"Hindi ka ba talaga mag-sosorry?.." tanong ko sa kanya ng tuluyan na kaming iwan ni Kuya Mark.
"Why would I?.." nangunot agad ang aking noo sa kanyang sinambit.
"Eh, ano pang ginagawa mo dito kung ganun?.." tinapunan ko sya ng masamang tingin. Bwiset!. Ayaw palang mag-sorry eh. Ano pang ginagawa nya rito?.
He didn't bother to answer me. Instead, he just looked away.
Bahala nga sya dyan. Tumayo ako't inayos ang magulong higaan. Matapos ayusin ang aking kama, nilampasan ko sya at pinulot ang bag sa sahig na nilapag ko nalang dun kagabi. Nilapag sa mesang nasa tabi nya saka inayos ang magulong loob. Nilabas ang mga basurang nasa bulsa at tinapon sa trash can na nasa ilalim ng mesa. Hindi ko na naasikaso pa kagabi dahil kay Ace.
"Okay. Fine.. I'm sorry.." napipilitan nitong sambit sa kabila ng nakakailang na katahimikan sa aming pagitan.
Bumuntong hininga sya sa di ko pag-imik.
I just rolled my eyes. "You're sorry for what?.." tanong ko. Isa isa nang binabalik sa loob ng bag ang mga gamit ko. Kunot ang noo.
"Kailangan pa ba yun?." humaba ang kanyang nguso.
"Of course!.." agap kong sagot sa kanya.
"Pst!. this is so---.."
"What??.." pinagtaasan ko sya ng kilay. Ang arte talaga nya. Ang sarap sarap kutusan!.. Ang gusto ko lang naman marinig ay ang mga dahilan nya kung bakit ganun nalang ang galit nya sa akin. Lalo na kay Jaden.
"Ginawa ko lang naman yun to protect you..Si Ace, bago sya pumunta dito kahapon, kinausap nya muna ako kung pwede ka na raw nyang makausap.."
"Anong dahilan at pumayag ka na?.." usisa ko, kahit alam ko naman na ang kanyang isasagot.
"Pumayag ako dahil narealize kong masyadong mainit ang ulo ko noon.."
"Buti alam mo.." sumbat ko sa kanya. Dahilan para matahimik sya.
"Ang gusto ko lang naman ay ang pag-aaral nyo muna ang atupagin nyo hindi yung ganun na puro crush. Mga bata pa kayo Bamby. Too early for that."
"Ilang taon ba dapat magmahal kuya?. Kapag huli na ba ang lahat?. Ganun ba ang gusto mo?.."
"Bamby look. Hindi yun ang punto ko. Tingin mo ba hahayaan ko nalang na saktan ka ng ibang tao?. No!. Never!. Kaya nga ako napasugod sa room nyo noon dahil ang sabi, umiiyak ka raw. Bakit dito ba sa bahay pinaiyak ka na namin?. Hindi diba?. Nagalit ako sa kanila dahil hinayaan ka nilang umiyak. Nang dahil sa kanila, umiiyak ka. Nasasaktan. Nadadamay sa alitan nila na hindi naman dapat."
Wala akong maisip na sabihin. Ang daming tumatakbo sa aking isip pero wala akong mahanap na tamang salita para sabihin.
"Pinagbawalan ko sila na lapitan ka dahil iyon ang nakikita kong tama. Sumang-ayon naman sakin si Ace. Kinausap nya ako matapos ang araw na yun. He apologized. And I accepted it. Hindi ko na nasabi sa'yo dahil masyado kang masaya at ayaw kong sirain yun. Ang dagdag pa nya. Naiintindihan nya raw ang ginagawa kong pagprotekta sa'yo. Dahil maging sya raw ay hindi ka kayang makitang umiiyak.."
Pinanood ko lang syang magsalita. Mamaya na siguro ako magkomento. Hindi ko pa naririnig paliwanag nya kay Jaden eh. Yun lang ang hinihintay ko.
"Si Jaden...hindi naman talaga ako galit sa kanya.." I just sigh at him.
"Hindi ka galit pero hindi mo sya kinakausap?.."
"Ang ayaw ko lang Bamby, sinusuway nya ako. Sinabi ng wag kang lapitan eh pero anong ginawa nya, mas lalo lang syang lumapit sa'yo. Ang malala pa. Kulang nalang halikan ka.."
