Naibsan ang kabang nadama ng sa wakas bumaba na ang mga mokong. Kumain na rin kami ng oras na yun. Hindi mawala ang pakulo nina Billy at Bryan tungkol sa nangyari kagabi. Ang sabi ni Ryan, wala na sakanya yun. Dala lang daw ng kalasingan kaya medyo uminit ang kanyang dugo kay Jake. Yung mga kaibigan ni Kuya Mark. Umuwi rin kagabi. Magpaparty pa raw sila. Inaya pa kami pero hindi na kami pinalabas ni tita. Nagpalam sila ng mga ala una ng madaling araw. Kalahating oras pa muna kami nag-inuman bago tuluyang natulog.
Matapos kumain nagpaalam na rin ang lahat.
"Salamat po tita. pre. Una na kami.." paalam ni Kian sa magkapatid na nasa labas. Parehong nakapamulsa.
"Jaden, pakisabi sa ate mo. Pumasyal dito.." bilin sakin ni tita bago sumakay ng sasakyan ni Kian.
"Makakarating po tita. Salamat.." paalam ko sa kanila.
Para akong nakalabas sa kulungan. Pakiramdam ko ginapos ako sa mga mata nilang mapagmatyag. Ngayon lang ulit ako nakagalaw ng maayos.
"Si boy, mukhang pagong pre. Yung tipong nagtago sa bahay nya kahit nasa isang bahay sya. Hahaha.." dinig kong biro ni Dave. Tumawa naman si Kian na dinugtungan ang biro nito.
"Tapos ngayon lang nakahinga kasi nga nagtago... hahaha.." malalim na biro naman ni Dave.
"Mga sira.." suway ko sa kanila. Pinagtawanan lang lalo nila ako.
Nakahinga ako ng maluwag nang nakalabas na kami ng village nila. Pinunasan ko ang ilang butil ng pawis saking noo. May punto sila. Jaden!. Nagtago ka sa ilalim ng iyong kaba at pag-iisip. Tuloy mukha kang ewan kanina. Napailing ako sa inasal. Nagtawanan lang ang dalawa sa harapan. Hindi naman sa hindi ako makahinga sa bahay nila. Yun bang, parang laging may nakadagan sa akin na mabigat. Kaba o takot?. Ewan. Basta yun.
"Salamat.." saludo ko sa kanila.
"Ichat mo na sya boy.." kantyaw sakin ni Dave. Pabagsak kong sinarado ang pintuan ng sasakyan. Minura pa ako ni Kian dahil baka raw masira sasakyan nya.
"Ikaw nalang.." nguso ko.
"Huh!. torpe!. Tara na nga pre. Mahawa pa tayo sa katorpehan nyan.. hahaha.." bumusina si Kian saka pinaharurot na ang sasakyan paalis.
Kamot ang ulo pagkapasok. Tinanong ako ni Mama tungkol sa inuman. Sinabi ko lang na ayos lang naman. Saka na pumanhik at nahiga.
Kinaumagahan, lunes. Nagising akos a katok ni Niko. "Kuya!.." mabibigat ang mga katok na ginawa nya.
Nagmadali akong tumayo kahit sobrang antok pa. Binuksan ng maluwag ang pinto para sa kanya. "What!?.." inis kong tanong sa kanya.
""Basahin mo to.." iniabot nito sakin ang tablet. Saka pumasok ng kwarto at tumalon ng higaan ko. Alas kwatro palang ng madaling araw tapos gising na sya?. Bakit kaya?.
"Alin dito?.." tanong ko dahil yung app lang na gamit nya ang pinakita sakin.
"Hay naku. Ang tagal mo talaga kuya.. eto o.. tsk.." inis itong tumayo at nilapitan ako. Tinuro ang mukhang hindi mawala sa isip ko kahit isang segundo.
"Anong gagawin ko dito?.." biro ko sa kanya. Namaywang lang ito saking harapan. Kinunot ang noo. Ngumuso at pinagsalubong ang kilay. Nauubusan ng pasensya. Bata ba talaga sya o matanda na?. Ginulo ko ang magulo nynag buhok. Saka ko sya nginitian. Di nya alam. Iniinis ko lang sya.
Humiga syang muli saka nagtalukbong na gamit ang unan ko.
Bumaba ang mata ko sa hawak. Binasa ang conversation nila. Natatawa ako dahil bata pa nga sya. Mali mali sinasabi nya na tinatawanan lang din ni Bamby.
"Ate, ayaw me idala kuya sa bahay nyo.. huhu.." may emoji pa. Lokong bata.
Nagreply sya dito. "Bakit daw?. hahaha."
"Di ko alam ate eh. Kainis.."
"Hahaha.. wag ka ng mainis, pag-uwi ko nalang. Pupuntahana kita sa bahay nyo.."
"Totoo po ate?.."
"Hmm.. wag mong sabihin sa kuya mo ha.. secret lang natin to.."
"Opo ate. Secret.. hehe.." humagalpak ako pero agad ring tinakpan ang bibig dahil nakatulog ulit ito sa higaan ko.
Secret nila tapos binigay sakin yung tablet nya. Pinabasa?. Tsk. Tsk.. Niko. Thank you.
Sa sutil ng utak ko. Boss nya ang puso kong kinikilig. Pinindot ko ang huli nyang reply saka nireplyan. "Really?.. Secret huh?.." may kasama pang emoji yun na nakangisi.
Kagat ang labi para pigilan ang ngiting ayaw pakawalan. Damn Jaden!. Kinikilig ka? Tangina.
Teka. Bakit ayaw nyang ipaalam sakin?. Nagscroll down pa ako. Sa dulo ng usapan nila. May sinabi sya duong, "Shh. quiet Niko. Pauwi na kami. See you soon.." may kasama pang picture na nasa airport na sya.
Damn!. Yung ngiti nya walang kupas. Ang ganda pa rin.
Hinawakan ko ang ibabang labi saka pinindot ang emoji reaction sa ilalim ng larawan nya. Yung may puso. Naman Jaden. Di ka na torpe. Magsasaya ang lahat neto.
"You're still beautiful. See you soon. -Jayden.." reply ko dito.
Bumalik ako sa higaan. Tumabi kay Niko pero hindi na makatulog. Abot langit ang ngiti ko. Ano ba to?. Bakit hanggang ngayon, ganito parin ang nararamdam ko para sa kanya?..
Kahit taon na ang lumipas sya pa rin tinitibok nitong puso ko. Baliw sa kanya.