Enero 16, 2018
[kokoroo kooook! ,kokorooo kok! ]
isang panibagong araw na naman!
"Ben! Ben! nasaan ang Lolo mo wala siya dito sa higaan niya, " tanong ni Tatang.
"ay sigurado po ba kayo tatang? hindi ko alam kung saan siya nag punta eh tatang," sagot ko.
"aba'y ako pa ba ang pag hahanapin mo sa lolo mo? bakit dika pa lumabas at hanapin mo kung saan siya nag punta." sagot ni tatang
"alis na! alis na! hanapin mo na ang iyong lolo, habang pinapalo niya ako ng walis tambo papalabas ng kanyang bahay ."
"Lolo Beloy! Lolo Beloy! nasaan ka na? ang almusal natin sa bahay ni tatang ay nakahanda na at luto na!" sigaw ko habang hinahanap ko si lolo.
habang patuloy kong hinahanap ang aking Lolo, sa kalagitnaan ng bakanting lote may isang lumang bahay ang nakakuha ng aking atensyon, sapagkat iba ang aking naramdaman sa paglapit ko sa bahay na iyon.
Sa paglapit ko sa bahay na iyon nagulat ako saaking nakita, ang aking Lolo ay nasa konsentrasyon na tila nag oorasyon na may binabanggit na diko maintindihan, ng ako ay paalis na at palayo na sa bahay isangbtinig ang aking narinig at ang sinabi "Ben! saan ka pupunta! " sa sobrang takot ko ako'y napabalik ng nagmamadali sa nasabi kong bahay.
"Lo, kamusta naman po kayo?" aking tanong sakanya.
"wala kapa din kaseryosohan sa katawan" sagot ng aking Lolo
"bumalik ka saakin mamayang gabi sa pagitan ng alas onse kwarenta'y singko at alasdose ng madaling araw at dalhin mo ang aklat ng Pagmamanipula, ito ay matatagpuan mo sa aking bahay mula sa pintuan ko sa kwarto humakbang ka ng lima tungo Alas Tres ng orasan at sa ilalim bahagi ng Cabinet ay may makikita kang kahoy na nabubuksan at doon mo makikita ang aklat na aking ipinapahanap sa iyo, dalhin mo saakin iyon sa eksaktong oras na ibinilin ko." dagdag ni Lolo Beloy na hindi ko ikinatuwa.
"pwede naman ipasa na niya nung oras na yun, bakit kaya hahanapin ko pa yung libro na yun? paano kung yung mga mga Black Time Organization ay nandun? wala na tapos na ako, Hay naku bahala sige na pupunta na nga lang ako. "
dali dali akong tumakbo para ayusin ko na ang ipinapagawa ni Lolo, diko na tuloy nagawang makain yung almusal na hinanda ni tatang, ang sarap pa naman ng Itlog na pula at Longganisa na inihanda niya.
nang ako ay makarating na sa wasak na tahanan ni Lolo, ang bakas ng pag kawasak at pagkasira ay di parin maipaliwanag, ako ay nag mamadali sa bawat kilos ko sapagkat ako ay natatakot pa din sa mga Black Time Organization,
habang ako ay nag kakalkal sa tahanan ni Lolo isang malakas na tunog ang gumulat saakin!
[ Plaaaaaanggggg! ]
isang malakas ang umalingawngaw na nag pakaba lalo saakin, sa isip ko nandyan ang mga BTO (black time Org.) ngunit ng aking makita isang Pusa lang pala ang nakasagi sa isang kaldero kaya ito ay nahulog.
"whhhheew! kala ko may mga kalaban kailangan ko na mag madali ng maisaayos ko na ang sarili ko bago ako humarap kay Lolo." Ang sabi ko sa sarili ko.
Yun!, ang pintuan ng kwarto ni Lolo, mula sa pintuan limang hakbang patungo sa alas tres, at ito na ang aparador,
ughhhhhh! napakabigat naman itutulak ko nlg siguro para mabuksan kona ang kahoy sa ilalim at eto na, sa wakas! yeeeeheeyy! nabuksan ko na rin ang makapal na kahoy at isang lumang aklat ang tumambad saakin na kulay Puti, ito ay may pamagat na "Paraan ng Pagmamanipula sa Oras" at sa ilalim ng pamagat ako ay lubusang nagulat saaking nabasa sapagkat ng akin itong makita at kalkalin, aking nakita na ang Lolo ko ang sumulat sa bawat pahina ng aklat na nasabi.
matapos ko matagpuan ang aklat ay dali dali akong tumakbo pauwi sa bahay ni Tatang.