Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 169 - Chapter 19: No way

Chapter 169 - Chapter 19: No way

After ng party. Matutulog na sana ako pero hinde ako mapakali. Lumabas pa sila kuya subalit hindi na ako sumama. Or should I say, ayaw isama. That's the right term pala. Nagkayayaan ang magpipinsan na uminom. I want to atleast bond on them but apparently, my brothers are not fond of the idea, of me, drinking and partying. Like ugh duh?., Like I'm not used to it when we were in Australia. Bwiset sila.

"Pa, pwede po bang lumabas?.." I asked him para walang magawa ang dalawa kung sakaling pumayag sya. Wala namang mawawala kung susubukan kong kumbinsihin sya diba?. Who knows?.

"Asan mga kuya mo?.." Hindi man lang ako tinignan. Sayang yung paawa effect ng mukha ko. Suskupo!.

"Nasa labas na po.. They're with the gang.."

"Gusto mo talagang pumunta?.."

"Of course pa!.." dala ng excitement. Bahagyang tumaas ang aking boses dahilan para tapunan nya ako ng tingin. Nagtataka. Nilingon nito si mama na kakalabas ng banyo. Hinintay kong bumalik ang mata nito sakin. Ilang minuto bago pa nangyari iyon.."Okay. But I don't want you to drink and smoke.."

Umiling ako agad.

"I won't pa.. promise.." I raised my right hand to atleast assure him.

"Then, you're assurance is the key. Go. But young lady, your promise?.." mabilis kong hinila ang leather jacket na nakapatong sa higaan at humalik sa kanila ni mama. "Call Lance, Bamby!.." habol pa nyang bilin.

"I will. Bye!.." sagot ko bago sinarado ang pinto sa aming pagitan. Sumilay ang ngiting tagumpay sakin. Ang lakas ko talaga sa kanya.

Habang sakay ako ng elevator. Dinial ko ang numero ni kuya Lance. Dalawang beses pa muna itong tumunog bago nya sinagot.

"What?!.." inis nito ang agad na bumungad samin. Tahimik akong ngumiti. What now huh?.. Ang sarap nyang asarin. Dati nang inis eh. Pagagatungin nalang.

"Where are you?.." mukha na akong baliw kakangisi mag-isa dito. Kingina!.

Dinig kong maingay ang kanyang paligid. Nasa bar ba sila?. The hell!.

"Why?.."

"Nasa labas ako.." nakalabas na rin ako ng elevator. Kailangan ko munang alamin kung nasan sila bago ko hanapin sa labas. Nakakaasar kayang maghanap kapag wala kang lead sa hinahanap mo. Maliit pa naman pasesnya ko minsan.

"What?!.." umalingawngaw ang boses nito kaya inilayo ko ng kaunti ang hawak na cellphone saking tainga.

Hay!. Bwiset!. Galit agad?. di ba pwedeng kalma lang muna sya?. Naiimagine ko tuloy ngayon ang pagkunot ng kanyang noo habang sumisimsim ng alak. Ayaw kasi nitong naiistorbo eh. Sya lang ang pwedeng gumawa nun at sakin pa madalas. Napapailing nalang ako sa naiisip.

"Anong ginagawa mo sa labas?."

"Malamang, gustong sumama sa inyo..bakit kasi iniwan nyo ako eh.."

"Pinayagan ka ni papa?."

"Uh huh?.." humalakhak ako sa likod ng aking isip. "Kayo lang naman ang ayaw akong sumama eh. kinukulong nyo ako.. Ang hard nun ha?.." nagpipigil talaga ako ng ngiti gurl. Suskupo Bamby!.

"Tsk.. bro sino yan?.." dinig ko kung pano ito magpakawala ng singhal bago narinig ang boses ni kuya Alex.

Bulong nalang ang mahihimigan ko sa kanyang linya. Wala akong maintindihan. Tinakpan ata yung speaker. Darn it!.

