Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Euphoria: The Beginning

🇵🇭Eiryoni
--
chs / week
--
NOT RATINGS
18.6k
Views
Synopsis
Karen needed to find a man that she can trust. Nagbabaka-sakali siyang mahanap ang lalaking ipapakasal sa kaniya sapagkat hindi pa niya nakikilala ang binata ngunit nagkataong nagkatagpo ang kapalaran niya sa isang lalaking naging malapit sa kaniyang puso. Si Axcel na isang lalaking mailap sa mga tao. Siya yung taong napakaraming sikreto na iilan lamang ang nakakaalam. Isang gabing pagkikita, isang pagbabago ang naganap. Napamura si Karen nang makita ang lalaki. Hindi maaari! Bakit sa lahat ng tao, si Axcel pa? Iniiwasan niya ito dahil kilalang-kilala niya ang lalaki ngunit hindi naman siya si Ren na kaibigan ni Axcel. Makikilala kaya siya nito kahit hindi na siya si Ren? Hindi inaasahan ni Axcel na mangyayari ito sa kaniyang buhay. She is his woman. His air that he breath. Ngunit isang araw, para itong bula na nawala. He was lost without her light. Nagkaroon siya ng isang sakit na di niya alam kung ano ang gamot. "Who are you?" "I am your euphoria."
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata I

Napakagat-labi si Karen habang nag-iisip kung sinong lalaki ang ipapakasal sa kaniya na magaganap sa susunod na dalawang buwan. Iniisip niyang kailangan niyang makagawa ng paraan para makilala ang lalaking magiging asawa niya. Misking isang pangalan ay walang binabanggit ang kaniyang magulang kaya nahihirapan siya sa panghuhula kung sino ito. Naniniwala siya na kung sino ang kaniyang papakasalan ay dapat na mahal niya. She need to find a man that she can trust. A man that can give her freedom in every decision she makes. Marami pa siyang mga pangarap na gustong makamit kaya uunahan na niya ang kaniyang magulang.

Hahanapin niya kung sino ito at kung hindi niya mahulaan ay doon na siya sa pangalawa niyang plano.She will find someone who's suitable for being her husband.

Tinawagan niya ang isang numero na hinahanap niya. Ilang tunog lamang ay maririnig na sumagot ito.

"Hello."

"Napatawag ka ata."

"Opinion. The BarS. Fifteen minutes. Sa bar." Pagkasabi niya nito ay agad niyang binaba ang telepono. Nagtungo si Karen sa The BarS at umupo sa isang bakanteng upuan na malapit sa bartender. Nagtingin-tingin muna siya sa buong lugar bago lumingon sa bartender.

"Himala. Narito ka," kumento nito sa kaniya. Nginitian niya ang lalaki saka umorder. Inilapag nito ang isang baso ng alak sa kaniyang harap.

"Matagal rin tayong hindi nagkita, Ren. Bakit ka nga pala napadalaw?"

Ren. Ang isang pangalan ni Karen bilang lalaki. Nakapangdamit lalaki siya ngayon at walang nakakaalam na babae siya maliban sa kaniyang pinagkakatiwalaan na kaibigan. Ito ay isang lihim sa nakakararami na kaniyang ginagamit upang maitago ang kaniyang pagkatao. Matagal na niya itong ginagawa bagkus nakakakilala siya ng iba't ibang tao bilang Ren at bilang Karen. Isa na rito ang bartender na kausap niya.

"May kakakitaan lang ako."

"At sino naman 'yan?" Napangisi ito saka pinindot ang ilong niya. Agad na tinakpan ni Ren ang kaniyang ilong. Mahilig ang lalaking ito na pindutin ang kaniyang ilong sa tuwing nagkikita sila. Alam kasi nito ang totoong niyang pagkatao dahil ito ay isa sa mga best friend ni Ren.

"Sino pa ba? Edi yung best friend ko," sagot niya. Nandilim ang mga mata ng lalaki dahil sa sinabi niya. Alam nitong hindi siya ang tinutukoy ni Ren.

Natawa lang si Ren sa inasal nito kaya agad niyang binawi ang sinabi. "Ok. Ok. Easy ka lang. Kilala mo na 'yon at best friend din kita."

Hindi siya nito pinansin kundi ang iba nitong costumer. Ininom ni Ren ang laman ng kaniyang baso saka lumingon sa lalaking kadarating lamang. Malayo pa lang ay alam na ni Ren kung sino ang nakatingin sa kaniya walang iba kundi si Zander. Lumapit ito at umupo sa kaniyang tabi.

"Yow!" bati nito. Tumango si Ren saka tumingin kay Zander. Oorder sana ang lalaki nang nilapag agad ni Luke ang isang baso.

"Thanks. So, bakit mo ako pinatawag?" Tiningnan ni Zander ang kaibigan saka lumingon kay Luke. Inilabas ni Ren ang dalawang sobre at inilapag sa mesa. Kinuha ng dalawa ito at binasa ang nasa loob.

