"How about you?" tanong ni Ren kay Zander.
"My new family?" Hinawakan ni Zander ang baso at iginalaw ito paikot. "Small world. Alam mo namang maaasahan ako pagdating diyan. Isesend ko na lang sa email mo kapag may nakita na ako."
"Hmm." Ren drummed her fingers on the table. May inaalala lang siya kung may nakalimutan siya habang si Luke ay nag-aasikaso ng ibang customer. Tumingin si Zander sa kaniyang relo saka lumingom sa dalawa. "I need to go. May selebrasyon pang magaganap mamaya. Hindi ba kayo pupunta?"
"Susunod ako," sagot ni Luke habang inilapag ang isang baso sa isang lalaki. Tumingin si Zander kay Ren, hinihintay ang sagot nito. Napakunot-noo si Ren bago sumagot. "Siguro maya-maya."
"Ok. Una na ako." Agad na tumayo si Zander saka nag-iwan ng pera sa lamesa. Tinitigan niya ang mukha ni Ren dahil marami siyang katanungang kailangang mabigyan ng sagot ngunit hindi na niya itinuloy. Matagal na niyang alam na hanggang kaibigan lang ang mabibigay ng babae. Hanggang doon lang. But she was his first love. And he was a martyr. Kahit na nasaktan siya sa nalaman niya, iniinda lang niya. Alam niyang hindi niya ito makukuha ngunit ayaw niyang mawala ang pagkakaibigan nila. "Just call me if you need me." Ginulo ng lalaki ang buhok ni Ren at ngumiti saka tumalikod. Natawa si Luke sa reaksiyon ni Ren dahil halatang naiinis ito tuwing ginugulo ni Zander ang buhok ni Ren. Tiningnan ni Ren ng masama si Luke saka tinungga ang natitrang laman ng baso.
"Hindi ka pa ba aalis?"
"Bakit mo agad ako pinapaalis?" tanong pabalik ni Ren kay Luke.
"I'm just asking." Umalis sa harap niya si Luke kaya inilibot ni Ren ang kaniyang mga mata. Mataman niyang tinitingnan ang mga tao sa paligid, ang iba ay bumabati kaniya kaya't nginitian niya ang mga ito at nakipag-usap saglit. Ren was kinda popular in this place not only because of her dashing and handsome face but her attitude. She's a nice guy and friendly that's why people love him.
Matapos maasikaso ni Luke ang isang customer ay hinila niya galing sa isang drawer ang isang pulang sobre na aakalain mong love letter dahil sa ganda ng desinyo. Kinilabit niya si Ren na nagmamasid sa mga tao at inilapag ang sobre.
"Here." Tumingin nang may pagtatanong si Ren. "It's for you."
Tiningnan ni Ren ang sobre ay napag-alamang para sa kaniya ng ito. Three letter with bold type text. REN. Napakunot ang mga kilay ni Ren sa sobre. Magara ang mga disenyo na nakaukit sa pulang sobre. It was sealed, it means nobody open this letter for her even her best friend Luke. Ilang litrato ang nakuha niya mula sa sobreng ito at ibinalik kaagad upang hindi makita ni Luke. How dare! Napakalakas ng loob ng nagbigay sa kaniya ng sobreng ito. Isinilid ni Ren ang sobre sa kaniyang bulsa at inisip na para bang walang nangyayri. He knew that something was wrong after Ren read the letter. Nandilim ang mukha ng kaibigan at mabilis itong nagbago ng tumingin kay Luke. Ngumiti ito na parang walang nangyari.
Tumayo si Ren at inilapag ang bayad saka nagpaalam kay Luke. Mga ilang hakbang nalalakad niya nang bumalik ito sa kainigan.
"Uhm... Luke?"
"Yeah?"
"You know." Ren made it a statement. Nginitian ni Luke si Ren. Alam niya ang tinutukoy ni Ren. Tumango siya sa kaibigan at pinaalis ito. Alam niyang kailangan nitong mapag-isa. Magsasabi naman ang kaibigan kung kailangan niya ng tulong.
Nakahinga ng maluwag si Ren at nagtungo sa kaniyang kotse. How come that someone knew her and send these pictures to her? Nagpipigil lang siya kanina dahil nasa harap ang kaibigan ngunit nang makapasok sa kotse ay napakapit siya ng mahigpit sa manibela. Naiinis siya sa sitwasyon niya ngayon at sinisisi niya ang sarili kung bakit nangyari ang isang malalang pangyayari sa nakaraan. She felt stupid that she didn't know where to find that man and guilt was crawling on her belly.
