Hapon na ng may marinig akong humintong sasakyan sa aming tapat.
"Kuya, may bisita ka.." galing sala. Isinigaw ito ni Niko. Nasa kusina ako. Karga si Klein sa isang braso habang nakaalalay ang kaliwang binti. Ang kanang kamay naman ay abala sa pagtitimpla ng kanyang gatas.
"Papasukin mo na.." utos ko sa kanya. Tapos ko ng lagyan ng mainit na tubig ang gatas. Ikakalog ko nalang para mahalo.
"Kuya, pasok kayo.." alok nito sa mga bisita. Buti nalang iniwan sya ni Mama. May kasama akong magbantay kay Klein.
"Kuya mo?.." si Kian. Sa tunog palang ng sasakyan nito. Maingay. Halatang sya na yun.
"Nasa kusina po.." yun lang at tumahimik na ang paligid. Hirap akong ayusin si Klein sa binti ko ng magsalita bigla si Dave.
"Tara na pre?.." Anya. Kaya muntik ko ng mabitawan ang bote ng gatas.
"Gago!. para ka namang multo eh.." mura ko dito na tinawanan lang nya. Lumabas ako at naupo sa sofa. Andun na rin si Kian. Tinapik lang ako sa balikat tulad ng ginawa ni Dave kaninang paglabas ko ng kusina. Prenteng nakasandal sa isang upuan. Nakatalikod sa kusina. Si Niko naman nasa mahabang sofa. Kaharap sya. Naupo ako sa mahaba ring sofa. Sa gilid nito. Kaharap ang tulugan ni Klein. Kaharap ang tv.
"Tara na pre?.." si Kian naman ngayon. Naupo na si Dave sa katabing upuan ni Kian. Parehong pinapanood ang pagpapatulog ko sa bata.
"Paano ako aalis?. May mga alaga ako.." Hindi ko sila nilingon. Pero dinig kong bumuntong hininga ang isa sa kanila.
"Sila tita ba?." si Kian.
"May nilakad na papeles tulad din ni Papa." pareho kasi silang guro. Sa isang University nagtuturo si Papa. Si Mama, nagretire na ng nanganak si Ate.
"Kuya saan kayo pupunta?.." singit ni Niko sa amin. Nakaskwat ito sa malambot na upuan.
"Kila Lance, sama ka?. Si Ate Cath ba?.." Ani Dave. Matapos lumingon sa kapatid ko, sakin naman sya tumingin.
"May nilakad din. Pero pauwi na yun. Alas kwatro na eh.." sabay tingin ko ng relo sa itaas ng flat screen na tv. Ang paalam ni ate, mag-aapyly raw ng trabaho sa mga ospital. Registered nurse sya. Hindi lang nakapagtrabaho at ginawang business ang online matapos manganak.
Hindi sila umimik.
"Kayo kung mauna na kayo dun. Sunod nalang ako.." lingon ko sa kanila. Umiling agad ang mga ito. Alam talaga nila teknik ko. Balak ko na kasing di na tumuloy. Inuunahan ako ng kaba.
"Hindi pwede pre. Pinapunta nga kami dito para sunduin ka. Andun na silang lahat.." si Kian. Kaya pala.
"Kuya sama ako.." agaw eksena ni Niko. Nilingon namin sya. Habang dinuduyan ko si Klein. Nakapikit na ito habang umiinom ng gatas.
"Wag na Niko. Wala kang kalaro dun.." Ani ni Dave.
"Si Ate Bamby, andun po sya.." bigla ay sinabi nito. Medyo hininaan ko ang pagduyan kay Klein. Nabigla sa sinabi nya.
"Wala sya dun. Hindi sya umuwi e.." iling ni Kian. Pero sakin sya nakatingin. Abnormal. Bakit?.
"Paanong hindi po sya umuwi?. Ang sabi nya sakin uuwi sya eh.." na kay Kian ang kanyang mata. Nagtatanong. Nilingon pa ako kalaunan. Bakit kailangan kang lumingon sakin?. Niko, wala akong alam.
"Sinabi nya sayo?. Paano?.." takang tanong ni Dave. Tumingin rin sakin.
