Chereads / Until Our End Begin / Chapter 6 - Kabanata 4

Chapter 6 - Kabanata 4

Rest

Sumunod nalang kami ni Bright sa pag lalakad ni Riel. Bahagya akong na pa-patigil dahil sa pag iba-iba ng direksyon namin, Lungangi na si Bright at mukhang wala sa sarili habang nag lalakad sa parking lot. Ako naman ay inaantok.

Mukhang naparami ang nainom ko kanina.

Bakas parin sa sistema ko ang kaba dahil sa biglaang pagkahuli sa amin. Besides, why would I feel guilty? Pinayagan naman kami! At isa pa, we are grown adults. Talagang minalas lang at nahuli ng asungot na iyon!

Pagkadating sa sasakyan ni Riel, binuksan niya ang pintuan at matalim akong tiningnan. Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan. I got a little conscious but quickly recovered. Nakita ko naman na nakalabas na ng kaunti ang balat malapit sa dibdib ko. hindi naman natatanggal ang straps pero malapit na.

Iritado kong binalingan si Riel na masama ang tingin sa akin. Fuck this! Bakit ba lagi nalang akong nahuhubaran kapag nag kikita kami?

Tumikhim ako at inayos ito at inalalayan si Bright na makaupo.

Nang makarating na sa tamang upuan ay agad itong sumandal sa upuan at pumikit bago nag reklamo.

At nang makaakyat na ako sa sasakyan ay isinarado ko na ang pinto. Sinulyapan ko naman si Riel na may minamanipula sa kaniyang cellphone bago tumingin sa side mirrors.

Tumingin din siya sa salamin ng sasakyan na nakakabit sa gitna. Saktong nakatingin rin ako don kaya't napairap ako habang nakatingin siya.

Huminga siya ng malalim. At nang papaandarin na niya ang sasakyan ay bigla namang tumunog ang kaniyang telepono. Kinuha niya ito at sinagot. Ngumuso naman ako at tumingin sa labas ng sasakyan.

"Hello, Fatima." Bungad ni Riel sa kabilang linya. Suminghap naman ako nang mahina. Napakadami naman yata niyang babae. Kawawa naman ang girlfriend niya kung ganoon.

"Please ready my suite, Thanks." Sambit pa ni Riel at tuluyan na nga na ibinaba ang tawag.

Suite? for what? Or maybe, the question is for who?

Tahimik lang ang buong biyahe. Nakatulog na nga ako sa sobrang tahimik, When I woke up, I was greeted by an unfamiliar place. I tried to stretch my arms and steady my gaze.

Nakita kong bumukas ang pinto at pumasok si Riel galing sa labas. Pinaandar niya rin agad ang sasakyan at pumasok sa parking area. Hindi ko alam kung saang lugar ito pero gusto ko na ulit matulog. Pumikit ako ngunit maya-maya ay nabulabog dahil sa pag bukas ng pinto sa gilid ko.

Muntik pa akong malaglag dahil doon!

"Ano ba!" Reklamo ko. Si Riel ang nag bukas ng pinto at walang pakialam kung mahulog ako o kung ano man. Iritado ko siyang tiningnan at bumaba na nga ng sasakyan. Tinapik na niya ang kapatid ngunit hindi padin ito nagigising at patuloy lamang sa pag tulog.

Mukhang walang choice si Riel kaya binuhat na nito si Bright. Inalalayan ko naman ang pinto upang mailabas niya si Bright. Tiningnan ko ang suot niyang long sleeves na puti na nakatupi hanggang siko niya. Hapit ito sa kanyang katawan. I can even see his biceps flexing every time he moves.

Ibinaling ko na sa iba ang aking mata nang mapansing napapatagal na ang pag titig ko sakanya.

Pag pasok naman sa loob ay nakita ko ang lalaking tutulong sana sa pag dadala ng gamit namin, pero wala naman kaming gamit. I gracefully nodded and smiled at him.