Tears started to pool on her eyes and she shut them tightly but still crystals rolled on her cheeks. Hindi mapigilan ni Karen ang sarili. Ilang beses niyang pinahid ang mga mata ngunit patuloy na tumutulo ang luha niya. Kusa itong bumabaha sa kaniyang mga mukha. Wala siyang nagawa kundi hayaan ang mga luha na dumaloy. Nangako siya sa sarili na hindi na muling iiyak pero hindi niya akalain tatraydurin siya ng kaniyang mga mata.
Naisandal ni Ren ang kaniyang ulo sa manibela. Naghihina ang kaniyang katawan at may nakatarak na bagay sa kaniyang puso. Napabuntong-hininga siya at kinuha ang nakalukot na litrato.
Makikita sa litrato ang isang lalaki na nakatayo. Ang dalawa nitong mga kamay ay bahagyang nakataas at nakatali ng bakal na posas na mayroong kadugtong na tanikala na pumapalupot sa mga braso nito. Marami itong pasa sa katawang hubad maging sa mukha nitong tinabunan ang kagwapuhan. Bukod dito, may iilang parte sa katawan ng lalaki ang may madilim na pulang dugo kasama ang bunganga nito. Bakas sa guhit ng mukha nito ang sakit na nararanasan, paghihirap at pagkawalan ng pag-asa ngunit ang mas nagpatulo muli sa luha ni Karen ay ang mga mata nito katulad ng sa kaniya. Matang malalim at nakakalunod sa kadiliman na tila isang mata ng manyika. Mga matang magkaiba ng kulay na aakalain mong mata ng isang taong nawalan ng kulay at kaluluwa.
Inilipat ni Karen ang litrato. Dito napasinghap si Karen. Hindi niya aakalain mangyayari ito sa lalaki. Sa litratong ito makikita na maraming lalaki ang nakapaligid sa binata. May mga iba't ibang gamit na hawak ito at ang iba ay nakahawak sa iba't ibang parte ng binata. Ang litatrong ito ay naglalaman ng pangagahasa sa isang lalaking may magkaibang kulay ng mata. Puno ng sakit ang naramdaman ni Karen sa kalunos-lunos na pangyayaring ito. They take him not only from her but his innocence. Mangiyak-ngiyak siyang tumawa at pinunasan ang mga mata. Magbabayad sila sa kanilang ginawa. Aalahanin niya ang nakalimutang nakaraan, sinisisi man niya ang sarili kung bakit kinalimutan niya ito, kinalimutan ang mga importanteng tao sa kaniya, gagawa siya ng paraan upang makitang muli ang kaniyang kapatid na lalaki.
Axcel was pissed off. Paano ba naman kasi itong pinsan niya ay kanina pa siya ginugulo, kinukumbinsi sa bagay na ayaw niyang gawin. Nagsimula ito sa pagpasok mula sa pinto hanggang masabi ang tunay na pakay. Nang tumanggi siya at hindi pinansin ang binata, bigla nitong hinablot ang dokyumentong kaniyang binabasa. Kung ano ang gawin niya ay siya ring gagawin ni Alex. Hindi lamang dokyumento nito ang pinakialaman, umupo ito sa kaniyang upuan at nangalkal sa kaniyang laptop, ginagaya ang kaniyang ginawa. Ngunit kahit anong pagkukumbinsing gawin ni Alex, hindi pinansin ni Axcel ang pinsan.
Kasalukuyang nakatayo siya malapit sa babasaging pader mula sa taas hanggang sa sahig. Pinagmamasdan niya ang siyudad kung saan unti-unting dumilim ang alapaap at nagsimulang magkaroon ng maliliit na liwanag na siyang nagbibigay kislap sa mga mata. Ilang minuto siyang nakatayo roon at saka lang niya naisipang iniangat ang kaniyang galang-galangan upang tingnan ang relo. Saktong nasa alas sais ang dalawang kamay ng relo. Halos dalawang oras na siyang walang ginagawa dahil sa panggugulo ni Alex. Napansin niyang tumahimik ang pinsan at hindi siya ginugulo kaya nilingon niya itong nakatutok na nanonood sa laptop.