"Kuya---!.."
"Stop defending him Bamby.. Kahit hindi ko nakikita, nalalaman ko dahil may mga nagsasabi sakin. Matapos nung araw na pinagbawalan ko sya, nilapitan nya ako. Kinausap at humingi rin ng tawad pero hindi ko pinansin."
"Bakit?. Bakit hindi mo sya kayang patawarin kuya?." medyo galit ko ng tanong. Naiinis sa dami ng kanyang rason.
"Napatawad ko na sya Bamby. Matagal na. Hindi ko lang sinasabi dahil baka suwayin nya na naman ako. Sa tingin mo ba papupuntahin ko pa sya dito sa bahay kung galit talaga ako sa kanya?. Hindi. Kaya nga nakikita mo pa sya dito dahil hindi naman ako totoong galit sa kanya. Tsaka sa tigas pa ng ulo nun. Sigurado akong pupunta yun dito kahit hindi ko pa payagan. Tapos magrarason na bakit ikaw lang ba kaibigan ko dito. Si Mark din ah.. sabihin nya lang ng ganun. Yun Bamby. Kaya kahit anong gawin ko, Wala akong magawa sa kanya.." Yun pala. Bakla nga talaga sya. Ang daming arte.
Nabunutan ako ng tinik sa nalaman mula dito.
"He's stubborn. Just like you.." ngisi ko sa kanya. Sumilay ang isang dimple sa kaliwa nyang pisngi. Ang asset na lalong nagpapatingkad sa kanyang kagwapuhan.
"Halika ka nga dito.." tumayo ako't nilapitan sya. Kinuha nya agad ang braso ko saka hinila. Hinilig ang aking ulo sa kanyang dibdib. Saka nya dahan dahang hinimas ang magulo kong buhok.
"Bamby, kapatid kita. Ayokong nasasaktan ka. Masyado ka pang bata para maranasan ang masaktan ng dahil sa pagmamahal. Crush is the term. Love is different. Don't confuse the two. Kaya lang naman ako galit sa kanya dahil baka saktan ka lang nya sa huli. Yun ang ayaw kong mangyari sa inyong dalawa. Kaibigan ko sya. Matagal na. Ayokong masayang yun ng basta basta nalang. Mas lalo namang kapatid kita. Hindi ko kayang saktan ka. Mahirap mamagitan sainyong dalawa Bamby. Kaya hanggat maaari. Wag muna ngayon. Kung kayo man balang araw. Gagawa ang tadhana para magtagpo kayong muli. Kaya sana wag ka ng magalit sakin..."
"Hindi naman ako galit sa'yo. Nagtatampo lang. Hindi ko kasi maintindihan prinsipyo mo eh.." tingala ko dito. Nakangiti na rin sya.
"Kasi nga hindi ko sinasabi.." putol nya sakin na may sasabihin pa sana ako..
Tumango ako. "I know. Kaya nga hanggang tampo lang ang meron ako sa'yo dahil alam kong may dahilan ka."
"So we're good now?.." anya. Inlayo nya ako sa kanya.
Tumayo ako sa kanyang harapan. "We are always good kuya.." halakhak ko.
Tumayo rin sya at ginulo ang buhok ko. "You stubborn girl. You're not a kid now. You are now fourteen. And I want you to act like one okay?.. Be a better lady.."
"Thank you kuya." yakap ko sa kanya. I miss hugging him. Hindi lang naman ako matigas ulo eh.. Sya rin.
"Happy birthday not so little Bamblebie. hahaha..Mamaya na yung gift ko. Baba na muna tayo baka malate na tayo sa school neto.." sabay kaming tumawa at bumaba. Kumain kasama sina Mama.
Hindi man ito ang pinakamagarbong birthday ko. Ito naman ang pinakamasayang araw ko. Simula kasi noong nalaman nyang may gusto ako sa kaibigan nya, nagtayo na ito ng pader sa pagitan namin. Hanggang sa tumaas na ng tumaas ng hindi namin namamalayan. Kaya napakasaya ko dahil yung pader na yun, nagiba na ngayon. Bumalik na sa dati ang pakikitungo nya. The old Kuya Lance is sweet. Kagaya kanina.