Bakit sakin sila nakatingin?. Mga timang!.
"Kachat ko po sya.." proud nitong himig. Napahawak sa labi si Kian. Si Dave naman, napaayos ng upo. Naging interesado sa kanya.
"Kachat mo sya?." hindi makapaniwalang tanong pa rin ni Dave.
"Opo Kuya. Ang sabi po talaga nya. Uuwi sya.. Kaya sama na po ako..miss na miss ko na po kasi sya.." pilit pa rin nito samin. Walang makasagot sa kanya. Tinatantya kung totoo ba ang sinasbai nya.
"Hindi sya umuwi Niko. Sina kuya Lance, kuya Mark at Mama lang nila ang umuwi, hindi sya kasama.." si Kian ang nagsalita para sa aming tatlo. Lalo na sa akin. Umiling pa rin ito. Ayaw rin maniwala kay Kian.
"Totoo kuya. Yun ang sinabi nya sakin.."
"Pwede ba naming makita ang chat nyo?.." nakaisip si Dave ng maganda ideya. Mabilis naman iyong tumayo. "Opo. Kunin ko lang po sa taas.." Anya saka na patakbong umakyat.
Sandaling katahimikan ang namalagi samin.
"Pre, kachat nya raw si Bamby?.." si Kian na ayaw maniwala. Nalilito.
"Hindi ko alam.." Hindi ko naman talaga alam ang ginagawa ng batang iyon. Sa talino nya kahit anim na taong gulang palang sya. Madali nyang nagagawa ang mga nakikita nya samin.
"Mukhang muunahan ka pa ng utol mo pre ah.. hahahaha.." asar sakin ni Dave. Nag-apiran pa ang mga ito. Nakasandal lang ako. Hindi nagpahalatang apektado sa sinasabi nila.
"Tsaka. Paano nya nakachat yun?. Di ko nga alam na may fb pala si Bamby. Ang talinong bata.." iling ni Kian. Bago ako binalingan. "Ikaw Jaden?.."
"Bakit?.." mabilis kong sagot. Nginisihan lang ako ng gago.
"Imposibleng di mo alam na may account sya.." si Dave naman ngayon ang nagtanong. Mapanuksong mata at ngisi ang pinapakita sakin. Mga ulul!.
"Kachat rin.." di ko na napigilan ang sarili kong ngumiti. Fuck!.
"Tangina mo!.." halos sabay pa nila akong minura.
"Kaya pala late to nung isang araw. May kachat.. tangina ka Jaden.." di nila mapigilan ang pagmumura. Palakas rin ng palakas ang kanilang tawanan.
Nakangiti lang rin ako sa kanila.
"Kaya pala late dahil late na kung matulog. At syempre, late na rin kung gumising. Tangina. Inlove pa rin ang ulul.. hahaha.." hindi mawala ang tukso nila sakin.
"Teka. Kung kachat mo sya. Ano namang sabe?.." si Kian na pinipigilan ang katabi sa hagikgik. Tinakpan pa nito ang bibig para huwag maistorbo sa sasabihin.
"Wala. Nagwaved back lang.." sambit ko. Tumahimik sila. Mukhang di nakuha ang sinabi ko.
Pero kalaunan. Nang mapagtanto. Humagalpak sila ng tawa. Tumayo pa sila sa sobrang tuwa.. Hawak ang tyan. Labas ang gilagid.
"Mga ulul!.." basag ko sa kanila pero nagpatuloy lang sila sa ginagawa.
"Waved back daw pare.. akala ko magkachat na sila.. ahahahaha.. torpe pa rin pala.. ahahahaha.." paputol putol na sabi ni Dave.
"What the fuck!. manahimik nga kayo. magising ang bata.." banta ko sa kanila. Ilang minuto lang bago sila tumahimik. Nagbulungan silang dalawa. Di ko marinig ang usapan nila dahil sa agwat namin.
Di ko na rin maiwasang ngumiti at kagatin ang labi sa naiisip na possible ngang andun na rin sya sa bahay nila. Na baka ayaw lang ipaalam ng pamilya nya na pati sya ay umuwi na. Fuck Jaden!. Umaasa ka na naman.