Chereads / Until Our End Begin / Chapter 2 - Simula

Chapter 2 - Simula

Kuya

Tumakbo ako papaalis sa maramo na bahagi ng malawak na bakuran. Just a few seconds ago I was being chased by some unknown insects! One of them even bit me on my leg. Agad naman akong pumunta sa veranda at nakita ang isang kasambahay. I immediately ran to her.

"Ate! There's some bugs chasing me... bee yata iyon? I'm not sure." Paliwanag ko sa katulong. The maid hurriedly went to me and examined my leg. Agad rin itong nag prisinta na kukuha ng ointment.

Tumango naman ako at medyo pawisan dahil sa nangyari. My white dress now have some small traces of dirt in it. Iritado ko naman itong pinagpagan.

"Ah, Nauuhaw po ako. Can I have orange juice too?" tanong ko rin sa kasambahay. Tumango naman ito kaagad.

Masyado yata akong nawili sa pag labas kaya't kung ano-ano na lamang ang nangyayari sa akin. Nauuhaw na rin ako ngayon dahil sa mainit na panahon.

"Boring." Bulong ko sa hangin. I waited for the maid and my orange juice. At sa sobrang kainipan ay humiga na lamang sa malambot na upuan sa veranda. It has a modern design that one can typically see on some hotels.

Nabulabog naman ang katahimikan nang marinig ko ang iilang yapak ng paa. "Oh! Nari! Kanina pa kita hinahanap." Said Bright. I sat down in a haste and smiled at my best friend.

"San ka galing?" Kuryoso kong tanong at umisod ng kaunti upang magkaroon ng espasyo at makaupo siya sa tabi ko. She didn't hesitate and occupied it.

"In my room. I was trying to find mom and dad but they left, sabi lang ni manang." Ngiting-ngiting sabi ni Bright, na tila ba may nakakatuwa roon.

Tumaas naman ang isa kong kilay at ngumiti "Ah, I see. Bakit anong mayron?" pang-uusisa ko. She smiled and held my hands.

"Well... It means..."

"We can party!" Maligaya niyang sambit. I chuckled and rolled my eyes playfully. There she go again with her insane plans. I'm sure her parents won't mind, though. We are both granted by the freedom and by all means, we consume it freely.

"Sure! Sino ang mga pupunta?" I asked. She smiled and pulled out her phone to show me their group chat. Mukhang marami ang pupunta na mga kaibigan niya. Some from our university and other prestige schools.

"Also, Kuya is coming home," Naagaw naman nito ang atensyon ko. Her brother? I'm familiar with her brother pero maliliit pa kami nang huli ko itong nakita. And I heard he's always out of the country, studying or handling some of their business.

"Your brother?" tipid kong tanong.

"Mhm." She grinned. Agad naman akong nag iwas ng tingin tila hindi interesado.

"Why is he coming home?" I dumbly asked. Obviously it's their house! Pero syempre, why now of all times?

"Ah, yes! I forgot, He passed the ALE nga pala recently. I think he's planning to take Master Plumber examination soon." She trailed off. Tumango-tango naman ako at napaisip. He has a lot on his plate, huh?

"I heard he's a lawyer? Why ALE?" I pry more.

"Di ba nga, He also studied architecture abroad. That's why halos hindi na umuwi. But he studied law first. Passed the Bar exam. And then pursued architecture." Pag-explain naman ni Bright. Naliwanagan naman ako at bahagyang humanga sa kasipagan ng kanyang kapatid.

"Is he nice?" I asked. Halos maibuga naman ni Bright ang iniinom niyang juice dahil sa tanong ko. I extended my arms to give her some tissues.

"I can't guarantee that," Sambit naman niya nang makabawi sa pagkakasamid sa juice. Lalo naman akong naging kuryoso dahil doon.

"What? Bakit, kampon ba ng demonyo ang kuya mo?" I smirked. Tumawa naman ito at umiling.

