Chereads / Until Our End Begin / Chapter 3 - Kabanata 1

Chapter 3 - Kabanata 1

Stick

Ilang araw na nang dumating ang kuya ni Bright. That night, tila himala naman daw at hindi manlang nagreklamo ang kuya niya dahil sa party, pag-kwento ni Bright sa akin.

Napasinghap naman ako nang maalala ang unang interaksyon namin ng kapatid niya. It was embarrassing. To the point na naiirita na rin ako sa pagkatao niya. Bright was right. Napakasuplado ng kaniyang kapatid.

I found out about his name last Saturday, I accidentally asked Bright out of impulse.

Riel.

Riel Leander Paralejo.

It does not sound bad for a name, it sounds great! But he is just so fucking rude! Tila isa siya sa mga nag combat-training bago sumalang sa gyera kung maka-asta!

Every time I pass by near him, His face was always blank, stoic, neutral, or glaring at something! It seems like those types of emotions and expressions are his only options.

It's such a waste of potential! And I'll admit, he looks good. Pero walang kwenta! Lagi lang siyang mukhang galit sa mundo!

'I remember.'

'I remember' my ass! Tangina siya.

He looks good but that's not an excuse to treat me rudely and coldly.

Talagang maldito nga siguro ang isang iyon.

I can't remember him back then, though. I probably saw him back then but he's just too unnoticeable.

Lagi din akong naiinis. It's not because I want him to notice me, but because I was just trying to be on good terms with him, especially now that I am temporarily staying with them.

Nakaupo kami ni Bright ngayon sa may Canteen. Hawak ko ngayon ang cellphone ko habang minamataan ang ibang students na nag papaganda sa kanya kanyang mga lamesa. They're pretty.

Naingayan nga lang ako nang biglang tumili ang iba sa kanila habang pinag uusapan ang kung ano.

Tiningnan ko si Bright na nakatingin sa counter ng Canteen.

"Bright, Nasan na ba?" I impatiently asked.

Dapat kasi ay kakain nalang kami sa random fast food chains or restaurants but Tita Elena insisted for a change na mas maganda raw na magbaon na lamang kami at ihahatid na lamang sa lunch time para mas healthy ang choices sa pagkain,

Marahas na bumuga ng hangin si Bright.

"I dont know. Baka malapit na si Manong. God, I'm starving." Reklamo niya.

"Ako din..." napabuntong hininga ako at humalumbaba na lamang sa lamesa.

Tiningnan ko ang aking kamay at mga kuko, Hindi naman kahabaan ang aking mga kuko. Not because I feel like having long and colored nails are girlish and ugly, but because I can't move properly with the long nails. So, it stay bare.

Nag tilian nanaman ang mga naghaharutan na students malapit sa table namin. Basing on their uniforms, mukhang tourism ang mga ito.

Nakita ko namang suminghap si Bright at umirap sa hangin. Bukod tangi kasi ang ingay ng mga students na iyon kumpara sa ibang kumakain.

"Ang iingay." Bulong saakin ni Bright at umirap nanaman sa hangin. Tinawanan ko naman sya.

"Dont mind them."

"Check mo kaya ang phone mo, Bright." Dagdag ko.

"Ah! right." Ani Bright.

Bahagya naman nagising ang aking diwa at tiningnan si Bright nang biglang mag ring ang phone niya, halos mapatayo ako sa gulat dahil na rin siguro sa gutom.

Sinagot agad ni Bright ang phone niya at bahagyang nag salubong ang kilay.

"Huh!? Uh, Nasa canteen kami, kuya."

Taranta naman akong napatingin kay Bright. Ilang sandali pa ay pinatay niya ang cellphone at kunot noo na bumaling sa akin.

"Kuya mo? Bakit daw?" I asked, she shrugged. "Ewan, Tinatanong kung nasaan tayo, Siya yata ang mag hahatid ng pagkain." Nanlamig naman ako. Shit!

Hindi pa ako handa na makita siya after our last awkward interaction!

Bahagya kong sinapo ang noo ko at napainom ng tubig. What if punta muna ako ng restroom?

Bumalik naman ako sa ulirat nang sobrang tumahimik ang canteen, Pinasadahan ko ng tingin ang mga tourism students na napakaingay kanina at nag taka kung bakit tumahimik ang mga ito. Nakita ko namang naka-focus ang mga ito sa entrance ng canteen, ganoon rin ang ibang students sa ibang table. Nakiki-osyoso pa nga ang iba at ambang lalapit.

And from our seat, I saw the familiar tall frame at the door, accompanied by a woman wearing a uniform, ah, probably one of the professor sa unibersidad.

At talagang nagkaroon pa siya ng tour guide, huh.

Ngiting-ngiti naman sa kaniya ang professor samantalang siya ay panay lang ang tango at walang bahid ng ngiti ang pagmu-mukha.

Mukhang papasok na siya.

Napairap naman ako.

At sa slow-motion na paraan ay lumapit si Riel sa aming table. Tinapunan ko naman siya ng kaunting tingin, He looks dashing even in his plain black shirt! And it's really irritating me! Why does he look jaw-dropping even with something simple!

Minasdan ko namang ilapag ni Riel sa mesa ang aming baon. Umupo nadin sya sa tabi ni Bright.

"Hi Kuya! Hindi ako informed, ikaw pala ang maghahatid? Where's manong?" Salubong na bati ni Bright sa kapatid.

