Chereads / The Time Manipulator / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

Enero 16, 2018, 10am

Nang ako ay makarating sa tahanan ni Tatang.

"Tatang may alam po ba kayo sa Aklat na ito na sinulat ni Lolo?," tanong ko

"Iho wala akong alam tunglol sa Aklat na yan, alam mo walang nakakaalam niisa kung tungkol saan yang aklat na iyan pero ang alam ko lang ay siguradong mahalaga yang aklat na iyan kaya hindi niya ipinagaasabi kahit kanino ang tungkol diyan, kaya kung ako sa iyo ihatid mo na sakanya yang aklat na yan pilyo ka! ihatid mo na yan dahil siguradong kailangan yan ni Lolo mo! alis na!"

pasigaw na sagot ni Tatang.

di pa siya tapos makapag salita ay kumaripas na ako ng takbo para ihatid kay lolo ang aklat na ibinilin niya ng bigla kong naalala na may eksaktong oras siyang gusto na makarating ako doon.

kaya sa aking interest sa aklat ni lolo, akin itong binasa at binulatlat.

"Alas dose dyes tungong Alas Tres Trenta Boltahe ng Kidlat, Alas dos dyes tungong alas kwatro kwarenta Lindol ng Kalupaan, Alastres dyes tungong alasais singkwenta'y nuebe Tsunami ng Dagat, alasais dyes tungong alasnuebe trenta Buhawi ng Hangin, Alas otso dyes tungong alas dyes kwarenta Bolang Asupre, Alas nuebe dyes tungong alasdose singkwenta'y nuebe Palad ni Bathala. "

biglang napakulot ang aking noo, "ano ang mga ito? wierd! ano meron sa mga Oras na ito at ano ang koneksyon nito sa mga kalamidad?"

...

"Aha naaalala ko na yung alasais dyes ang ginamit ni Lolo laban sa mga Black Time Organization nun ng may biglang lumabas na Buhawi mula Timog Silangan at nilipad lahat ng kalaban."

"Ito nga ay isang tunay na epektibong aklat." wika ko.

Sa aking pagbabasa sa aklat ni Lolo, ako ay inabutan na ng gabi kakabasa sa nilalaman ng aklat at bago dumating ang takdang oras na ibinilin ni lolo ako ay eksaktong nakarating sa kinaroroonan ni Lolo.

11:59 p. m

"Tumuloy ka na Ben! alam kong nariyan kana wag kaba mag aksaya pa ng panahon!," sigaw ni Lolo.

"Opo najan na Lolo," ang sagot ko habang kumakaripas ng takbo.

"Lolo eto na po ang iyong aklat na ipinakuha saakin, lubusan pong nakakamangha ang inyong isinulat Lolo," wika ko.

"sa aking palagay ben ito ay tapos mo ng mabasa tama ba ako? " tanong ni Lolo.

"Opo Lo, ipagpaumanhin niyo po kung binasa ko ito ng wala pa kayong pahintulot hindi ko na po uulitin," sagot ko.

"Iyan ay akin ng inasahan Ben, at iyan ang aking dahilan kaya mas maaga ko ipinahanap sa iyo ang aking aklat, ngayon lumapit ka dito saakin." sabi ni Lolo.

Ako ay lumapit sa kanyang harapan habang siya ay naka Indian Sit.

Umupo ka Ben at ipapaliwanag ko sa iyo ang hindi mo maintindihang mga bagay, wika ni Lolo.

at ako nga ay umupo sa harapan ni Lolo.

sa aking pag upo bigla niyang hinawakan ang aking ulo at siya ay nag wika ng wikang latin na hindi ko maintindihan, sabay umihip ang malakas na hangin sa loob ng bahay na nag bigay takot saakin.

"Tinatawagan ko ang bawat Numero sa Oras at Sumisimbolo na kalikasan, ang dapat maganap ay dapat maganap! Ang Piraso ng Tanso ay naipasa na sa Tagapagmana gabayan ang may dala at sumunod sa nag Mamanipula!"

"Ang ikaapat na henerasyon na kukumpleto sa walong simbolo ay nasa aking harapan na pakinggan mo kami at samahan Bathala!"

Hindi pa siya natatapos ay napunta na ang aking kaisipan sa ibang Mundo,

Ang Anim na dimension ng Orasan ay nagpakita lahat saakin, silang lahat ay nasa anyo ng iba't ibang uri ng mababangis na hayop.

"Ben! Aralin mong mapasunod sila ayon sa pagkagamit nila at kapag nakita nila na karapat dapat kana nilang sundin, sila ay matatawag mo kahit anong Oras, sa pamamagitan ng pag mamanipula ng Oras na nabasa mo sa aking aklat! Bilin ni Lolo.