Hindi ko nga lang alam kung bakit siya namula pag katapos noon. Tumikhim naman si Riel at minasdan ako. Dumiretso na lamang ako at hindi siya pinansin.

Malapit na kami sa elevator nang may tumawag kay Riel.

"Attorney! Okay na po ang suite." Narinig kong sabi ng isang babae na boses. Ginawaran ko ng isang mapang-uyam na sulyap si Riel at tsaka nag iwas ng tingin. Lumapit naman sa akin ang secretary ni Riel na si Fatima.

She have a very big boobs.

Ngumiti siya saakin, I didn't realize that my face was giving away too much of my feelings! Hindi ko siya magawang mangitian pabalik dahil sa pagkairita kay Riel.

Hindi ko nalang siya sinulyapan pabalik at lumakad na papasok ng elevator habang kapit-kapit ang clutch bag na maliit. Bakit ba lagi nalang akong naiipit sa mga ganitong eksena, E, wala naman akong pakialam.

Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko. Malamang ay epekto ng alak.

Tiningnan ko naman si Bright na tulog na tulog. Nasagi ko naman ang pader ng elevator at agad itong sinamaan ng tingin.

Napatingin tuloy ako kay Riel at nakitang mariin din ang kanyang titig. May bahid ng kuryusidad sa kaniyang mga mata. Pero mukhang iritado nanaman siya.

Ano bang kinakagalit nito? Pinaglihi yata ang isang ito sa sama ng loob.

Nang bumukas ang elevator agad kaming pumasok dito.

Tumambad naman ang isang malaking suite. I couldn't comprehend kung gaano kaganda ang disenyo nito. Mukha itong vintage and modern at the same time.

"Where's my room?" I muttered.

Tumigil sa pag lalakad si Riel at liningon ako.

"Dito ang kwarto mo." Tinuro niya ang isang kwarto.

"Hiwalay pa kami ni Bright? Why?" Tanong ko.

He scoffed. "Really? You're asking me why?" He said with an unbanished irritation on his voice.

"I'm just saying. Pwede naman kami sa iisang kwarto." Subok ko pa.

"No."

Palihim si Riel na umirap at kinagat ang labi niya. Tila asar na asar na sa akin. Umiling naman siya at hindi ako pinag bigyan sa gusto ko bago inilapag si Bright sa sofa at nag tangka na gisingin ito.

"Go on, you should take a rest." Malamig niyang sambit at tinalikuran na ako. Pumasok naman ako sa kwarto na itinuro niya sa akin at binato na lamang ang clutch bag kung saan.

Lumagpak naman ako sa malambot na kama at walang ibang inisip. Ilang sandali pa ay tuluyan na nga akong tinangay ng katahimikan at nakatulog.

Tito wasn't mad at us. It seems like Riel didn't snitch on us or anything, too. Hindi manlang nabanggit ni Tito o Tita ang kahit ano tungkol sa pag-stay namin sa suite ni Riel, at talaga nga naman! Mukhang nabagok yata ang ulo ng isang iyon kung saan at biglang naging mabait.

And Bright, speaking of the devil, she was laughing hysterically while we were discussing about the incident at the bar, tila gusto pa nga yatang ulitin ng bruha! Tinawag ko ang isang maid at nag request na dalhan kami ng merienda sa veranda. Si Bright naman ay nakahiga sa kabilang sofa at may yakap na unan.

"And then?! What was kuya's reaction?" She pry, sounding very interested kung ano pang mga nangyari dahil wala na daw siya masyadong maalala. Nag iwas naman ako ng tingin at kinuha ang kadarating lang na juice.

"W-well, He caught us. End of the story." Tinikman ko ang juice at hindi siya tiningnan.

"Really? I can slightly recall something, parang nag sasagutan pa nga kayo ni Kuya," usisa niya. I scoffed and shrugged like I don't know what she's talking about.

"Lasing ka na that time, baka imagination or panaginip mo na iyan," I denied her recalled memories.

"Maybe." She murmured.

May dumapo naman na katanungan sa isip ko.

