-Enero 8, 2018
Matapos ang taong 2017 ako'y unti unti ng nakakarecover, ngayon handa na ako para hanapin at pag gantihan ang mga taong may kasalanan sa pagkamatay ng mahal kong ina.
Ngunit papaano naman? ang tanong ko sa aking sarili gayong ako'y normal na kabataan lamang, wala akong alam na paraan para ipag tanggol ko ang sarili ko,
siguro ito na ang takdang panahon para hanapin ko na ang aking Lolo na matagal ng ikinikwento at ibinibilin ng Tatay ko.
Saaking pag lalakbay Ako'y napadpad sa parteng Aklan sa lugar ng Buruangga, ang lugar kung saan naroon daw ang aking Lolo
aba teka, teka, teka ano naman kaya ang plano ng tatay ko? bakit kailangan ko pa na makita ang matanda ko ng Lolo?
ng maaalala ko bigla ang huling bilin saakin ni tatay na "sa oras na may mangyaring di maganda katagpuin mo si Lolo Beloy mo at sinisigurado kong malaki ang kanyang maitutulong kung nasa panganib ka man."
ito na nga siguro ang solusyon na matagal ko ng Hinahanap, mahal kong ina eto na, Maipag- hihiganti na kita sa mga taong pumatay sa iyo.
-Enero 11, 2018
Ako ay nakarating na sa sa Brgy. Salapungan kakaibang pakiramdam ang aking naranasan, sapagkat ng akin ng ipag tanong sa mga tao doon kung kilala nila si Beloy, lahat ng tao ay nag tatakbuhan at nagkukulong sa bahay.
aba! masamang tao yata ang Lolo ko ha?
mukhang maraming kaaway si Lolo kaya walang gustong pag usapan siya. ang nasabi ko na lang sa sarili ko habang napapangiti pa.
sa pag papatuloy ko sa aking pag hahanap may isang matanda akong nakausap na nakakatakot ang itsura at sa wakas natagpuan ko din ang magiging tulay para sa aking lolo sapagkat kilala daw niya ang aking Lolo Beloy na kilalang kilala nga sa lugar nila na aking napuntahan.