Chereads / The Time Manipulator / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

-Enero 15, 2018, 2am

"Ano ang nangyare sa iyo Iho?" tanong saakin ni Lolo Beloy,

"Lolo ako po ay nanaginip ng di maganda, saaking panaginip ay muling nag pakita saakin si Tatay Jovan at saaming muling pagkikita ay ipinaalala niya saakin kung sino siya dati at kung ano siya bilang isang Albularyo, matapos iyon ay may ibinigay siyang bagay na kulay tanso na tila wari ito ay bahagi ng isang Agimat o Medalyon at sinabi niya saakin na ito ay aking Lunokin, at ng akin itong lunokin ako ay nabilaukan at halos mamatay na sa hirap habulin ang hininga, habang ako ay nahihirapan nakita ko ang aking Tatay na binaril din ng mga taong bumaril saaking Mahal na Ina."

"Lolo ako ay natatakot sa mga grupong Mamatay tao sapagkat paulit ulit nilang sinasabi na ako na ang isusunod nila, ako na ang isusunod nilang patayin. Tulungan mo ako Lolo Beloy! " , ang desperado kong pakiusap.

"Iho kumalma ka wag kang mag alala hanggat nandito ako hinding hindi ka nila Masasaktan, hindi kita pababayaan magalaw ng mga masasamang tao na iyon." sagot ni Lolo Beloy

sabay yakap saakin kaya ako ay medyo kumalma sa aking pagiging paranoid at takot.

"Iho ito na ang takdang panahon para maliwanagan kana sa lahat ng mga nagaganap." wika ni Lolo Beloy.

"bakot Lolo ano pa po ba ang dapat kong malaman na hindi na kwento saakin ni Nanay at Tatay?" ang tanong ko.

"Iho ang lahat ng pangyayari na nangyari sa iyong Tatay at Ina ay magkakadugtong simula pa noong unang panahon hanggang sa pag ikot ng Panahon ngayon," ang magulong sabi ni Tatay na di ko lubusang maunawaan.

"Iho ang Iyong Ama at Ina ay patuloy na pinapatay ng mga Masasamang taong iyon sa lahat ng panahon mula noon, sapagkat ang mga taong iyon ay nag mula na sa Hinaharap at nakita nilang ang iyong Ama at Ina ang tatapos sa matagal na nilang itinatag na Black Time Organization." dagdag ni Lolo.

Ang lahi natin ay patuloy na naging malaking tulong sa pag puksa sa mga black spell gaya ng Black Time Organization sa taon na ito ay nag tagumpay na silang patayin ang iyong mga magulang, hindi lang sila ang mamamatay sapagkat marami pang mahal mo sa buhay ang mamamatay sa paghahanap nila sa "Susi ng Bukas" dahil sila na Black Spell user ay may kakayahan lang bumalik sa nakaraan pero hindi sa kinabukasan,

kaya habang maaga pa Ben kailangan mo ng maintindihan ng malinaw na ikaw ang kailangan ng ating lahi para maayos at maligtas natin ang mga susunod pa na taon! ikaw ang huling baraha ng ating Puting Lahi dahil kung dimo ito maiiintindihan at dika pa kumilos unti unti ng mauubos ang oras pag naunahan ka mahanap ng Black Organization ang Susi ng Kinabukasan. .