Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 74 - Chapter 74: Hangover

Chapter 74 - Chapter 74: Hangover

Isang kanto pa ang nilagpasan namin bago narating ang bahay ni Jdaen. Naabutan pa naming nagdidiiig si Tita sa labas. Agad naman itong huminto ng makitang huminto rin ang sasakyan ni kuya. Matapos igilid, bumaba sya. Pero bago tuluyang puntahan si Tita Anne. Nagbilin pa ito. No. Hindi pala bilin. Banta!. "Dito ka lang. Wala nang bababa.." matalim syang tumingin sakin kaya tinanguan ko nalang.

Tinted ang bintana ng sasakyan kaya hindi kami kita sa labas.

"Dito pala ang bahay nya.." Wala sa sariling sambit ni Joyce. Nilingon ko sya. Nakatingala na sa dalawang palapag na bahay.

"Nakapasok ka na ba sa loob?.." tanong nya naman ngayon na di ko sinagot. Wala. Tinamad ako bigla o sabihin na nating nawalan ng gana dahil sa sinabi ng loko kong kapatid.. Binalik ko sa labas ang tingin. Kinakausap na nya si tita Anne. Matapos magmano, tinuro nito ang sasakyang kinaroroonan namin. Mukhang sinasabing kasama nya kami. Sana. Papasukin kami. Gusto ko syang makita. Suskupo Bamby!.. Pumikit ako sa binubulong ng aking puso. Ampusa!.. Kinabahan tuloy ako bigla.

Patuloy silang nag-uusap habang pasulyap sulyap samin si tita. "Mama nya ba yun?.." turo ni Joyce sa kanya.

"Oo.." Hindi mawala ang titig ko sa kanila. Nananalangin. Na sana madinig nila ang hiling ko.

At hindi nga nagtagal. Naglalakad ng pabalik saming gawi si kuya. Na seryoso ang mukha.

Saka lang ako kumurap ng kumatok na ito sa bintana. Mismong inuupuan ko. Parang galit pa ito dahil padapog ito kung kumatok.

Hindi pa nangangalahati ang bukas ng bintana. Nagsalita na sya. "Pasok raw muna kayo.." masungit nyang sambit bago kami iniwan. Bastos talaga. Mali. Mali Bamby. Bitter sya. Kasi walang asenso ang lablyp nya. Susko!.. Magtigil ka Bamby!.. Baba ka na dyan. Baka magbago pa isip ng moody mong kapatid. Dinaig pa ako. Ampusa!..

Naunang bumaba si Joyce dahil tulala pa ako ng ilang sandali. "Bamby, tara na.." kundi nya pa ako dinungaw sa bintana. Lutang pa rin ako. Bwiset!..

Nauntog pa tuhod ko sa pintuan, kakamadaling bumaba. Naman!?..

"Hija!.." kinawayan agad ako ni tita. Niyakap ko naman ito agad ng nakalapit na kami.

"Hello tita.."

"Kamusta?.. Kung di ko pa sinabi sa Kuya mong pababain muna kayo, hindi ka bababa.." Hindi ko maintindihan kung tanong ba nya yun o hinde.

"Ah hehe.. mainit po kasi.." Wala na akong ibang rason kundi iyon lang. Di ko naman pwedeng sabihin na dahil pinagbawalan ako ni Kuya dahil sa anak nya. Suskupo. Hindi pwedeng ganun. Baka mahimatay ako sahiya dito. Tsaka, totoo naman. Summer kasi, kaya mainit.

"Kaya nga e. Pumasok na muna kayo sa loob. Dun na kayo maghintay. Hindi pa kasi gising si Jaden.."

Medyo umayos nga ang pakiramdam ko ng nasa loob na kami. Ang presko sa bahay nila. Wala namang aircon pero masarap sa pakiramdam ang hanging sumalubong sakin.

"Upo na muna kayo.. Nasa taas ata Kuya mo. Ginising sya.." sabay upo nya rin.

"Ah tita. Si Joyce pala. Kaibigan ko.." pakilala ko kay Joyce na nasa tabi ko. Tinitingala ang mataas na silong ng bahay.

"Hello po tita.." Mano ni Joyce sa kanya.

"Magkaklase kayo nila Jaden?.." bigla ay tanong nya.

"Hindi po tita. Nasa una syang section. Sunod po kami.." sagot ni Joyce.

"Ganun ba.. pasensya na kayo kung parang matatagalan kayo ha. Lasing kasi yun kagabi. Nilasing ng papa nya.. hahaha.." tumayo ito at parang pupunta ng kusina.

Kaya pala. Akala ko na kung ano e. Nagtatanong na ang isip ko kung bakit sya nalasing, o sinong dahilan kung bakit sya naglalasing. Yun pala. Ang Papa nya lang. Hay. What a relief!.. Sikretong huminga ako ng malalim na hininga para mapakawalan ang ibang iniisip.

"Dyan na muna kayo. Maghahanda lang ako ng meryenda.." paalam ni tita. Nahihiya naman akong tumango.

Naglibot ang mata ko sa mga larawang nakasabit sa dingding. Larawan nilang pamilya. May isang larawan na nagpangiti sakin. Ang bata nya dun. Nakasuot sya ng jersey tapos hawak ang bola sa kanang kamay na malaki ang ngiti. Shet!. I find him cute. Wala sa sariling napangisi na naman ako.

"Dali na pre.. Tsk. Ang bagal mo talaga. Para beer lang may hangover ka na.. hahaha.. Ang hina talaga.." dinig kong boses ni Kuya. Feeling!.. Sya rin naman.. Kantyaw ko saking isip. Parang pababa na sila ng hagdan. Sa sala, hindi mo agad kita kung sino ang darating dahil may kabinet na nakaharang sa pagitan ng babaan at ng sala.

"Tsk..bakit ba kasi ang aga mo?.." inaantok pang sambit ng Jaden ko. Oh dammit!.. What did you just say?.. Assuming again ha?.. Tsk.Tsk..

"Anong maaga?.. Alas nuwebe na pre. Tsaka boring pa sa bahay.."

"Bakit mo pa ako dinamay kung boring ka sa bahay nyo?.." reklamo nya. Napaayos naman ako ng upo. Shems!..

"Anong dinamay?.. Bahala ka nga dyan. Kung ayaw mong sumama. Aalis na kami."

"Sige. Alis na.." tumawa pa sya sa huli. Ngunit natigilan ng lumabas na sya papuntang sala. Naglaho ang ngisi nya sa labi. Damn!. Bakit?..

"Tita, mauna na po kami.." paalam ni Kuya kay tita.

"Ha?. Bakit ang bilis nyo?.. Magmeryenda muna kayo.. tsaka anak, bat di ka pa bihis?.."

"Sa uulitin nalang po tita. Di daw po kasi sasama si Jaden. Mukhang inaantok pa.."

"Di ka naman mabiro pare. Sandali lang. Magpapalit lang ako. Ma, pakibigyan sila ng meryenda. Salamat.." tumakbo na ito paakyat.

Sumunod din ang mata ko sa likod nya. Gusto ko syang habulin ng tingin pero hindi ko na nagawa dahil sa may nakaharang na. Hay!..

Nakangisi pang tinitigan ako. "What?." I mouthed pero binalewala nya lamang iyon na para bang walang narinig. Buset!

Related Books

Popular novel hashtag