Mukhang tanga akong nakatunganga sa screen ng cellphone. Hindi mawala ang ngiti sa labi. Siguro kung may makakita lang sakin ngayon. Baka kantyawan na ako. Sabihan ng baliw. Baliw na kung baliw. Basta ang mahalaga sakin ngayon, hindi ako naiwan sa ere. Nagreply pa nga eh. Tangina!. Di ko na mapigilan pa ang tabil ng dila kong magmura.
"Lucky Jaden!.." bulong bulong ko pa saking sarili habang umiling. "Eat lucky me!. And you'll be lucky!." Humalakhak pa ako sa kawalan. Walanghiya ka Jaden!. Bakla ka ba?.. O nababaliw na?.. What the fuck!..
Sa sobrang sayang nadarama. Hindi na maisip ng dugo ko ang salitang matulog. Gising na gsing ito kahit alas dos na ng madaling araw at may pasok pa bukas.
"Catherine!.." sa gitna ng paglipad ko sa alapaap at paghiga sa mga ulap. Nagulantang ako sa ihip ng galit na boses na yun.
Padarag akong tumayo at tinanaw sa bintana ang tarangkahan. Kumunot pa ang noo ko dahil sa hindi maaninag ng husto ang bulto. Sa nakasaradong tarangkahang kahoy. Duon. Nakatayo sya. Pasuray suray. Kulang nalang bumagsak.
"Catherine!.." Isa pang tawag nya. Kumurap ako. Nag-iinit na ang palad kong manuntok. Nagmadali akong bumaba. Nanginginig sa bawat hakbang. Nadatnan kong patay na ang ilaw sa baba. Wala na rin si Ate sa sofa. Mukhang umakyat na sa kwarto nila. Good for her!.
Maingat kong binuksan ang pinto saka diretso ang lakad papunta sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?.." kalmado kong tanong dito. Binulsa ang dalawang kamay sa pajamang itim. Seryoso ang tinging ipinukol sa kanya. Namumungay na mata ang binigay nya sakin. Yan ba ang naghanap ng trabaho?. Madaling araw na uuwi tapos lango pa sa alak?. Ang sarap lang sapakin ng mga taong ganun. Mga sinungaling!.
"Si Catherine?. Pa-pa-papasukin mo ako.." yugyog nito sa tarangkahan. Uutal utal pa.
Pinanood ko lang sya. Hinayaang yakapin ang mga kahoy na may pintura. Pilit akong inaabot. Napailing lang ako habang nakatayong pinapanood sya. Tumutulo pa ng bahagya ang kanyang laway. Damn! Sobrang lasing nga neto!. Ano pang karapatan nyang bumalik dito?. Wala talaga itong hiya!.
"Umuwi ka na sa inyo.." gamit ang malalim kong boses.
"Papasukin mo ako pare. Nag-alala na sa akin si Cath--.."
"Gago!.." putol ko sa mga sinasabi nya. Natulala lamang ito sakin dahil sa pagkabigla.
"Umuwi ka na.." pilit kong pinapakalma ang sarili para wag mag-amok dito. Ayokong gumawa ng eskandalo. Pero sa gagong to?. Mukhang hinde ko iyon maiiwasan.
"Saan ako uuwi?. Andito ang asawa at ang anak ko.." di ko malaman kung lasing ba sya o hinde. Alam na alam ang sinasagot.
Ginagago nya ata ako.
Suminghap ako sa kawalan ng interes sa sinabi nya. "Umuwi ka na. Bukas ka nalang bumalik dito ng hinde lasing." tinalikuran ko sya para iwan at ipakitang wala akong panahon sakanya pero nagpumilit pa rin ito. Pilit binuksan ang tarangkahan saka darag na pumasok.
Agad kumalabog ang pintong kahoy. Sinarado ko ito para hindi pumasok ang hamog at lamig ng madaling araw.
Pipigilan ko pa sana sya pero nakapasok na ito sa loob at diretso ang akyat sa may hagdan.
Sa ikalawang pagkakataon. Wala na naman akong nagawa para pigilan sya. Kung hindi lang talaga kay Klein at kay Ate. Patay na yun sa bugbog ko. Hindi sa nagtitimpi ako. Hindi sa natatakot ako. Sadyang mas iniisip ko lang ang magiging epekto ng gagawin ko sa kanya. Kay ate at sa anak nya.
Hinayaan ko na syang umakyat. Bukas. Kapag matino na ang isip nya. Duon ko sya kakausapin.
Umakyat akong muli. Nahiga sa sariling mga braso. Maraming tumatakbo sa isip ko. Kung kaya't, matagal pa muna bago ako nakatulog.