Chereads / Until Our End Begin / Chapter 5 - Kabanata 3

Chapter 5 - Kabanata 3

Pasaway

Lumapit at dumungaw pa ako lalo sa bintana bago tuluyang bumaba sa hagdan.

Pinuntahan ko ang veranda kung saan matatanaw ang sasakyan. I quickly walked there and acted like I don't give a damn.

Sakto namang bumukas ang pinto ng sasakyan, Nag adjust pa ako sa pagkakaupo upang matanaw ito ng mas maigi. Now, I got a better view.

"Kuya, Please bring that for me." Wika ng isang babae sa isang accent na hindi ko maintindihan. Tumitig naman ako sa maputi niyang kutis. At nang makita ko na ang kanyang mukha ay parang pamilyar ito. Model? Or maybe influencer? Artista? I don't know. Wow, this is such a waste of time. Wala din naman akong mapapala dito!

Suminghap ako at inilibot ang paningin.

At dahil sa sobrang kuryoso ay dinala ako ng mga paa ko sa pinasukan nung babae. At hindi nga ako nag kakamali. Dumiretso siya sa office ng kapatid ni Bright. Sa opisina ni Riel. Mukhang mala-late yata ang pag punta ko sa sasakyan. Kailangan kong makita kung anong mayroon!

"Hello, Attorney Paralejo.." Bati nung babae bago tuluyang pumasok sa silid. Ngiting-ngiti ito at tila sobrang saya.

Dahil dito mas lalo ko pang idinikit ang aking tenga sa pader na naghihiwalay sa opisina niya at sa labas ng silid na iyon.

Pero ang mas ikinainit ng ulo ko ay ang pag sara ng pinto, Is she not aware na hindi naman iyon sinasara!? What kind of private conversation will they hold? Prayer meeting?

Nag click pa ang knob ng pinto dahilan kung bakit mas lalong kumunot ang noo ko. Talagang may gagawin sila! I'm sure of it!

A woman kneeling in front of him flashed through my mind, I'm not a fool para hindi ma-gets ang mga ganyan. Especially that office thing... that's literally so common these days. I think sa dami ng scandal sa mundo ay hindi na iyan bago! Pero nakakainit ng dugo na dito pa nila gagawin!

Wala ba silang kahihiyan?

Nagising ang diwa ko ng may marinig akong kung ano. Akala ko ay bubukas ang pinto pero hindi, lumapit pa ako sa may pinto para mas marinig ang kung ano man na pinag uusapan nila. Natauhan naman ako nang mapag-tanto na para akong tanga ngayon. I'm wearing heels and currently sitting like a darn frog!

Tangina, Narian!

Hindi nga niya inu-acknowledge ang presensya mo, Umaasa ka pang may pakialam siya kung makita mo ang ganitong gawain niya?

I rolled my eyes again.

Hindi ko ito palalampasin!

Kinuha ko ang isang paso na maliit. May mga laman itong maliliit na bulaklak.

I felt bad a little, kawawa ang inosenteng bulaklak, pero mas nanaig ang kagustuhan kong mang-gulo sa kung ano man ang kabastusan na ginagawa nila sa loob!

Agad ko itong nilagay sa taas ng maliit na table, It's beside Riel's office. Sa may pinto. Napangisi naman ako at bahagyang natawa kung sakaling mabulabog sila.

And in a swift motion sinipa ko ang tapat ng lamesa, So they'd think someone accidentally walked on it. Nasagi lang! Accident. Or maybe, pusa.

Nag lakad ako ng tahimik ngunit mabilis, Ngumiti naman ako habang naglalakad. Satisfied with my little evil plan.

Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan. Nakita ko si Bright na naniningkit ang mga mata at tinataasan ako ng kilay. Ngumiti lamang ako.

"Where have you been?!" She nagged. Pati si manong ay napatingin saamin, Siguro'y nag tataka kung ano ang pinag aawayan namin.

"Umihi lang ako. Sasabog na ang pantog ko kanina." I lied and shrugged.

"Eh?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ang tagal!" Bright interrogated.

"Hindi naman." Inosente kong sambit at lumingon sa bintana.

"I think may bisita ang kuya mo," wala sa sarili kong dagdag. Tumango naman si Bright tila nailigaw ko sa topic.

"Yeah, probably desperate client. Or, pinapunta yan ni kuya." Kumunot naman ang noo ko pero agad din itong itinago. Why would I feel bothered, right?!

"Okay. manong, tara na po." Sambit ko at agad namang tumango si manong at pinaandar na ang sasakyan. I stared outside for a while.

Nang dumating na kami sa mall ay saktong tanghali, we told manong na kakain muna kami, at kumain nga kami, pero after that Bright said na mas mainam na patayin muna namin ang mga phone namin.

"I'm so excited..." bright whispered to me.

Nakangiti siya ngayon tila excited na talaga na makagawa ng panibagong kasalanan. Humalakhak naman ako.