"What are you doing?" Ni hindi siya nito pinansin kay nilapitan ni Axcel si Alex. Napamura si Axcel sa pinapanood ni Alex at agad niyang inagaw ang laptop. He glared at his cousin and he immediately closed the browser. Tiningnan niya rin ang history at agad binura ang mga files na nidownload ni Alex.
"Kahit kailan talaga." Sinamaan niya ng tingin ang lalaki saka isinarado ang laptop. Nakangisi lamang si Alex.
"It's for your sake."
"Ewan ko. Nilagyan mo pa ng virus ang laptop ko." Umupo siya sa isang couch habang binukasan ang mga dokumento.
"Well, I was bored that's why I'm watching it." Ngumiti ito sa kaniya at ipinaikot ang swivel chair na inuupuan nito." And it's educational."
"You're saying that porn is educational? Tss." Tiningnan ng mabuti ni Alex ang kaniyang pinsan. Marami silang mga bagay na pinagbabangayan at isa narito ang isyung ito. Marami siyang gustong malaman sa lalaki ngunit sadyang hindi nito binubuksan ang puso. Isa na rin sa dahilan kung bakit siya lumapit sa lalaki ay upang mapalapit at maintindihan ang mga suliranin nito. Sa kanilang pamilya, si Axcel lang ang malayo sa magpipinsan samantalang ang pamilya Rediones ay kilala bilang malalapit sa isa't isa.
Hindi na muling pinansin ni Axcel si Alex. Kinuha niya ang mga files at agad na umupo sa sofa upang basahin ang mga ito. Pinagmamasdang mabuti ni Alex ang binata. Mukhang hindi ito bibigay sa kaniyang nais, wala na siyang magagawa kundi ang gawin ang kaniyang huling balato. Naglakad siya ng tahimik patungo sa likuran ng lalaki at iniangat ang kamay. He was aiming to strike him at the back of his head but Axcel suddenly spoke.
"Think before you strike." Malamig na tinig ang nagpahinto kay Alex. He was caught off guard not only because of his hypnotic and low voice but his instinct that he can detects one's presence. Para bang naestatwa siya sa kaniyang kinakatayuan, hindi alam ang gagawin at hindi mahanap ang boses. Pagkalingon ni Axcel sa kaniya ay saka pa lang siya nakagalaw at inayos ang sarili na para bang wala siyang gagawing masama. Kinabahan si Alex nang biglang iniangat ni Axcel ang kamay patungo sa kaniya kaya't ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang susunod na mangyayari. Ilang segundo ang lumipas at dumampi ang kamay ni Axcel kay Alex. Napangiti si Axcel sa reaksyon ni Alex dahil halatang kinabahan ito sa kaniyang at hindi na niya pinahalatang alam niya ito.
"Mabuti pang ipagtimpla mo na lang ako ng kape." Mabilis na tumalikod si Alex sa binata hanggang sa nawala ito sa paningin ni Axcel.
Hawak-hawak ni Alex ang kaniyang puso. Muntik na siya kanina. Ito ang unang beses na naging seryoso ng tono ni Axcel, unang beses na halos atakihin siya sa puso. Nung una ay hindi siya naniniwala na mapanganib ang lalaki at ngayon nasaksihan na niya. Everybody was avoiding this man. Silang magpipinsan ang lumalapit sa lalaki ngunit ayaw nitong mapalapit sa kanila.
Bumalik si Alex nang may dalang kape. Napakunot siya dahil ang sama ng tingin ng pinsan niya at tahimik na nakikinig sa cellphone nito. Mukhang may hindi magandang nangyari habang wala siya. Tahimik si Alex na nagkakape at tumingin sa relos. Napaisip siya kung paano niya mapapapunta si Axcel sa selebrasyong magaganap dahil ito ang kaniyang pakay. Kung hindi niya magagawa ito, tiyak na malalagot siya sa kaniyang ina.
"Something wrong?" Tinitigan niya ang pinsan na kababa lang ng cellphone. Humigop muna si Axcel ng kape bago ito sumagot.
"Yes." Matapos maubos ang laman ng baso, tumayo si Axcel at kinuha ang cellphone sa lamesa. "Tumayo ka na diyan. Aalis na tayo."
Naguguluhan si Alex kung saan sila pupunta. Tatanungin pa lang niya ito nang muli itong magsalita.
"Sa selebrasyon ng mga Rediones."