Pareho kaming tahimk habang naglalakad papasok ng elevator. Kaming dalawa lang ang tao roon dahil siguro sa madaling araw na. Bumigat ang paghinga ko dahil sa kaba. Kapag kasi tahimik ito siguradong galit.
"Bakit lumabas ka ng ganyan ang suot?.." whiw!.. I knew it!..Umihip ng malakas. Mas lalo tuloy lumamig. The ape is really mad.
"Gabi naman kaya-.." magpapaliwanag sana ako kaso he interrupted me.
"Bullshit!!.." mahina ngunit mabigat nya itong binitawan. Tuloy, nagulat talaga ako. Galit na galit sya. Suskupo Bamby!. Ngayon, kailangan mo talagang magpaliwanag. "Hindi mo ba naisip na mas delikado kapag gabi ha?.. Matalino ka hindi ba?. Bakit mukhang wala kang alam ngayon Bamby huh?."
Mariin kong kinagat ang ibabang labi. He's so hard sometimes. Really hard!.;Damn it!.. Saka ko lang naisip yung punto nya. Oo nga noh!.. Tsk..
Hindi ko nalang sya sinagot pa. Para saan pa diba?. Mas lalo lang syang magagalit sakin kung lalo kong ipipilit ang punto ko.
Hanggang mag-umaga. Di nya ako iniimikan. Nakauwi na kami ng bahay at lahat. Tahimik pa rin sya. "Bro, ang tahimik mo ata?..." ngisi sa kanya ni Kuya Mark. Nasa sala kami ngayon. Nanonood ng Fifa cup games. Pinagigitnaan nila ako. Sya sa aking kanan at si kuya Mark sa kaliwa. Naglalaban ang Australia at Canada.
"Ayaw pa rin.. tsk.." iling ni kuya sa katahimikan nya. Saka ako ang pinuntirya. "Bamblebie, mall tayo?.." bulong nya sakin. Sumilay ang napakagandang ngiti sakin bago tumango. Bored na kasi ako. Actually kanina pa.
"You wanna go with us bro?.." Hindi man lang gumalaw ang loko. Kahit tango lang sana o iling. Basta tutok sa tv ang mata. Suskupo!.. Bakla!..
"Tara Bamblebie. Wala sa mood kuya mo.. baka pag-uwi natin. Makausap na natin sya ng matino.." inakbayan ako at inakay papuntang kotse nya.
Dahil lunes na ng hapon, traffic. Maraming sasakyan sa kalsada. Bumuntong hininga ako. Mabuti na rin to kaysa mabangag sa kawalan ng interes ng taong yun.
"Alam mo ba kung bakit sya nagkakaganun?.." tinignan ko si kuya. Tinignan nya rin ako. Tinaasan ng kilay.
"Nag-away kayo?.." nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Sa aking mga daliri ako tumingin. "Di ko sya inaway.. Sya lang ang galit.."
ngumuso ako pagkatapos kong sabihin ito.
"Bakit?.. Sinuntok ba sya ni Lucas?.." doon ko binalik ang mata sa kanya. How did he knew Lucas?. "Nakita ko yung ginawa nya sa'yo... yung suot mo kasi ang iksi. Pagsasabihan sana kita nang matanaw sa di kalayuan kaso pinaupo ka na ni Sofia.."
"Nagmadali kasi ako noon kuya. Naexcite. Tsaka gabi naman. At ang alam ko, tayo lang na magpipinsan ang andun. Di ko naman alam na may ibang tao pa pala.." paliwanag ko.
"Sinabi mo ba yan sa kapatid mo?.."
"Sasabihin sana kaso ayaw nya naman akong kausapin..."
"Tsk.. Pag-uwi natin mamaya kauspain mo. Kung ayaw pa ring magsalita. Hayaan nalang natin. Ganun naman yun minsan." tumango ako. "At...isa pa.. kung lalabas ka..wag nang magsuot ng ganun ha?.. Ang sakit sa mata eh.."
"Opo na po.." tango ko. Muli nyang pinaandar ang sasakyan. Mahigit isang oras din kaming tumambay duon bago naisipang umuwi. Gabi na ng makarating ng bahay. Di na ako nagdinner. Agad akong umakyat saking kwarto. Dumapa at inopen ang cellphone.
Maya maya. Tumunog ang messenger. May nagchat at nakita ko sa screen ang maliit nitong mukha. Gosh!..Oh goodness!.. Si boy Jaden ko!.. Whoa!..
Sya nga!. Nag-hi sya. Akala ko yun lang ang sinabi nya. May kasunod pa pala. Umupo ako't binasa. "Salamat nga pala sa paghatid sakin nung isang gabi. Pasensya na. Ngayon ko lang din nalaman.."
"Yah.. It's okay.." pinanggigilan ko ang aking ngipin upang wag tumilil. Mabilis itong nagreply. "Sorry nga pala noon. Sobrang daldal ko..Di ko naman kasi alam na ikakasal ka na pala.."
Natutop ko ang bibig sa nabasa. Seriously?.. What the heck?!!.. "What?!. Who said that?.." Nanggagalaiti kong tinipa ito. Then he replied na si kuya Mark daw kay ate Cath.
"That crazy monkey!.. Sya yung ikakasal hinde ako..Wala pa nga akong boyfriend. Tas kasal agad?. Crazy!.." ilang sandali akong humugot ng hininga para pakalmahin ang sarili. Tumaas blood pressure ko. Hindi kaya ako magpapakasal hanggat hindi sya ang groom. Suskupo Bamby!. Eto na naman tayo.
Dinampot ko ang cellphone ng tumunog muli ito. "Mabuti nalang.." Yun ang reply nya. Mabuting ano?. Tinipa ko ito pero binura din agad.
"What?!.."
"Wala. All I thought ikaw yung ikakasal. Ang sabi kasi ni ate may kasama raw kayong binata nung linggo sa simbahan.. Boyfriend?.."
"Paano ako ikakasal kung single pa ako?.. Tsk. Napakatsismoso mo.. Pinsan namin yun.." kagat ang labing sinend ko sa kanya yung tinipa. Naong boyfriend?. Ika wkaya future boyfriend ko!.. Nay!!..
Ayaw pa nyang maniwala na single ako. Suskupo!!.. Paano ko kaya un papatunayan sa kanya?. Tsk..
"Maniniwala lang ako kung ibibigay mo number mo.." tinitigan ko muna to ng ilang segundo bago naproseso ng utak ko ang nireply nya. What?. Really?.. O my gosh!.
"Ayoko nga. Bahala ka dyan!.. Tsismoso.." pakipot kahit minsan lang. Damn Bamby!.
"Uy ha.. Tsismoso ako pagdating sa mga balita tungkol sa'yo. Wala ng iba.."
Ang bilis nya talagang magreply. Seryoso!.
"D nga tsismoso ka pa rin.." pilit ko.
"Grabe!.. di ko nga magawang tumingin sa iba. Makinig pa kaya?. Kaya sige na. Your number please miss.." May kasama pang kindat na emoji.
Hay!.. My heart is now jumpiing!.
Tinanong ko sya kung anong gagawin nya sa number ko. At ang reply nya lang naman, "I want to know you more.. please.." dahil sa nabasa tumalon ako sa aking kama at nagpagulong gulong. Damn it!.. This is it!..
"Goodnight.." kasabay ng paalam ko ay ang pagsend ko rin ng boung phone number ko. Agad kong pinatay ang data ng cellphone at nagtalukbong. At duon, tumili ng tunili. Yung ako lang ang makakarinig. Damn it!.