Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 151 - Chapter 1: In between

Chapter 151 - Chapter 1: In between

Been years simula noong umalis kami ng pamilya ko. Di madali ang lumipat ng tirahan o manirahan sa banyagang bansa. Nakakabaliw. Nakakalungkot. Unang araw ko noon. Di ako lumalabas. Naiiwan ako sa bahay. Mag-isa. Ayokong sumama sa kanila kahit kulang nalang hilahin ako ni papa. Ewan ko. Naiwan ata sa Pilipinas ang kalahati ng buong isip at kaluluwa ko. Hindi ko makalimutan kung paano ako niyakap at halikan ni Jaden. Suskupo!.. Kung pwede lang!. Kung kaya ko lang maiwan mag-isa sa bahay namin noon. Magpapaiwan ako. Kaso, I was too young that time. Hindi na nga ako pinapayagang lumabas o magwalwal. Maiwan pa kaya?. Kaya kahit sobrang labag sa loob kong umalis. Iwan sya?. Wala akong magawa. I don't have the guts to do things on my own. I know that from the very beginning.

"Are you excited?.." siniko ako ni kuya. Nakaupo ako sa armrest ng sofa. Nakasandal sabay nakikinig sa usapan ng mga tao sa paligid. May party na naganap dahil napromote ulit si papa. Imbitado ang kapwa Pinoy at mga kaibigan nya. Maingay dahil sa tugtog ng radio.

"Parang natatakot akong umuwi.." I declared. Totoo. Takot akong umuwi. I don't know why.

"Really?.. Akala ko ba ikaw ang pinakaexcited dahil finally uuwi na tayo?.." nakipag-apir pa ito sa kaibigan na dumaan.

"Torn between excited and nervous." nanonood lang ako sa mga taong dumadaan. Nag-iinuman at nagtatawanan.

"Bakit?. Kanino ka takot?. Kay Dilan?. Or him?.."

Natahimik ako. I was like. Anong sasabihin ko?. Oo na hinde?.. Psh!. Pagtawanan pa ako. Napakasutil pa naman nya.

"Bakit ka natatakot sa kanya?.. may ginawa ka bang dapat mong ikatakot?.."

"Tsk.. bakit ako topic mo kuya?. Maghanap ka kaya ng lovelife mo?. Ayan si Klare oh.. Naghihintay lang sa'yo.." nilipat ko sa ibang topic ang usapan dahil nakakailang ang mga tanong nya. Wala naman akong ginawang masama. It's just that. Parang pakiramdam ko. Di ko kayang humarap sa kanya kung sakaling uuwi na nga ako. Baka mahimatay ako.

Suskupo Bamby!. Taon na ang lumipas. Tapos eto ka pa rin. Into him?. Haist..

"Don't change the topic lil sis. Just answer my damn question.." inis nitong suway sakin. Umikot ang mata ko sa kanya. Dumaan si Dilan sa harapan namin. Binigyan ako ng isang baso ng wine. Kinuha nya agad ito sa kamay ko. Yan. Isa sa mga ayaw nyang gawin ko kahit nakatira na kami sa open city. I mean, liberated na lugar. Ayaw nya pa rin akong uminom ng kahit anong klaseng alak. Kahit tikim. Bawal. Baso nalang ang binalik nya sakin nang lingunin ko sya.

"Anong gusto mong isagot ko?.."

"Here you go again. Answer my question into another?... still. You're changing the topic.. Gusto mo bang umuwi o hinde?.." direkta na nyang tanong. Naiinis.

"In between..." nguso ko sa kanya. I'm counting. Konti nalang. Sasabog na Ito sa inis. Heck!.

Pinaglaruan ang vape na hawak. Habang malayo ang tingin. He's thinking. Ano kayang iniisip nya?.

"Anong iniisip mo?.." kinuha ko yung hawak nya pero mabilis nya itong binawi. Matagal ko na itong gustong itanong sa kanya. Bakla ba sya o lalaki?. Napakaarte eh. Tsk.

"You?.." napaayos ako ng upo nang mabilis nya itong isagot.

"Ako?. really kuya?.." ngisi ko dito. He just rolled his eyes. Like damn!. What you sayin' lil sis?. I overheard his inner voice.

Tumango lang sya. "Hmmm... iniisip ko kung anong nasa isip mo kung bakit ayaw mong umuwi?.. you making me crazy here.."

"Pshh.. Wala naman akong ginagawa ah.. Baka talagang baliw ka lang?.." bumaba na ako sa inuupuan ko. Tsaka tumakbo papalayo sa kanya. Alam kong hahabulin nito ako hanggang sa marinig ang gustong sagot ko. I know him well.

Related Books

Popular novel hashtag