Inignora naman ni Riel ang tanong ni Bright.

"Kumain na kayo." Malamig naman na sagot nito. Umirap naman si Bright at kinuha ang mga pagkain.

I can hear some random squeals beside our table, mukhang nagpapa-pansin pa nga ang iba at panay ang sulyap sa table namin.

Riel is now sitting with us, eyeing me and Bright.

Nahuli ko naman ang sulyap ni Riel, Sinalubong ko rin ang tingin niya, hindi manlang ako kumurap at mariin na tumitig rin sa kaniya.

Akala niya ba ay mai-intimidate niya ako? No way.

Nakipag-patigasan ako at tinitigan lamang siya pabalik, stopping whatever the hell I was supposed to do.

Napa-yes! Naman ako sa isipan dahil sa pag iwas nya ng tingin. Napaiwas din ako ng tingin at natauhan sa nangyari, Pero atleast alam niyang hindi niya ako makukuha sa tingin lang.

Habang binubuksan ko ang aking pagkain, naghari ang katahimikan sa aming mesa.

Natawa naman si Bright habang tinitingnan ang mukha ko. Tila alam ang iniisip ko ngayon.

I chuckled a little.

Hindi ipinahalata ni Bright ang pag-irap niya sa kaniyang kuya na ngayon ay nakatitig sa pagkain ko.

What's his problem? Nagugutom ba siya?

Tiningnan ko ang aking pagkain at agad din ibinalik ang tingin sakanya bago sumubo pa ng gulay at kanin.

Uminom naman ako ng juice pero halos masamid nang marinig ang sinabi niya.

"You eat so little, that's probably why you look like a stick," Walang hiyang mungkahi nito.

Agad naman akong pinamulahan at nairita, salubong ang kilay dahil sa sinabi niya.

Stick!

Me? Stick?

All my life, I've been complimented a lot, lalo na dahil sa hugis hourglass kong kurba kahit hindi nag g-gym, and this guy is shamelessly body shaming me right now?!

Napairap ako kaagad at sa unang pagkakataon ay sinamaan siya ng tingin.

How dare he? Napakabait kong tao sakanya dahil gusto ko siyang makasundo, at maging kaibigan manlang, pero iinsultuhin lang niya ako? Aba!

Narinig ko naman ang pagkakasamid ni Bright at ang pasikreto nitong tawa. Sinamaan ko din siya ng tingin.

"Stop being mean, Kuya! Narian looks like a model kaya. What do you mean stick?!" Bawi ni Bright.

"I'm just stating what I see." Sagot nito at ipinatong ang dalawa nitong siko sa lamesa at nag iwas ng tingin.

"For your information, I'm not that thin, this is my normal weight and shape." Matapang kong asik.

Tinitigan ko sya at agad din naman itong lumingon at tinitigan ako.

Ilang sandali pa ay gumuhit ang kurba sa dulo ng kaniyang mga labi at tumawa ito ng mapang-asar na tawa at bahagyang umiling.

Nag init lalo ang aking pisngi at sumibol ang panibagong dahilan para mairita sakanya.

Bago pa ako makabawi at sabihin sakanya na naiinis ako, may biglang tumunog sa bulsa nya.

Hinugot naman nito ang telepono at pumunta muna sa may counter ng canteen para bumili at saka sinagot ang tawag.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain.

Maya-maya pa ay lumapit na si Riel sa lamesa namin bago hinalikan sa noo si Bright. "I have to go, may gagawin pa sa office." Habilin niya at sumulyap sa akin bago umalis.

Umirap naman ako. sa isipan nga lang.

I should start calling him Lucifer, because he's extremely alluring and beautiful, but evil!

Inalok naman ako ng orange juice ni Bright. Kinuha ko nalang ito at isinalin sa aking lalagyan. Rinig ko rin ang mga impit na tili at bulong-bulungan sa kabilang mesa dahil sa pag alis ng asungot na kapatid ni Bright.

Pagkatapos ng aking klase ay dumiretso na muna ako sa lobby at umupo habang hinihintay si Bright. Unexpectedly, my phone rang. Binuksan ko naman ito at nakita ang caller ID.

It's Dad.

Sinagot ko ito agad at hindi mapigilan na kabahan.

"Hello, Dad,"

Tumikhim naman ito sa kabilang linya, "Hello, How are you?" Tanong nito.

"I'm fine. Nasa school po ako."

"Good. Umuwi ka sa bahay soon, We need to talk to you." Natigilan naman ako rito at tumango kahit wala naman siya sa harap ko.

"Yes, Dad. But, why?" I asked,

"Just follow my instructions, Narian." Nahimigan ko naman ang pagkairita at galit sa tinig niya.

"Okay po. I'll drop the call." Sagot ko naman at agad na pinatay ang tawag. I have no idea kung ano naman ngayon ang mangyayari.

My father may have spoiled me a lot with his money, some call me a 'princess' because I've been spoiled with gifts ever since I was a child, without knowing why.

Ang inaakala nilang napakabait na ama ay walang kasing strikto pag dating sa akin, sometimes a little mistake can have me grounded back then when I was still living with them as a minor, mabuti at hindi na niya ako kinukulong sa pamamahay namin ngayon.

Wala namang tao roon kung hindi ang mga kasambahay.

I mentally sighed and decided to go on with my day, not knowing if I'll survive another day because of the stress!