"Hmm. Kailan ito?" tanong ni Zander.

"Sa Monday." Uminom muna si Ren bago maglakas-loob na sabihin ang problema. "Hindi ko siya kilala."

"At?" tanong muli ni Zander.

"At kailangan ko ng tulong ninyo."

"Bakit mayroon pa bang iba bukod sa invitation mo na ito?" tanong ni Zander.

"Mayroon."

"Ikakasal ka na," kumento ni Luke. Natahimik si Ren sa sinabi ng lalaki. Tama nga naman ito. Bukod sa nalalapit niyang kaarawan, sa susunod na dalawang buwan gaganapin ang kasal niya. Nakapagtataka pa na sa kaniyang debut invitation ay hindi nakalagay ang pangalan ng kaniyang makakapartner sa 18 roses. Ang hinala niya isa sa mga lalaki nito ang kaniyang mapapangasawa.

"Then that's good," sabi ni Zander.

"No," sabay tingin ng masama sa binata. "Marami pa akong gagawin at kailangan ko pa siyang mahanap."

"My point is you can find him with the help of your husband. Malay mo mas mapapadali ang paghahap sa kaniya," ani Zander.

Tiningnan niya ng mabuti ang lalaki. Tama ito sa sinasabi ngunit gusto niyang siya ang makahanap sa lalaki, isa sa pangarap na gusto niyang makamit.

"Hindi mo naman matatakasan itong kasalang ito because you know from the start that this event will happen. Alam mo rin na hahantong ka sa pangyayaring ito kaya dapat wag na masyadong magreklamo. Dapat alam mo na yung gagawin mo," payo ni Luke.

Napahawak lang si Ren sa kaniyang ulo. She need to think carefully. Nakukuha niya ang punto ng kaniyang mga kaibigan ngunit mayroon silang usapan ng kaniyang magulang. May usapan silang pagtungtong niya sa disi otso ay hahayaan siya nito at susuportahan. Akala niya ay biro lang ang sinasabi nitong kasal pero totoo pala ito. Biglaan ang lahat ng pangyayari. Paano siya makakalaya nito kung ikakasal agad siya?

Napabuntong-hininga siya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata ng ilang minuto at huminga ng malalim. Ilang saglit pa ay unti-unti niyang minulat ang mga mata. She decided what move she needed to do. Ang kailangan lang niyang gawin ay ang makilala ang lalaki. Napatingin siya sa kaniyang kaibigan saka nagsalita. "Mawawala na si Ren. Ito ay isa sa mga huling araw na makikita niyo siya dahil hindi tiyak na makikita niyo pa siya."

Sumang-ayon ang kaibigan niya dahil alam nila na mangyayari iyon.

"Ikaw pa rin ang best friend namin. Kahit na mawawala si Ren," sabi ni Zander.

"You guys know that these existence was just a temporary. Kilala ko kayo bilang kayo ngunit hindi na ako magiging Ren. Ako na uli yung tao na hindi kayo kilala. Hindi ko na kayo matatawagan at walang contact sa inyo dahil hindi naman dapat narito ako."

"Pero kung wala ka ng choice, hanapin mo lang kami." Hinawakan ni Luke si Ren aa balikat. "Alam mong narito kami. Kahit hindi mo kami kausapin, papanoorin ka namin kahit nasaan ka. And besides, we have Yesha in our side. She will help you. Just say a word to her and she will understand. Ipaparamdam naman namin na narito kami sa tabi mo."

Hindi ni Ren mapaliwanag ang nadarama sa sinabi ni Luke. Minsan lang ito magsalita ng ganitong mga salita kaya nagpapasalamat siya. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o matutuwa dahil sa pagkakasabi nito. "Thank you."

"Welcome," sabay na salita ng dalawa.

"Libre ka ba sa Linggo?" tanong bigla ni Luke.

"Yup. Why?"

"Well, we would like to celebrate your birthday in advace. Wala namang kasiguraduhan kung maiinvite kami."

"And because, you are Ren, many people will miss you. Sabihin nating mawawala ka. You know that the girls love you," dagdag ni Zander. Natawa si Ren sa sinabi ng lalaki. Kahit kailan talaga may maasahan siya sa mga ito. She know that she will miss them especially Ren's best friend.

"Ito pala." Inilapag niya ang kaniyang cellphone sa lamesa upang ipakita ang nakalagay dito. "I need to know them tomorrow. Ito ang mga pamilya na posibleng ipapakasal sa akin."

Nagulat ang dalawang lalaki sa kanilang nakita. "How come that our family is in your list?" tanong ni Zander. Napangisi siya sa dalawa.

"Wala lang. Sinama ko lang. Malay niyo isa sa inyo."

"Tanggalin mo na yung family name ko diyan," sabi ni Luke. Napakunot-noo sina Ren at Zander. "I know my grandfather. Hahayaan niya muna ako at may pinagkasunduan kami."