Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 173 - Chapter 23: Crazy for you

Chapter 173 - Chapter 23: Crazy for you

Days after. Nabobored na ako kakaikot sa buong bahay. Lahat na ata ng parte ng bagong renovate naming terasa at garden ay naging tambayan ko na. Kung di si kuya Mark ang inuutusan kong bumili ng mga ilalagay sa garden. Si kuya Lance o papa ang binabalingan ko ng utos. Naglagay ako ng mga bagong halaman. Mga namumulaklak at namumungang prutas. Mangga, Lemon,. strawberry at kalamansi ang nasa parehong poste. Sa gitna nito. Mga herbs at spices. Sa kabilang dako naman. Mga rosas at bonsai na. Ginugol ko ang buo kong araw sa pag-aayos ng mga ito. Pagkatapos naman ng garden ay yung terasa ang inayos ko. May dati nang mga halaman doon. Kailangan lang ayusin ang iba.

"Hindi ka pa ba tapos dyan?.." naglalagay ako ng bato sa isang pot nang dumating si kuya Lance. Nakapamulsa. Mukhang may lakad dahil sa pormahan. Khaki short at polong puti na nakatupi sa kanyang siko at sapatos.

"Patapos na. Bakit po?.." tiningala ko sya.

"Pupunta ako ng St. Mary.. You wanna come?.."

"As in ngayon na?.." inayos ko ng mabuti ang huling bato sa pot bago tinabi sa naunang nilagyan. Nang harapin ko sya saka lang sya tumango. "Maliligo pa ako. Mahihintay mo ba ako?.."

"Gaano ka ba katagal maligo?.."

"Isa't kalahating--.."

"What!???..." namaywang ito habang sumisigaw. Matagal talaga akong maligo. Ano pa bang ipinagtataka nya doon?. Tsk. "Seriously?.. Kung ganun maiwan ka nalang. Masasayang oras sa'yo.."

"Kuya, sama ako.." hinabol ko sya. Nagmamakaawa. Humarap sya sakin. Nauubusan ng pasensya. Bumuntong hininga bago nagdesisyon. "Sige. Pero bilisan mo.."

"Yes po!..." sumaludo ako sa kanya. Kumaripas na ako ng takbo papasok ng kwarto. "Bamby, double time!.." habol pa nyang bilin. Tinaasan ko na lamang sya ng kamay.

Nasa banyo pa ako ng pumasok sya saking kwarto. Nagpapaalala. "Bamby, are you done?. We're running out of time.."

"Getting done.." mabilis akong nagpalit. Lumabas na ako ng makitang maayos na ang sarili. "Let's go.." Yaya ko sa kanya matapos magpatuyo ng buhok at magtsinelas.

Tumayo sya't hinagod ako ng tingin. Namaywang matapos gawin yun. "Sa school tayo pupunta Bamby tapos yan ang isusuot mo?.."

Maiksing short at maluwang na damit ang suot ko. May sasakyan naman kaming gagamitin. Anong masama?.

"Ang sabi mo, wala na tayong oras. Heto lang nasa loob ng cr ko kaya ito na sinuot ko..bakit ba?.."

"Too short!.." eto na naman sya.. Nagkamot ako ng ulo sa pagtaas ng kanyang boses. "Okay fine." naglakad ako at binuksan ang kabinet. Kinuha ang jacket na itim na medyo mahaba. Di naman to makapal. Katamtaman lang para sa init. Saka isinuot sa mismong harapan nya. "Is this okay?.." umikot ako para ipakitang solve na ang problema nya. Suminghap lang ito at umiling.

Walang sali-salita syang bumaba. Kaya nagmadali rin akong sumunod sa kanya. "Bamby, sasama ka sa kuya mo?.." si mama. Nakita ko sya sa may kusina. Umiinom ng tubig. "Yes po ma. I need to go. Baka magalit e. Talk to you later. Bye.." humalik ako sa pisngi nya bago tumakbo patungong labas. Nakaandar na sasakyan nya kaya agad akong pumasok.

"Kinausap pa ako ni mama kaya medyo natagalan ako. Ano palang gagawin natin dun?.." tanong ko nang nasa kalsada na kami. Kumunot noo nito pero umayos rin ng magpaliwanag ako.

"Ihahatid yung donation ni papa..."

"Nagdodonate pala sya doon?.."

"Hmm..nung last year pa.." paliwanag nya. Nang makarating sa school. Sabay kaming humarap sa head ng school. Natuwa ito dahil sa donation. Maglilibot pa sana ako kaso hinila na ako ni kuya sa parking lot. "Doon nalang tayo maghintay.." Anya. So, wala akong nagawa. Pareho kaming nabagot sa loob ng kotse habang hinihintay matapos ang school hours.

"Sino nga palang hinihintay natin kuya?.."

"Jaden.." wait!. What!?.. Come again?. Gusto kong sabihin pero nauna ang hiya saking sistema. Baka kumunot na naman noo nya eh. Tapos bigla akong iwan dito. Suskupo!. Wala kaya akong dala na pera dito. Paano ako magcocommute kung sakali?.

"Bakit?.." Ito lang ang nakaya kong itanong sa kanya. Umangat ang kanyang ulo mula sa paglalaro ng kanyang phone.

"Pupunta tayo ngayon sa bahay nila.."

"What?!!.." di ko na napigilan pa ang aking sarili.

"Anong nagkapagtataka dun?.."

"Kuya naman?!.." frustrated kong himig. Kinakabahan na. What the heck?.. Anong gagawin namin duon?. Did he knew about us now?. Suskupo!. Ang bilis naman kumalap ng radar nya. Di ko kaya.

"Tsk.. this is not about you and him. It's about Catherine and Klein.." paliwanag nya. Mariin pa akong tinignan. My goodness!. "Ang sabi ni kuya. Pupunta sana sila sa bahay ngayon kaso baka gabihin sila sa daan.. diba gusto mong makita yung baby nya?. Now it's your time.."

"Oo pala.." mahina kong bulong. When I heard him murmured while looking at someone. When I turn my gaze out of him. I saw the reason behind his cursed. Bad boy!.. It's Jaden. My boy!.

"Dito ka lang.." bilin nito bago bumaba. Nilapitan sya ni Jaden habang hinahagid patalikod ang buhok. Oh damn boy!. Why so hot?..

Nag-usap sila. Maya maya. Sumulpot si Dave. Nang lumingon sila sa sasakyan. Bumaba ako. I want to greet them too.

Tumalim ang tingin sakin ni kuya habang ang dalawang kausap nya ay parang nakakita nang isang anghel na bumaba galing langit. Seriously?. Their jaw dropped. Tumibok nang husto ang dibdib ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Suskupo!.

Pinilit kong ngumiti sa kabila ng kaba saka sila binati.. "Hi.."

Nakita kong naging relax si Dave nang ngitian nya ako. Pero sya?. Naku!. Nag-iwas ng tingin. Yumuko ng bahagya bago naisipang bumati pabalik. Suskupo!. Nahihiya pa ba sya sakin?. Naku naman!..

Silang dalawa ni kuya ang nag-usap. Pero yung mata ko. Hindi na mawala sa kanya. Tinitigan ko ang ilang araw ko ring di nakita na mukha nya. Damn!. I'm crazy for you!..