"Pupunta ka bang school?.." nasa hapag kami ngayon. Katabi ko sya. Si kuya Mark sa harapan ko. Nasa tabi sya ni mama. Tapos sa dulong bahagi si papa. Konting kanin lang at pritong itlog at isda ang nasa plato ko. Si kuya Lance pa ang naglagay dahil inaantok pa ako. Paano ba naman kasi?. Ginising nya ako kanina. Kailangan ko raw magmadali dahil graduation ngayon nila Jaden. Suskupo!. Kung hindi ko lang sya kilala. Pagkakamalan ko talaga syang may gusto kay Jaden. Sya pa mas excited sakin eh. Tsk.
"Oo naman.. bakit?.." ngumuso ako. Panay kasi tanong eh. Tinatamad pa akong magsalita.
"Anong plano mo?.."
"Plano?. Para saan?.."
Umiling sya at ngumuya. "Tsk.." he smirked. "Wala ka man lang plano. Naku little sister. Paano ka magugustuhan ng taong gusto mo kung wala ka man lang kasweetan sa katawan mo?.. tsk.. tsk.."
Dinig kong nilinis ni Papa ang kanyang lalamunan. Kaya napatingin ako sa kanya. Napaayos ng upo at lumunok ng wala sa oras. Naman kasi!. Ang daldal ng loko. Sarap batukan!.
"Ano nga ulit yun Lance?.." binitiwan nya ang hawak na kutsra at tinidor saka sumandal at tumingin kay kuya ng seryoso.
Di naman stirkto si papa pagdating sa lovelife namin. Sadyang gusto nya munang makapagtapos kami ng pag-aaral bago humanap ng kasintahan. Pero ngayon, parang ayaw nya yung sinabi ni kuya kanina. Di ko alam kung bakit.
"Pa, what I mean is--..." tinaasan sya ni papa ng kilay. Tahimik lamang kaming tatlo na nakikinig sa kanilang dalawa. "I mean. Diba dati nyang kaibigan ang gagraduate ngayon. Kaya kailangan nyang pumunta ngayon sa school nila.." Tumango lang sa kanya si papa ngunit parang hindi pa rin kumbinsido.
"Hindi iyon yung narinig ko kanina Lance Eugenio.." naku!. Bahala sya dyan!.. Binanggit na buo nyang pangalan. Warning na yun.
Napainom ng tubig ang loko. Yan. Sa daldal ng bibig mo. Ikaw rin ang magpapahamak sa'yo. Tsk. Kaya hanggat kaya mong itago ang isang sikreto. Quiet ka lang. May oras din na malalaman yan ng lahat. No need to publicized it.
Hindi na to nagsalita muli. Yumuko sya at nilaro ang pagkain na nasa plato nya. "Makasuggest ka sa kapatid mo. Ikaw nga walang maipakilala samin na nililigawan mo.. Matanong ko lang nak. Bakla ka ba ha?.."
"Pa?!.." agad syang nag-angat ng tingin at kinontra ang sinabi ni papa.
Nagpigil ng tawa si papa pero kaming tatlo. Kingina!. Ang hirap pigilan.
"Bwahahahahaha!!..."
"Nyahahahahahahah!..." ako ang may pinakamalakas na tawa samin. Sinamaan nya ako ng tingin bruh. Sobrang sama. Kung wala lang kami sa hapag. Baka nagmarathon na naman kaming dalawa dito sa bahay. Hahahaha!.
"Pa, pati ba naman ikaw?.. walang tiwala sakin?.." uutal utal pa syang magpaliwanag. Tuloy, iniilingan lamang sya ng kausap. Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. "Paano ko naman liligawan babaeng gusto ko kung gusto rin sya ng kaibigan ko?.." nagsalubong ang kilay nito.
"E di matira matibay.." si kuya Mark to.
"Psh. Nagsalita ang taong hawak na nga ang taong gusto nya pero pinakawalan pa. Tsk.."
"Anak ng?.." umambang tatayo si kuya Mark pero pinigilan sya ni mama
"Tama na yan..mag-aaway na naman kayo.. pareho pa naman kayong matataas ang pride. Di ko maabot minsan." pinaringgan nito ang dalawa. Tama naman sya. Sa taas ng pride nila. Walang babaeng nagkakagusto sa kanila. Si kuya Mark. Arranged marriage lang yung sa kanila. Mabuti pa at nagclick silang dalawa nung fiance nya kaya natuloy kasal nila. "Nak.." baling sakin ni mama.
"Po?..."
"Pumunta ka ng school mamaya. Surprise them, okay?.." nguniti ako. "Of course ma. I will.."
Sa nagdaang araw bago kami umuwi. Sinabihan ako ni Dilan na susunod sakin dito. Ngunit sinabi ko sa kanyang di na kailangan. But he insisted. Kinabahan tuloy ako. Airport palang, naguguluhan na ako sa kung anong pwedeng idahilan upang pigilan sya. Para di na sya matuloy. Baka kasi lalong hindi magkaroon ng KAMI ni Jaden ih! Hihi. Pero, anong magagawa ko kung andito na sya diba?. Pero paano kung malaman ni Jaden?. Anong mangyayari sakin?. Suskupo Bamby!. Think now!.