"He's just not very social. He's nice, pero well. May pagkasuplado sa ibang tao. But I think you'll like him." She assured me. I pouted and shrugged. Wala rin naman akong pakialam.

"Okay." Tipid kong sagot at nag salin pa ng orange juice. Now I can see the sun setting and the sky mixing with yellow and sky blue hue. It was a nice view to look at while relaxing.

"If you were given a chance to live differently, what kind of family would you like to have, Narian?" natigil naman ang kalmado kong utak nang marinig ang random na tanong ni Bright. Natigil naman ako at napakunot ang noo bago sumagot.

"I don't know. I'm not good at picking stuffs. Pero hindi ko sigurado kung sa pangalawang pagkakataon ay gugustuhin ko pang mabuhay." I laughed off. Ngumisi naman si Bright bago ako pabirong inirapan.

"Oh! Let's talk about your type!" May halong pang aasar na sabi ni Bright. Kumunot naman ang noo ko at bumuga ng marahas na hangin bago sumimsim sa aking baso.

"But what for? I'm not interested."

Hindi naman makapaniwala si Bright sa sinabi ko at ngumiwi tila naasar sa akin. "Mhm, how about your past crushes? Diba may mga natipuhan ka dati?" tanong pa nito.

Umiling naman ako at tumawa. "I kinda realized they are disgusting." Matamlay kong sagot upang tigilan na niya ako.

"Who knows! We're holding a party, baka may matipuhan ka sa mga iimbitahan ko. You might finally get your dreamy love story!" Gatong pa niya.

I combed my hair with my fingers and shook my head. "Bright, my ideal type doesn't exist! They're too perfect. Besides, I'm too young for that." I joked.

Nangasim naman ang mukha ni Bright at natatawa akong tinapunan ng tingin. She's looking at me like I'm insane. "Too young? Nari, you're in your 20's. pinag sasabi mo diyan na young." She scoffed before chuckling.

Inihilig ko naman ang mukha sa malalambot na unan at huminga ng malalim. She's right. I'm getting older and I'm not really interested in men or women, or maybe I just haven't met my type yet.

"Come on! Ang KJ naman nito!" She whined. Umirap naman ako at pumayag nalang dahil talagang hindi niya ako tinitigilan. Ngumiti naman ito at lumapit sa akin, umupo siya sa malapit na upuan at kinalong ang isang unan.

"Okay first question," simula niya.

"Mas matanda sayo or mas bata?" Tanong niya.

Hindi naman ako agad nakasagot pero tumawa rin nang makapag desisyon."Mas matanda. It feels like I'm babysitting my brother kapag mas bata sa akin, eh." I confessed. Tumawa naman si Bright.

We continued our usual talks until evening at agad na kaming pumasok dahil may mga kung anong insekto nanaman na lumalapit sa akin. Nilagyan ko na rin ng ointment ang nakagatan kanina ng insekto.

Nagpaalam naman si Bright na pupunta na muna sa kanyang kwarto,

She's not very adventurous. But maybe a little wild. She's a party girl. Pero nitong mga nakaraang araw ay sa kanila muna ako tumira as request of her father. She's been grounded from going outside unless it's for school purposes.

At ang dahilan ay para sa kaniyang siguridad. Their family also runs a business, and her brother is a lawyer that held many cases, which can be a possible threat to her. Muntik na rin itong maaksidente dahil sa sariling katangahan kaya't lalo pa itong na grounded lalo na't nag iisang anak na babae.

Nadaanan ko naman ang mga kasambahay na busy sa pag aayos ng mga gamit sa labas ng mansyon. Probably preparing the area for the party.

Bright's parents doesn't seem to mind, though. Pinayagan siyang mag liwaliw pero dapat ay sa loob lang ng kanilang property.

I walked a bit and decided to walk around their front yard, may mga ilaw naman rito kaya't hindi ko na kailangan mabahala kung may mga lamok or insekto.

