Dumating si Kuya Mark ng alas otso na. Kaya lumabas din kami at nakipagkwentuhan sa kanila. Ang dami nilang kwento. Pero mas madami ang dinaldal ni ate. Susmaryosep!. Sinabi ba namang maraming humahabol sakin hanggang dito sa bahay. Pinakaba pa ako ng ilang minuto. Mabuti nalang at nalipat kay Klein ang usapan nila. Buhat sya ni Bamby na nasa tabi ko. Kagat ang labing pinapanood syang laruin ang gising na gising kong pamangkin. Hanggang sa dumating ang alas nuwebe. Nagpaalam na sila. Naunang sumakay si Kuya Mark sa sasakyan nyang nakaparada sa labas. Si Lance naman. Nasa labas pa. May kausap sa cellphone.
"Your phone Jaden.." bilin nya bago sumakay ng sasakyan. Hindi ko muna sinarado ang pintuan sa gawi nya dahil gusto ko pang tanungin kung anong gagawin ko sa phone ko. "What about my phone?.." hinarangan ng isa kong kamay ang pintuan para di sumara. Habang ang isa naman ay sa gilid nakahilig. Ipinatong ang kanang paa sa sasakyan habang seryosong nakatingin sa kanya.
Tumirik ang kanyang mata. "Nevermind.." irap pa nito sakin. Susmaryosep!. Mas lalo kitang magugustuhan kung ganyang nagsusungit ka babe.
"Ano nga?. Dali na..." pilit ko pa sa kanya. Nag-iwas ito ng tingin sakin. O sabihin ko nalang na ayaw nya akong tignan. Ah. Alam ko na. Ang slow mo naman boy!. Tsk. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "I'll text you. You should reply then?.." humarap sya sakin. Kagat ang mga labi. Susmaryosep!. Don't bite your damn lips baby!. I want to kiss that damn thing.
"Text me back huh?.." hinawakan ko ang kanyang baba. Kitang kita ko kung paano sya pumikit at mariing itikom ang kanyang bibig. Damn!. Kinikilig sya!.. Boy!.
"Oo na.." ilang minuto pa bago sya sumagot. Kailangan pa munang titigan ko sya ng ganito kalapit bago pumayag. Hay;!.. Ang sarap sa feeling. Para tuloy akong nakalutang na naman sa ulap sa saya.
Nang makaalis na sila. Kinuha ko agad yung phone ko saka binasa yung text nya na kaninang umaga pa pala. Naku naman boy!. Kaya ka napag-iiwanan ng mundo e. Lagi kang wala sa timing.
"Good morning.." yan ang reply nya sakin. May kasama pang emoji na kumindat. Tuloy. Nakagat ko ang aking labi dahil sa di mapigilan na kilig. Nararamdaman ko. May pag-asa nga ako. Wuhu!..
"Are you at home?.." hinigaan ko ang isa kong braso habang ang isa naman ay abala sa hawak na cellphone. Nagtitpa tapos idedelete din. Ganyan ako kabaliw. Ang daming gustong itext pero andun pa rin yung hiya sakanya. Di mawala wala.
"Still on the road.." mabilis nyang reply.
"Ang tagal naman?.." bumalikwas ako at naupo. Nilagay sa kandungan ang yakap na unan kanina.
"Yeah. Si kuya kasi. Dumaan pa sa drive thru.." paliwanag naman nya. Kaya pala.
"Nabusog ka ba kanina?.." pag-iiba ko ng topic.
"Sobra. Ang dami mo kayang nilalagay sa plato ko. Nakakahiya ka.." may kasamang belat.
Haist!.
"Sa gwapo kong to?. Ikinahihiya mo ako?.. Susmaryosep!!.." parang tanga na talaga ako dito. Ngingiti tapos iiling tapos hihiga tapos uupo. Susuntukin ang unan tapos ibabato. Baliw na nga siguro ako.
"Bwahahahahaha!. Ang kapal neto!.."
"Grabe ka naman. Di pa kita girlfriend pero nilalait mo na ako. Ang sakit.." may kasamang puso yun na nahati sa gitna.
"Ahahahaha.. kidding.." bawi nya bigla. Nang di ko sya replayan sa iba nyang text. Wala lang. Trip ko lang di sya replayan para sya naman yung kiligin. Susmaryosep!.
"Uy joke lang yun..." text nya ulit.
"Alam ko. Ikaw pa..." reply ko sa kanya.
"Galit ka ata e?.." Ang bilis nyang magreply ngayon.
"Hinde..." tanggi ko. Di naman kasi ako galit. Kinikilig pa nga ako e.
"Totoo?..."
"Hinde ko kayang magalit sa'yo dahil gusto kita... gustong gusto..." ngiting ngiti na ako. Abot na sa kalawakan.
"Kung gusto mo talaga ako?. patunayan mo muna.."
"Papatunayan ko yan. Pupunta ako sa bahay nyo.." Ang lakas ng loob mo boy!. Baka mamaya umatras ka nyan ha.
"My gosh!. seryoso ka?.."
"Kailan ba ako nagbiro sa'yo?.."
"Goodness!. Bahala ka nga!.." nagtuloy tuloy pa ang text naming dalawa hanggang madaling araw. At sa sumunod pang mga araw. Kaya lagi rin talaga akong late. Mabuti nalang at wala na kaming masyadong ginagawa dahil malapit na ang graduation day namin.