Padabog kong sinarado ang pintuan ng sasakyan nya matapos kong lumabas. Wala ng lingon lingon. Kulang na nga lang takbuhin ko ang parking hanggang room namin e. Kaso lang hindi ko magawa dahil maraming sumalubong sakin sa labas. Mga malaki ang ngiti. Kulang nalang makita mga gilagid ng ipin nila.
"Hi Bamby.. kuya mo?.." Isa sa mga kagrupo ni kuya sa basketball.
"Nasa parking lot pa." sabay high five ako sa kanya.
"Bamby, birthday pala ng kuya mo kahapon?.." tanong rin ng isa sa mga lalaki sa kumpulan. Pinaligiran na nila ako. Damn!. Ayoko ng ganito. Kuya!..
"Ah. oo eh.." Wala akong ibang maisip na isagot sa kanya kaya naglakad na ako paalis sa kanila pero hinabol pa rin nila ako.
"Eh, si Jaden?.." bigla ay tanong ng isa na naman sa kanila. Damn it!.. Sabi na eh. Lunes ngayon. Bakit ganito sumalubong sakin?.
Syempre natigilan ako. Si Jaden topic e.
"Bakit ano si Jaden?.." taas noo kong usisa sa kanila kahit nilulunod na ako ng kaba. Tumigil na kami sa gitna ng hallway papuntang room.
Nagsikuan silang lahat.. What the hell!.. what's up?..
"Kayo na ba?.." natatawang sambit ng lalaking nakatayo ang mga buhok. Maputi ito at matangkad sa kanilang lahat. Kaya agaw pansin.
I don't know where to find any words to say. I'm stunned. The beat of my heart is not normal now. It is racing in fast pace. Too loud and proud yet afraid.
"Nakita ko kasi kayo kahapon sa mall. Akbay ka ni Jaden. Akala ko kayo na.." sa kabila ng pagkatigil ng mundo ko. Nadinig ko ito sa lalaking chinito. May katangkaran at maputi rin. Mas lalong huminto ang ikot ng aking mundo. Hell shit!...
Dumagundong ng kaba at takot ang aking utak at puso. Pinagpawisan na rin ako kahit hindi pa gaanong mainit. Yung aking lalamunan. Biglang nanuyot. Tuloy, parang kayhirap magsalita.
Tinignan ko sila isa isa. Nag-aabang. Bakas sa kanilang mukha ang excitement sa aking isasagot.
"Ah----.." naputol ang akma kong sasabihin nang may sumapaw. Oh no!. Huwag si kuya Lance. Mas lalong mag-aalburoto ng galit Yun kapag narinig nya mga sinabi nila. Damn!. Now way!.
Hindi ko na matukoy kung kaninong boses yun kanina dahil sa pintig ng puso kong sobrang bilis. Ginawa akong bingi ng ilang minuto.
"Ano yan?.." mabilis akong pumikit at huminga ng malalim. Mabuti nalang at sya ang dumating dahil kung sakapling iba at si kuya pa. Patay talaga ako. Jaden my saviour.
Dinumog sya ng mga ito. Inakbayan. Tinulak saka ginulo gulo ang buhok. Anong ginagawa nila sa kanya?. Damn!. Gusto kong magsalita, suwayin sila pero wala akong lakas ng loob na agawin ang atensyon nya sa kanila. Hindi pa rin naaalis sa akin yung nangyari kahapon.
"Teka nga. Ano ba?..." sigaw nya. Umalingawngaw sa walang gaanong tao na daan ang kanyang boses.
Duon naman ako natinag. Nagising ang nahimatay kong sistema dahil sa biglang pasabog nila. Tumingin ako sa kanya. Napalunok nalang ako bigla ng narealize na nakatingin rin pala sya sakin.
"Anong meron dito?.." Anya ng di tinatanggal ang mata sakin habang nakangiti.
Muli. Ginulo nila ang kanyang buhok. Dahilan para mapayuko sya. What?..
"Ikaw?. Anong meron sa'yo ha?..." binatukan sya ni chinito at sinuntok pa nila ito ng bahagya. Mahina lang naman. Nagkakatuwaan ata sila..
Haist!..
"Bakit ba?.." lumayo sya sa kanila saka inayos ang damit. Maging ang maganda nyang buhok. Hell Bamby!. Umalis ka na nga dyan..
"Walanghiya ka!. May pagtanong tanong ka pa. Mukha namang alam mo na kung bakit kami nagtatanong.."
"Kaya nga eh. Sarap mong sapakin. Jaden. Wala lang si kuya eh. May paakbay na ha.. Damn you!.." asaran nila.
Aalis na nga lang ako. Ayaw kong marinig isasagot nya. Baka masakatan lang ako.
Nag-umpisa na akong lumayo sa kanila. Pero dinig ko pa rin hiyawan nila. Damn!. Yung pisngi ko, pwede nang paglutuan ng pritong ulam. Ang init.