Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 163 - Chapter 13: Until now

Chapter 163 - Chapter 13: Until now

Ilang hugot muna ng hininga ang ginawa ko bago tuluyang lumabas. At doon nga sa garden maingay ang lahat. Nailawan ang dating madilim na parte ng bahay. Yung pool, pinalagyan ni papa ng lupa upang maging buong garden na ito. Kung kaya't ito ay malawak ngayon.

Humakbang ako papalapit sa kanila. Pilit kong winawala sa pamamagitan ng pagpisil sa aking mga daliri ang kaba. Dumapo sa kumpol ng mga dati kong kaklase ang aking paningin. Ngumiti ako ng kawayan ako ng iilan.

"Oh my gosh!.." dinig ko kung pano mamangha ang lahat. Mas lalong lumapad ang aking ngiti ng nasa akin na ang lahat ng kanilang paningin. Ayoko sana ng ganitong set-up eh. Yung maraming taong nakatingin sakin. Ayos na sakin si Winly at Karen. Kaso pinilit pa rin ni kuya Lance na may party. Tuloy wala akong nagawa.

Sinalubong nila ako ng yakap. Lalo nina Winly at Karen. "Ang ganda mo talaga gurl.." bulong ni Winly. Sumang-ayon naman si Karen.

At ilang segundo lang. Pinalibutan na nila ako. Niyakap ko sila isa isa.. Miss ko to. Tsaka ganito kami bumati sa Australia kaya sana wag nila bigyan ng malisya. Nakipagtawanan pa ako dahil sa mga biro ng bakla. Dumagdag pa ang iilan. Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon para batiin ang iilan na naroon sa ilang mesa.

"Hi.." bati ko sa kanya matapos kong yakapin ang kaibigan nyang si Kian. Nilakasan ko ang loob ko para kausapin sya. I miss his voice. I want to hear it.

Nataranta itong tumayo at hinarap ako. "Hi.." bahagya pang paos ang kanyang boses. Oh God!.. Bakit parang kaysarap pakinggan ang paos nitong boses?. Para nito akong sinasayaw. Inilahad ko ang aking kamay kahit ang totoo, nahihiya ako. Shit!.

Nagtagal sa ere ang aking palad bago nya ito kinuha. Nagsalubong ang init at lamig sa aming mga palad. Mainit ang aking kamay. Sya, grabe. Ang lamig. Kinakabahan ata sya?. Hmm..

"Go boy!!.."

"Go Jaden!.." may iilan pa akong narinig na humiyaw nito. Napangiti ako. Bakit parang ang gwapo nya pa lalo kapag ganitong nahihiya sya?. Damn it!.

Matapos ko syang kamayan. Lumapit ako ng bahagya saka sya niyakap. Todo ang pintig ng aking puso. Kulang nalang mabingi ako sa tambol nito. Ramdam kong naestatwa sya sa ginawa ko. Huminga ako at bumulong nalang ng "Long time no see.." hinawakan ko ang balikat nya. Naramdaman ko ring humawak sya sa laylayan ng aking baywang. Hindi hawak pero ramdam ko dahil sa init ng kanyang palad. "Ang ganda mo.." bulong nya rin. Ako naman ngayon ang natigilan dahil sa init ng kanyang hininga na tumama saking leeg. Nagtayuan ang maliliit na balahibo saking katawan. Gosh!.. Umayos ako at kumalas sa kanya ng yakap. Lumayo ng habagya upang makapag-usap kaming dalawa.

"Thank you.. hehe. ikaw?.." sa hindi pa nawawala yung epekto ng kanyang hininga saking katawan. Wala akong maisip na sabihin. Blangko ang aking utak.

Nakita ko kung paano sya matulala.. "Bakit?.." Hindi nya rin siguro maintindihan yung sinabi ko kung kaya't ito rin ang nasabi nya.

Kinagat ko ang pang ibabang labi. Nagbuga ng hininga bago nagsalita.

"Malaki ang pinagbago mo.." nagkatitigan kaming dalawa. Mata sa mata. Tagos hanggang kaluluwa ko ang mata nyang malalim kung tumingin. Nakakapanghina.

Bahagya syang ngumisi at tumango. "Pero ikaw pa rin ang gusto ko.." umawang ang aking labi sa bigla nitong sagot. Really?.. Whoa!.. Am I dreaming?.. Can you wake me up?..

Waaaa!... Gusto nya pa rin ako?. Ako rin naman.. Sya pa rin. Hanggang ngayon.