"We might get in trouble, Bright." Pabulong kong sabi at ngumiwi.

Umiling lang siya saakin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako sa mata.

What the heck is she doing? Nakatingin ang ibang dumadaan saamin.

They might be thinking we are lesbians, and PDA couple. God!

"Just have fun! Wala ka na ba talagang kasaya-saya sa katawan mo?" she cackled at pinisil ang ilong ko. Agad ko namang hinawi ang kamay niya at umiling na lamang.

I saw her booking a taxi on some transportation app, sinenyasan niya ako na sumunod at nag lakad kami palabas ng mall.

At nang makarating sa labas ay malapit lang pala ang inarkila niyang taxi. Kumaway si Bright dito, tumabi naman ang taxi at pinapasok kami.

"Hello, Ma'am. Sakay na po." Maligayang bati sa amin ng Driver. Tumango na lamang ako at ngumiti.

"Sa Lunar po tayo?" He asked. I turned my head to see Bright nodding. She turned to me with a smirk on her face. Umirap naman ako at agad na ngumiti.

The devil going to her den, huh.

Kinulbit ko siya. "You sure about this? Lagot tayo," I murmured and chuckled at the same time.

"Trust me." She grinned cockily and smirked.

"Alright." Bulong ko sa hangin at ngumiti.

Nang makarating kami sa building ng isang sikat na bar, I saw a lot of luxury cars outside, ang iba ay kakadating palang. Now I wonder if Riel ever wander here? Oh yeah, with his girlfriends, maybe.

Napairap naman ako sa sarili ko. Kahit ang isipan ko yata ay may sira na dahil lagi nalang si Riel ang sumusulpot at ume-epal.

"Thank you, Manong!" Bright then said her thanks to the driver at binayaran ito. Pagkalabas naman namin ay agad ko siyang hinila upang pigilan.

"I'm home." She giggled and turned to me. Humalakhak lamang ako at ngumiti.

I'm currently wearing a black and fitted dress, with a high slit under, kita rin ng bahagya ang dibdib ko, but still it looks classy. Pumasok naman kami sa bar at agad na narinig ang kalabog ng musika at hiyawan ng mga tao. Even Bright cheered a little. Hindi ko na tuloy mapigilan ang pag ngiti.

Umupo kami sa isang sofa, pero nilapitan lang kami ng ibang staff.

"Ma'am, sorry pero hindi po kayo pwede diyan." Sambit ng isa, tatlo sila ngayon. Tumingin naman ako kay Bright, nag taas ako ng kilay.

Suminghap naman si Bright at may inabot na card sa lalaki. Nanlaki ang mata noong lalaki at agad ibinalik ang card.

"Oh, Sorry! Enjoy!" Sawing sambit nung clerk. Ngumiti na lamang ako.

She smirked at me. Um-order naman siya sa mga waiter ng ilang inumin, some of them are light, ang iba naman ay heavy liquors.

May narinig naman akong ingay sa kabilang table.

I eyed some of them, napansin ko ang panay na pag-titig ng isa kay Bright, ang iba naman ay sadyang nag papapansin lang sa amin at sumisipol.

"Bright," I clicked my head to the side, sa gawi ng mga lalaki. Senyas na tumingin siya sa likod ko na itinuturo ko.

"Woah, Bunch of assholes." Bright laughed at hindi naman pinahalata ang pinag uusapan namin. She smiled and gulped another shot of whiskey.

I took another shot and groaned as I tasted the bitterness of the alcohol. "Let's dance!" Bright said. Tumango ako at tumayo na.

Hindi lang naman sila ang nakatingin sa amin ni Bright, some of the men near the dance floor are eyeing us too, mga mata ay malagkit at tila hinuhubaran kami. I scoffed and didn't mind them.

"Just dance." Sigaw ni Bright habang sumasayaw her voice fading because of the music, she smiled while showing me some of the sexy moves she have.

Tumawa na lamang ako at sinabayan siya. A minute later the crowd went crazy dahil sa tugtog. I laughed and went along with the crowd's vibe.

Lalo na nang inindayog ko ang aking katawan sa musika, the popular sound I've always heard sa public. And I'm enjoying it very much.

Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko, my dance was slow and fluid, I don't know if it looks malaswa or not, but I continued. Disregarding everything around me, nag patinaod ako sa pag-ikot at galaw ng aking sistema.

Maybe, Bright was right! I need some fun.

Habang walang tigil sa pag sayaw, hindi ko na maaninag ng maayos kung saan na naroroon si Bright. At masyado narin mausok kaya't isa pa ito sa dumagdag sa init na nararamdaman ko, Maybe, the alcohol earlier is already working its way.

Habang nag sasayaw ako may isang marahas na kamay akong naramdaman sa bewang ko. naramdaman ko ang mainit nitong palad.

