Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 153 - Chapter 3: His voice

Chapter 153 - Chapter 3: His voice

Days later...

Dumating na ang graduation ball namin. Mabilis palang dumaan ang panahon kapag busy ka. Naging abala kasi ako sa school papers. Dahil nga graduating na ang daming papel na kinakailangan. Nirush ko lahat ng iyon para wala na akong iisipin kapag aalis ako. Tuwing gabi lang din kami nagkikita ni papa. Abala rin kasi sya sa trabaho. Minsan pa nga iniwan akong mag-isa sa bahay. Pumunta syang site nila. Kailangan daw para sa itatayong building. Wala akong ginawa noon kundi tawagan sila mama. Mabuti pa sila masaya na sila doon. Ako dito?. Nagmumukmok dahil mag-isa. Indian ni papa.

"Kumain ka na?.." Ani mama nang gabing iniwan ako.

"Tinatamad ako ma.." busangot ang mukhang iniwas ko sa screen.

"Bakit?.. ano bang kinain mo kanina?.."

"Juice lang po.."

"And?.." boses nya lang ang naririnig ko dahil ayokong ipakita na umiiyak na ako. Namimis ko na sila. Ayoko nang ganitong mag-isa. Nakakapagod mag-isip. Kung saan saan na napapadpad utak ko. Nakakabaliw.

"Wala na po.."

I heard her heavy sigh. She's frustrated now. Alam ko kung bakit. Nag-aalala na sya sakin. "Nak.. you need to eat something. kahit konti lang.."

"Wala akong gana ma.."

"Pano ka tataba nyan kung di ka kakain?.." di ko sya sinagot. Paano naman ako kakain kung wala akong kasama?. I'm not used to it!.

"Tita, pinabibigay po ni mama.." boses ni Jaden ko. O my!. Suskupo!. Nagulantang ako at natigilan. Shet!.. Sya ba talaga iyon?.. Oh my God!.. I really miss his voice..

"Salamat hijo.. nasa labas sina Lance.."

"Okay po tita. Sa labas na po ako.." iyon lang at nawala na ang boses nyang bumuhay sa walang gana kong araw. Huminga ako ng malalim. Para itong kidlat. Binuhay ang katawang lupa ko. Mas lalong lumalim at naging buo ito. Lalong nahulog ang puso ko sa kanya. Damn it!.

Nanginig ako nang ibuka ang aking bibig para sana magsalita. Mariin ko nalang kinagat ang pang ibabang labi para pigilang manginig ng tuluyan. Baka mas mag-alala sya kung magtatanong pa kung bkait paos ang aking boses.

"Nak?.." she ask in a very low tone.

Nilinis kong mabuti ang lalamunan bago nagsalita. "Po?."

"Akala ko binaba mo na.. you okay?.."

No po. Gusto kong isagot subalit wala akong lakas para sabihin ito sa kanya. Baka humagulgol lang ako dito.

"I'm okay po.. ahmmm..." lintik!. pumiyok pa ako. Suskupo!. Paniguradong nahalata na nya ito.

"You look like not. Can I see your face?.." utos nito sakin. Mabilis kong inayos ang aking buhok at hinilamos ang mga palad. Suminghot ako at tumuwid ng upo. Humarap ako sa screen. Kinakabahan.

Hindi sya agad nagsalita. Nagsalubong lang ang kanyang kilay at tinignan ako ng husto.

"Did you hear that?..."

Kagat ang labing tumango ako. Tumango rin sya sakin. "Did you saw him?.." umawang ang aking labi ng sabihin nya ito saka ako umiling. Paano ko sya makikita kung di nga ako nakatingin sa screen?. Suskupo Bamby!... Bakit kasi di ka tumingin?. Di mo tuloy nakita. Haist!!.

"No po.." she sighed again.

"Don't worry you'll see him soon.. he's getting hotter nak.. hihi.." tukso nya sakin. Humalakhak pa lalo. Nakita kong dumungaw si kuya Mark sa screen. Kinawayan ako. Tapos umalis din agad nung nakakuha ng alak sa kusina.

"Ma?!..." mas lalo itong humalakhak. Alam nya kasing hanggang ngayon gusto ko pa rin sya. Kahit taon na ang lumipas. I'm still into him.

"What?. hahaha.." hindi mawala ang ngiti nito sa labi.

Kumunot ang noo ko at sinimangutan sya. "You're teasing me.."

"Hahahahaha..." sobrang saya lang nya. Nakakamis sila.

Nakangiti lang akong pinapanood syang tumatawa. Sana andyan rin ako. Kasama sya. Haist!.

"Who's that ma?.." himig ni kuya Lance na medyo malabo. Nasa malayo siguro ito nung nagtanong.

"Your sister.." nilingon sya ni mama. Maya maya. Nakita ko na ang mukha nyang nakalabas ang dila. Damn him!.

"Hey sis?.." ngumisi pa ang loko.

Nangalumbaba ako at sinamaan sya ng tingin.

"Zup crazy!.." sa sobrang inis ko sa kanya. Wala akong ibang maisip na pang-asar sa kanya.

"How's life there?.. We are enjoying here. With Jaden.." Kung katabi ko lang ito. Kanina ko pa nasipa. Maswerte lang sya. Ibinulong pa ang huling sinabi. Bakla nga talaga!.

"I'm enjoying here... with Dilan.. you know..." ako naman ngayon ang ngumisi. Let's see kung sinong maasar satin?.

As I've said. Hindi na maipinta ang mukha nya. Ayaw kasi nitong kasama ko si Dilan. Bad influence daw sya. Alam ko naman yun. Sadyang sobrang arte lang talaga nya. Mapili sa mga taong pinakikisamahan nya o ako.

"I'm warning you Bamby..." see?. Nawala na yung ngisi nya kanina. Ganyan sya kabilis magpalit ng mood. Like me. In an instant. Boom!. Change mode.

"Hehehe.." pang-aasar ko. Tumitig ito ng masama. Death glare dude.

"Lance, hinahanap ka na ni Aron.." mabuti nalang at binasag ni mama ang nag-iinit na inis nito. Bumuntong hininga sya at tinuro ako bago tuluyang binigay kay mama yung phone.

"Anyare dun?.." tanong ni mama.

Ngumiti ako. "Wala po ma.. Nainis. Sinabihan kong bakla.. hahaha.."

"Tsk.. Loko...." hanggang hating gabi pa kami nag-usap. Ang dami nyang kwento. Kaya di ko na namalayan ang oras at antok. Natulugan ko na si mama.