.. Ang sinasabi ko lang, kung nakinig ka lang sakin noon, edi sana... hindi ka nasasaktan ngayon ng ganyan.."

Uulitin ko. I don't have any regrets!.

Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Sa labas ako nakatingin. Nahihiyang humarap sa kanya. Nagmenor sya saka huminto sa gilid ng bangin. May harang naman, kaya di delikado. Hinayaan nya akong umiyak sa gilid. Tahimik, pero parang sa katahimikang iyon, ang daming gustong iparating nito. I want to think more but I know it will drown me to think deeper. Malulunod talaga ako sa alaala naming dalawa.

Tahimik lang kami hanggang sa kumagat na ang dilim. Sa ilalim ng bangin ako nakatingin. Tinatanaw kung gaano ito kalalim o kadelikado.

"Don't overthink. Trust that you made the right decision and continue to grow.." sa kabila ng katahimikan saming dalawa. Sinabi nya ito na para bang alam na alam na marami akong iniisip. "You cannot always be happy, but you can be always be BRAVE.. and that is the beginning of everything.." nilapitan nya ako't ginulo ang maayos na buhok.

Saang lupalop nya rin kaya napulot ang mga iyon?. Kung magpayo, daig pa nya nasaktan eh.

"Tara... madilim na dito.. baka multuhin tayo.." halakhak nya saka iniakbay ang braso sakin. Kinagat ko lang ang labi. Nagpipigil ngumiti sa kulit nya. "Marami pa tayong bibilhin.. nagdrama ka pa kasi.." kinurot nito ang ilong ko bago inalalayang pumasok ng sasakyan.

Yan si kuya Lance. Kahit, daig pa namin aso't pusa. Lagi pa rin nyang pinaparamdam sakin na mahal nya ako. That, he's always with me. No matter what. At... laking pasasalamat ko doon.