"Fine.. wait me there.." Yun lang at pinatayan na ako. Gusto ko pa sanang tanungin kung asan sila pero mamaya nalang siguro kapag andito na sya. Inayos ko ang shorts na suot at niyakap ang sarili. Medyo malamig kasi gabi na. Hinihipan ng hangin ang buhok ko patalikod. Kaya sinalikop ko ito.

"Hey!.." napaigtad ako nang may biglang tumapik saking likod. O damn it!.. Who the hell are you?.. Magmumura na sana ako mabuti nalang at napigilan ko pa. Si kuya Alex pala. Hinanap ko si kuya pero wala. Mag-isa lamang ito. "Si kuya?..." umiling sya.

"May kausap na chic. Di maiwan kaya nagvolunteer akong sunduin ka.." nagkibit balikat ito sa huling sinabi.

That crazy?.. Malilintikan yun sakin mamaya. Grrr!..

"What about kuya Mark?.." he licked his lower lip then answered. "Hmm.. the same way.."

Hmmm.... I see it now. Kaya pala ayaw akong isama dahil mambababae sila?. Jesus!. What is happening on earth?. Ipagpapalit nila ako sa mga babae nila?. Fuck them!. Masumbong nga kila Erpat.. Hmmp!..

"Let's go.." anyaya nya. Sabay kaming bumaba at naglakad sa sea shore. May ilaw sa bawat sampung kilometrong pagitan ng lamp post kaya maliwanag ang gabi kung gagala.

"Saan pala kayo?.." tanong ko para maibsan ng kaunti ang lamig ng gabi. Damn!. Bat kasi short pa sinuot mo?.

"Doon lang.." tinuro ang bonfire sa tabi din ng dagat. Maingay ang tunog ng gitara at halakhak nila.

"Hmm..."

"Matanong ko lang.. Okay na kayo ng sister ko?.."

"Huh?.. Di naman kami nag-away kuya.."

"Yeah.. what I mean is, okay na kayo?. Nag-uusap ganun?.."

"Nag-usap na kami kanina. Iniwan nyo pa nga kami eh..hehe.."

"Hahahahaha.. it's both for your own good.. hahaha.."

"I know.."

"So anong nalaman mo tungkol sa kanya?."

"Ang sabi nya. Wala raw syang boyfriend.."

"That's new huh?.."

"Bago ba yun?.."

"Yeah.. she loves jumping one man to another. God!. Buti nalang nagbago takbo ng utak. Sakit sa ulo eh.." humalakhak sya. "At narinig ko rin palang wala ka pang manliligaw?.."

"Nagsabi naman nun?.."

"Narinig ko kayo kanina.. I didn't eavesdropping. Dulo lang naman ng usapan nyo narinig ko.. hahaha.."

"Pareho lang kaya yun.. hahaha.." nagtawanan kaming dalawa habang papalapit sa gawi ng maiingay. May kalayuan din pala itong lugar nila. Nakakapagod.

"May ipakikilala pala ako sa'yo.." agap nya. Nagtataka ko syang tinignan.

"Huh?. Sino po?" nakita ko kung paano na sya ngumisi sakin. I knew it!. Lalaki. Kaibigan nya?. Kaklase?. Either.

"No way!.." agad ko syang kinontra. Sino naman?. Hindi naman requirement ang magkaroon ng kasintahan dito sa mundo ah. Bat atat silang bigyan ako?. Suskupo!.

"Gusto ka lang daw nyang makilala.. don't worry he's my cousin.."

"No way kuya!.. Ayoko.."

"Hahahahaha.. pano ka magkakaboyfriend nyan?.."

"I don't even mind if I don't have any.. Pake nila?.." humagalpak na naman ito sa tawa.

"So cute Bamblebie!.. hahaha.. hmmm.. Ikaw bahala.." binulong na nya ito dahil nasa tapat na nila kami. Nag-iinuman ang iba. Habang ang karamihan naman ay naglalaro ng truth or dare.

Related Books

Popular novel hashtag