Lumagapak naman ako sa patio nang matisod ng isang bato, I didn't see it coming!

Iritado akong umupo at ininda ang sakit. Mukhang tama nga ang sabi nila na lampa nga yata ako! Pinagpagan ko naman ang bestida ko at agad na tumayo. Ang makinis kong mga hita ay nalagyan ng kaunting lupa at mukhang may maliit pa nga na sugat. Napapikit naman ako sa disappointment.

Disappointment sa kalampahan ko!

Agad ko namang tinungo ang kwarto ni Bright na tinutuluyan ko rin. We've been friends for years and she didn't really mind sharing with me.

I took a deep breath as I looked in the mirror. I'm wearing a stunning white gown that falls gracefully to my feet. The fabric is soft to the touch and I felt a sense of elegance wash over. I tucked in a few strands of hair behind my ear and smiled as I looked at my reflection. I went downstairs to check Bright at nakita ang maganda niyang postura, she's greeting some of her guest. Ang iba ay may mga sinama pang hindi imbitado pero mukhang ayos lang naman ito kay Bright.

I went downstairs and greeted some of the guest. Ang iba ay kaedaran ko lang din, ang iba naman ay mas matanda pa sa amin.

"Nice to meet you?" One of them leaned forward, nag hihintay sa pangalan ko. "Narian." Nginitian ko pa ang nag tanong. Kulot ito at halatang may kaya rin sa buhay dahil sa paraan ng pakikipag usap. Tinanggap ko naman ang naka-steady sa ere niyang kamay at nakipag shake hands.

"Nice to meet you, Narian." Ngumisi ito lalo at pinamulahan ng pisngi. Tinapik tapik naman siya sa likod ng ilang lalaki na malamang ay tropa niya. I quickly excused myself dahil nagiging awkward na ang interactions ko sa ibang tao. Agad akong lumabas at tinungo ang mga bartenders na nag aasikaso ng inumin para sa mga guest.

I asked for a shot of vodka and went to another table. Namataan ko naman ang papalapit na si Bright sa table ko. Siniko niya ako bago ngumiti.

"Hey! Are you enjoying?" untag niya.

Tumango naman ako bago inumin ang vodka. I gulped when I saw bunch of her friends coming. Mukhang pupuntahan kami.

"Bright! Who is she? Pakilala mo naman kami!" Sigaw ng isa niyang babaeng kaibigan. Humiyaw naman ang ibang lalaki na kasama nito. I forced a smile.

"Guys! This is my childhood best friend. Narian,"

Hindi ko naman alam ang gagawin kaya't nginitian nalang ang mga bumati sa akin. Some of them are from our university, pero hindi parin ako pamilyar sa kanila dahil hindi naman ako pala-socialize outside the class.

"Oh! What year are you na? and course?" Another friend of Bright butted in, asking me. Ngumiti naman ako at sumimsim sa inumin ko.

"Oh! I'm a fourth year, BSBA student." Tipid kong sambit at ngumisi ng kaunti. Tumango naman ang mga nakarinig.

"Graduating soon, huh?" I nodded and smiled at them.

"You guys also own a business?" Another girl politely asked, tumango naman ako dito.

May itatanong pa nga sana ang isa ngunit natigilan na yata dahil sa pag dating ng isang sasakyan, Napatingin naman kaming lahat sa gawing iyon.

I excused myself at agad na hinanap si Bright. Namataan ko naman siya sa loob ng mansyon habang may inuutos sa ibang kasambahay, mukha siyang lito at nag pa-panic.

"Shit! Sabi niya ay bukas pa ang dating niya!" Problemado nitong sambit at napakamot sa ulo. Kumunot naman ang noo ko dahil dito.

"What's wrong?"

"Narian! Si kuya! Nakita mo?" kunot-noo niyang tanong at hinawakan ang palapulsuhan ko bago ako iginaya sa hagdanan at dinala sa second floor, mula naman sa balkonahe ay nakita ko ang kotse na kaninang agaw atensyon. Mukhang hindi parin bumababa ang sakay nito.