"Bright, may girlfriend ba ang kuya mo?"

Tinapunan niya naman ako ng isang malagkit at kuryosong tingin. Mga mata ay naniningkit at ngisi ay may kahulugan.

Agad ko siyang inunahan bago pa siya makapag salita. "I'm just curious. Huwag kang ano diyan." Sabi ko at pabiro siyang inirapan.

She chuckled and continued to smirk while her lips are pursed. Nag taas naman ako ng kilay at hinintay ang sagot niya.

"I heard he had a girlfriend. I'm not that sure kung sila parin, though."

Tumango naman ako at umaktong wala nang pakialam. Kumuha pa ako ng juice at uminom pa. Tangina, mukhang mag i-ihi pa yata ako nito.

"Why? Are you interested on my brother?" Malakas niyang tanong, halos batuhin ko naman siya ng unan para lang manahimik. Sinamaan ko siya ng tingin at umiling.

"No! Ew!" I exclaimed, a bit embarrassed.

"Uy! Maybe, that's why you never really liked any of my friends, kapatid ko naman pala ang gusto mo-" Binato ko naman sakaniya ang unan para lang manahimik siya. Mapang-asar lang niya akong tinawanan atsaka siya ngumisi.

"Bright! Argh! It's not funny. Hindi sa ganoon." I tried to convince her but she's busy smirking and probably is collecting the puzzle piece by piece in her head. Tila may binubuo siyang teorya sa kaniyang isipan kung makangisi siya sa akin!

Tumayo naman ako at iniwan si Bright na halatang natutuwa sa nangyayari. "Nari! Wait! I was joking! Ito naman..." She called me but I didn't listen and walked on their backyard, ang veranda ay nasa left part ng mansyon kaya naman kailangan ko pang pumasok sa loob para lang maka-alis doon.

Namataan ko naman sa bakuran ang ibang tauhan na nag gagamas ng mga damo, pati na rin ang mga nag wawalis. May nakita pa nga akong lalaki na nag aayos ng halaman, ang Hibiscus at Bougainvillea ay nilalagay nito sa mas maayos na pwesto. Natulala naman ako ng bahagya.

I watched from the door as the man worked in the yard, trimming the hibiscus and bougainvillea plants that lined the fence. The evening sun cast a warm light on his bare shoulder, and his sweat trickled down his body, creating a shimmering effect.

He bent down to remove a branch from one of the bougainvilleas, his back muscles straining with the effort.

Now, I'm feeling a surge of emotion welling up inside. I wonder how it feels like to run my hands along the lines of his back, to feel his skin...

"Gotcha!"

Napahawak naman ako sa dibdib ko nang marinig ang sigaw galing sa likuran ko.

"Fuck!" sigaw ko.

"Oh! Sabi ko na nga ba," Ngumisi sa tabi ko si Bright. I let out a deep sigh and held my chest tightly. Muntik pa yata akong atakihin sa puso!

Tumingin naman sa akin si Bright at ngumisi, ngumuso pa siya sa lalaking nasa bakuran tila itinuturo iyon. "Si kuya, oh," Hindi ko naman siya pinansin at pabirong kinurot ang kaniyang tagiliran.

"Ouch! Ah! Joke lang!" She giggled and tried to escape my grasp. Binitawan ko naman siya nang halos mahimatay na ito kakatawa.

"Oh! Wag kang lalapit!" Banta niya at tumawa, halos maupo na rin siya sa sahig. Ngumisi naman ako.

"Sige! Sisigaw ako!" Makahulugan niyang banta at tumingin sa pinto. Nilingon ko naman ang bakuran at nakita ang pawisan na katawan ni Riel, And my soul left me for a moment when my eyes met his. He was eyeing me like a hawk. Ang mga suplado nitong mata ay mariin na nakatitig sa akin. He even raised an eyebrow, or am I imagining things?

Agad akong napa-atras at tumakbo.

"Nari!" Bright shouted. Hindi ko naman siya pinansin at tumakbo lang.

My senses are telling me to run!