Tumakbo ako papasok ng bahay nung hindi ko na matanaw ang kotseng sinasakyan nila. Kinuha ang gift at umakyat patungong kwarto. Ano kayang laman nito?. Umupo ako sa aking kama habang pinupunit ang papel na nagiging harang para makita ko kung anong laman sa likod nito. Hindi pa nangalahati ay may hula na ako kung ano. Sa size palang ng box na rectangular square. Alam ko na. Isang cellphone ang regalo nya. Damn!. Mukhang mamahalin pa dahil sa brand nito. iPhone dude!.
Bakit kaya mamahalin pa binigay nya?. Okay lang naman kahit Android phone . Gumastos pa sya. Nilagay ko ang battery at binuhay Ito. Habang hinihintay ang pagbukas nito. Hinanap ko yung sinasabi nyang letter. Nasa loob pala ng box. Stationary pa ginamit. Nilapag ko ang cellphone at binasa.
"Dear Bamby, siguro sa oras na ito nasa airport na kami. haha.."
"Gago. Ang sabi nya, bukas pa ng hapon ang alis nila. Bakit naiba dito?.." di ko maiwasang murahin ang kanyang sulat kamay. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
"Nagtataka ka siguro noh?.. hahahaha.. Yeah I lied. Sorry bout that. Ayaw lang kitang makitang malungkot kapag andyan ako sa tabi mo. Gusto ko yung ngiti mo. Yun ang nagbibigay ng lakas sakin para umalis. Not I mean, iwan ka, Kung may choice nga lang ako, hindi ako sasama sa kanya eh. As if may magagawa naman ako kung tatanggi ako kay kuya eh sya yung nagpapaaral sakin. Kaya sinabihan ko sya na sabihing bukas pa ang alis natin dahil baka malungkot ka. Umiyak ka. Ayokong makitang umiiyak ka eh. Parang ako ang nasasakatan sa bawat patak ng iyong luha. Kaya don't cry, okay?. kilala pa naman kita. Baka umiiyak ka na ngayon. Tumulo pa sipon mo...hahaha peace.. love you."
"Gago ka talaga Ace.." sambit ko sa kaabnormalan ng sulat nya.
"Eto pa. Diba tinanong mo ako one time kung may babae ba akong gusto?. Kasi ang sabi mo wala kang narinig na nagustuhan ko diba?. Tinukso mo pa nga akong bakla noon grabe ka talaga sakin. So judgemental. hahaha.. Kung alam mo lang Bamby. Kaya mo ata natanong ito dahil nacurious ka. Hahaha.. But then, anong sinagot ko sa'yo?.. " tanong nya sakin gamit ang sulat. Na sinagot ko naman. Parang nasa harap ko lang sya. Nakikita ang hindi kumukupas nyang ngiti. "Malalaman mo kapag binigyan ko sya ng cell---!.Oh my God!...." natakpan ko agad ang aking bibig dahil sa nalaman. Di ko mapigilang umiyak.
Damn you Ace!. Bakit?. Bakit ako pa?..
"Alam mo na ang sagot dun diba. hehehe.. Oo, Bamby. Gusto kita. Matagal na. Pero dahil magbestfriend tayo. Ayokong layuan mo ako dahil lang sa nararamdaman ko para sa'yo. Kaya itinago ko sya para hindi ka mawala sa akin. Kaya kahit masakit. Kahit masakit ang makitang kang masaya sa iba. Hinayaan na kita dahil alam kong mas sasaya ka sa kanya kaysa sa akin."
Hell shit!. Is this farewell letter Ace?. Ang oa mo ha!..
"Ace naman eh.." punas ko sa luhang ayaw paawat sa pag-agos. Kaya ba, hindi ka nagpakita sa canteen at sa math park dahil nasasaktan na kita?. Oh Damn!. Bakit hindi mo sinabi kanina?. Bakit Ace?..
"Stop asking. I know you.. Hindi ako nagpakita sa'yo sa school dahil baka magbago lang ang isip kong umalis. Yun ang pinakaayaw kong mangyari. Alam ko sa sarili ko na hindi kita kayang iwan. Kaya nga ako umuwi mula Australia eh. Para makasama ka. Para makita ka. Para sa ngiti mong kayganda. Na parang dyamante kung kuminang. Pero sadyang ayaw nga talaga ng tadhana sating dalawa. Dahil pilit tayong nilalayo sa isa't isa.. Ganunpaman, masaya ako dahil hanggang ngayon magbestfriend pa rin tayo. Sinabi ko lang na gusto kita para malaman mo. Ayokong mag-assume dahil alam ko naman na may iba nang nagmamaya-ari ng iyong puso. Wala na akong laban kahit makipaglaban pa ako. Dahil sa kanya palang talo na ako. Kaya hiling ko, sa pag-amin kong ito. Kahit kaibigan lang Bamby, kuntento na ako. Ikaw lang, sapat na.. hanggang dito nalang. mukhang mahaba haba na eh. ang dami mo ng tissue na nagamit.. Wala pa naman ako dyan para punasan yang luha mo. hahaha.. Take good care yourself okay?. Love you bestfriend.. Can I still be?. Call me if you say yes.. Your bestfriend. Ace Agatep. Double A for short. Bye.."
Nanginig ang kamay kong kinapa ang cellphone saka hinanap ang numero nya dito. Nafeel kong sinave nya sa cellphone ang kanyang number eh. Sya pa.
Isang ring lang, sinagot na nya. "Hahaha.. thank you.." halakhak nya ang bumungad sakin. Habang tumatawa sya, ako naman ang lumuluha para sa kanya.
"Ace..." tanging pangalan nya lang ang nasambit ko. Sa dami ng nasa isip ko, Yun lang ang kaya kong sabihin.
"Thank you Bamby. Ito lang ang hinihintay ko.."
"Bakit Ace?. Pwede bang wag mo ng uulitin yun?.." tinawanan nya na naman ako. Sarap nyang batuhin ng bato para pigilan sa kanyang pagtawa. Umiiyak na nga ako dito eh.
"Hindi na talaga mauulit yun. Bestfriend kita eh.."
"Ang sama mo talaga.." sabay punas ng luha saking mata.
"Hahaha.. I know. Mamimiss kita Bamby. Sana nagustuhan mo yung gift ko.. I have to go now. Paboard na kami. Bye Bamby..."
"Bye Ace.." paalam ko pero binabaan nya na ako ng telepeono.
Alam ko kahit tumatawa sya. Nasasaktan ko pa rin sya. Anong magagawa ko kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nya?. Wala akong kapangyarihan para diktahan ang puso ko sa kung sinong gugustuhin nya. Kung pwede ko lang pagsabayin ang magmahal ng dalawa. Siguro matagal ko ng ginawa. Pero hindi ko kayang gawin yun sa kanya. Di ko sya kayang saktan. Pero unfortunately, nasaktan ko na sya. Oo. Alam ko ang pakiramdam na hindi ka gusto ng taong gusto mo. Mahirap umasa. Mas lalong mahirap maghintay. Kung may mahika lang ako na pwedeng gamitin para mawala ang sakit na nararamdaman nya ngayon, hihilumin ko sya.
Mahirap kayang manakit ng damdamin ng ibang tao. Lalo na kung malapit pa sya sa'yo. Mahirap.