"I thought he's not coming home pa! Akala ko ay bukas pa! Argh!" she whined, now sounding very frustrated. "But, akala ko ay walang problema kila tito and tita?" I asked.

She sighed and shook her head. "Mom and Dad allows me to hold parties, pero, si Kuya! He's very strict when it comes to these! Can't forget the fact na siya ang dahilan bakit hindi na ako makapag party outside! He caught me making out with a guy at agad akong pinadampot sa mga bodyguards ko. I didn't know he was at that bar too! Sadyang nagkataon lang!" She hysterically explained. Natawa naman ako dahil dito.

"Oh, well, it's probably a sore in the eyes kaya ka pinadampot, Bright." I laughed off. Umirap naman siya at natawa ngunit namroblema din ulit dahil mukhang pababa na ang kuya niya.

At ilang sandali pa nga ay tumunog ang kotse bago ko makita ang papalabas dito. The door was slammed and I saw a tall figure making its way to the mansion, My eyes was drilling on him too much that I think he felt it!

Nag taas siya ng tingin at agad na nag salubong ang mga mata namin. Napa-atras naman ako ng dahil dito. "Fuck!" I cursed bago umatras pa at hinanap agad si Bright habang pababa sa hagdan, And to my luck I saw her brother at the tall double doors of the mansion, on a white button-down shirt, and dark gray trousers. The combination of colors and patterns provides a classic yet stylish look that is perfect for a formal occasion.

Sinalubong naman ni Bright ang kanyang kuya at mukhang kabado ito. "Kuya! I missed you!" Tili nitong bati sa kapatid at niyakap ito. Yumakap din naman rito ang kapatid pabalik. Napalunok naman ako nang masdan ang mukha ng kapatid ni Bright.

He's tall and lean, with a frame and obvious muscles in the right places. His height makes him dominate a room, and those rough features, it makes him look so much more rugged, more masculine, and even a bit dangerous. And his face. That face looks like it was chiseled out of stone. Those handsome features, the sharp cheekbones and the strong jawline. He looks more like a god and it got me stoned while standing on the staircase.

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makitang lumipad ang atensyon niya sa hagdanan—sa akin! Agad akong napatikhim at nag patuloy sa pag baba sa hagdan, lumingon naman sa akin si Bright at ngumiti.

"Kuya! Remember Narian? I think you met her na back then." Si Bright. Hindi naman sumagot ang kapatid at nag taas ng kilay, ngayon ay mas klaro na silang dalawa dahil lumakad ako papalapit. Tuliro kung ano ba dapat ang reaksyon o sasabihin.

I cleared my throat and held my hand out so we can shake hands. Tumingin naman ito sa akin, now even in my heels, I feel small, although my height isn't that bad, at 5'7, I still feel very small.

Nanliit ako nang tapunan niya ako ng tingin at tumango lamang. Hindi niya pinansin ang pakikipag kamay ko. Napalunok naman ako at agad namula dahil ron. Bright cleared her throat beside me.

"Nice to meet you." wala sa sarili kong sambit kahit mamamatay na sa kaba at hiya. Narinig ko naman ang malalim niyang hinga. "I remember." He coldly replied. Binawi ko naman ang kamay ko na mukhang tuluyan na niyang inignora. Hindi ko alam ang pangalan niya!

"H-hmm, oo nga pala! Pagod ka for sure sa byahe? Pinahanda ko na ang kwarto mo, kuya." Singit ni Bright. Nag pasalamat naman ako sa isipan ko dahil dito bago tuluyang mag paalam, not looking back, nag paalam ako na pupunta sa bathroom, although I'm going to my room! Fuck!

I ran to Bright's room and immediately locked the door bago sinapo ang aking mukha sa sobrang kahihiyan at pamumula. I can feel my ears becoming hot from the embarrassment!

Nakakahiya!