Lumingon ako at nag tama ang mata namin ng kung sino.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at agad na liningon ang kaninang lalaki, nag tama ang aming mga mata at nakita kong hindi siya masaya. Lagi naman siyang galit, pero pakiramdam ko ay mas galit siya ngayon!

Napatitig naman ako sa palagi niyang magkasalubong na kilay. I tried to scoot over a little and run but he caught me again!

Ginapangan ako ng kaba dahil dito. How did he find us?

Gusto kong tumakbo pero baka mahuli lang din niya ako! He caught us! At malamang i-susumbong niya kami! We are so dead!

Sweat slightly trickled on my forehead, inayos ko na lamang ang dress ko na bahagyang tumataas dahil sa pagkakahawak niya sa akin. Ngunit halos manghina ako nang maramdaman ang palad niya na pinipirmi ako.

Hinilig niya ang ulo niya sa tabi ng tenga ko at bahagyang yumuko upang maabot ako, I can feel his brooding presence behind me, napalunok naman ako dahil dito.

"Pasaway." He whispered angrily.

I felt a weird circling motion in my stomach when I heard his low-baritone voice. It sounds like an insult, but I was too weak to react.

Imbis na matakot, Nag tapang-tapangan ako at hindi siya pinansin, pero nag patuloy lamang siya, pinipirmi ang bewang ko upang hindi makaalis at makapag sayaw.

"Ano ba?!" marahan kong sabi ngunit may banta sa tono.

Mukha naman siyang mas naging iritado dahil doon. Mas nag salubong ang kanyang kilay. Agad niyang kinuha ang palapulsuhan ko at hinila ako paalis sa dance floor.

Nagulat ako dahil dinala niya ako sa kinauupuan namin kanina, marahas na pinaupo at nakatayo lang sa harap ko. Am I drunk? Or is this really happening?

Kinuha niya ang kaniyang phone sa bulsa at may pinindot dito. Pag katapos naman ay inilagay ito sa tenga niya. Nakita ko din ang kanina pa niyang pinapasadahan ng tingin. Ang mga lalaki sa kabilang mesa kanina!

"Hello, Manong. Huwag na kayong mag alala. Nahanap ko na po sila." Sabi ni Riel at mapang-husga akong sinulyapan bago umiling.

Halatang iritado parin siya dahil sa pag igting ng kanyang panga. Napalunok naman ako at nauhaw. Tiningnan ko ang nasa lamesa at nakita ang iniinom namin kanina. Kumuha ako ng isang bote at hindi na kumuha ng baso. Direkta ko na itong nilagok.

"That's enough!" Agad naman na dinakma ni Riel ang iniinom ko, natapunan tuloy ako ng kaunti. Iritado ko siyang sinulyapan.

He sighed. Hindi siya umibo, tinititigan lamang ako. I probably look like a mess right now. Hindi ko naman magawang salubungin ang tingin niya dahil sa kaunting kahihiyan,

Nakatungo lang ako at biglang naalala si Bright! Where is she?

Tumayo ako. "Hahanapin ko lang si Bright," Wala sa sarili kong sambit. Hindi naman ako nito hinayaang makalagpas at marahan akong pinaupo kahit na mukha na siyang natutupok na apoy at iritadong-iritado.

"Stay there." Banta niya. Inirapan ko naman siya, he even stared at me like he couldn't believe I did that.

Yes, Riel. I will roll my eyes for you. kahit isang-daan beses pa!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita.

"Oh, shut up! Why don't you go back home and continue what you were doing in the first place? Pati narin ang pagiging busy mo sa mga babae?" I spat.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin saakin. You think hindi ko alam ang kababalaghan na ginagawa mo? Ngumisi naman ako at inirapan siya.

"What are you talking about?" Sambit nito nakakunot ang noo at umiigting ang panga. Mukha siyang litong-lito at galit sa sinabi ko.

"Oo, Riel! You think I don't know?!" I sneered. He squinted and tried to hold my hands nang makita niyang kukuhanin ko ang panibagong bote. Kinuha niya ulit ito at kulang nalang ay ibalibag sa kabilang table ang iba pang bote. Iritado ko naman siyang sinulyapan at winaksi ang kanyang kamay.

"Ano ang ginawa ko?" Tanong niya at pilit akong pinapaupo sa malambot na upuan. Tinulak ko naman siya ulit. At bago pa ako makapag salita ay may bigla na sumulpot sa likod niya.

"Damn, that was fun-" Napatigil si Bright sa kanyang mga sasabihin nang makita ang kanina pa iritado na kapatid.

Umirap naman sa amin si Riel.

Tinulak ko ulit siya at bahagyang binangga ang kaniyang balikat. Agad ko namang kinuha ang bag ko pati narin ang kay Bright. Hinagilap ko ang kamay niya at hinila siya papalabas.

"What the heck, lasing na ba ako? Nakita ko ba si kuya?" Wala sa sariling sambit ni Bright habang patuloy sa pag lalakad. I chuckled but got irritated when I saw Riel beside us.