Chereads / Euphoria: The Beginning / Chapter 3 - Kabanata III

Chapter 3 - Kabanata III

Nagaganap na ang selebrasyon nang makapunta si Ren sa mansyon ng Rediones. Napakalaki ng sakop nitong lupain at napapalibutan ito kalikasan. Maayos ang mga disensyo ng halaman at puno at tanaw na tanaw ang nakakaakit na fountain sa gitna. Ilang mga istatwa ng leon ang nakabantay na sumasagisag sa mga Rediones.

Ang selebrasyong ginaganap ay para sa isang babaeng nagngangalang Nicael. Kilala ito ni Ren dahil minsan na niya itong iniligtas. Inimibitahan siya nito sa kaarawan bilang pasasalamat at kalaunan ay nalaman niyang pinsan ito ni Zander dahil inimbitahan din siya ng lalaki. She never thought that she would meet another Rediones other than Zander. It's a great privilege to invited by someone from Rediones.

Inihinto ni Ren ang kaniyang sasakyan at tumingin sa salamin. She saw a handsome man on the reflection. He have beguiling black eyes paired with long and thick eyelashes that makes people want to see its obscuring secret. He also have a shiny black hair like a fur of a lone wolf that makes people want to touch its softness. She really looks like a man because of her disguise. Halos dalawang taon na niyang ginagawa ito at nakilala ng marami ang katauhan niyang si Ren.

Lumabas ng kotse si Ren at nahagip ng kaniyang tingin si Zander na naghihintay sa kaniya. He was like a mysterious fox waiting patiently. He's eyes fixed and focus on her which sometime makes other uncomfortable but Ren didn't mind. Like a typical Rediones, he do have those golden brown eyes and striking gorgeous face. He wore a black outfit that sinfully emphasize his beauty. Napangiti si Ren sa kaibigan at sumabay na pumasok sa ball room.

"Seems that you're bored."

"Well, antagal ninyo. And you know that I don't like these fancy party."

"Why? Birthday ito ni Nicael. Mag-ingat ka at baka mamaya—" Hindi pa natatapos ni Ren ang kaniyang sinasabi nang biglang may babaeng sumabat.

"Mamaya ano?" Napatingin sila sa may-ari ng boses. Nakasuot ito ng gintong damit na bumabagay sa mata nitong nagtatanong. Maingat na nakataas ang buhok nito na may magarang alahas na nakapulupot at tanging ang mga maliliit na buhok ang tanging nakababa't nakalabas. Isa siyang prinsesa na nagdadala ng liwanag kahit saan siya magpunta. She's luminous with her smile that makes people melt.

"Speaking of the devil. Ayaw ni Zander sa ganitong party." Napangiti si Ren sa reaksyon ni Zander dahil alam niyang malulungkot si Nicael. Ngumuso ang babae sa sinabi ni Ren. Kaarawan niya tapos ganito ang sasabihin ni Zander.

"Tss. Umalis ka na. Shoo," pagtatampong taboy ni Nicael sa lalaki. Natawa si Zander sa pinsan niya. Sa lahat ng pinsan niyang Rediones, si Nicael ang madaling lapitan at kausapin. Siya ang laging kumukunekta sa bawat isa at matapuhin lang kung sa mga bagay na pinag-aawayan. Pinisil ni Zander ang pisngi ni Nicael.

"Masyado kang matampuhin. It's your birthday so you should smile."

"Then give me a kiss and that will make me happy." Hinalikan ni Zander si Nicael sa pisngi. "Ren, nagagalak akong makita kang muli."

"Ako rin. Maligayang kaarawan, minamahal na prinsesa." Yumuko si Ren at hinalikan ang kamay ni Nicael. Hindi maiwasang hindi mamula si Nicael sa kaniyang ginawa. Halatang may atraksyon ang babae kay Ren kaya naipilig ni Zander ang kaniyang ulo. Napansin niyang papalapit si Luke habang nag-uusap ang dalawang babae. Seryoso ang mukha nito na mas lalong kapansin-pansin ang gwapuhan nitong tinataglay. May itim itong mata na tumatawa nang makita sila.

"Happy birthday, Nicael." Napaharap ang babae at nagulat sa lalaki.

"Luke! Dumating ka!" Niyakap ng dalaga ang lalaki. "Walang hiya kang lalaki ka! Halos isang taon kang hindi nagpakita sa akin."

"I was busy."

"I know."

Binitiwan ni Nicael si Luke. May isang lalaki ang lumapit kay Nicael at nagsabing kakausapin siya ng magulang niya kaya't nagpaalam kaagad si Nicael sa kanila.

"Something's off." Napalingon ang dalawa sa sinambit ng kaibigan. Minsan ganito si Luke, biglang magsasalita ng makabuluhan na siya lang ang nakakaalam. Ito ang bagay na hinahangaan sa kaniya ni Ren, masyado siyang maobserba at malalim kung mag-isip.

"Anong meron?" tanong ni Zander na nakatingin sa cellphone ng kaibigan.

"Kanina ko pa tinatawagan si Yesha pero nakapatay. Ang huli niyang text sa akin ay narito na daw siya."

Napakunot-noo si Ren sa sinabi ni Luke. Bago sila makapasok ni Zander kanina ay nahagip ng mga mata ni Ren ang bulto ni Yesha na tumatakbo. Tatawagin niya sana ito ngunit agad itong nawala sa kaniyang paningin. Para bang may humahabol sa babae dahil sa ekspresyon nitong natataranta.

"Nakita ko siya kanina na tumatakbo papunta sa hardin. Violet dress. " Nagkatinginan silang tatlo at pawang iisa ang kanilang iniisip. They splited apart to find their friend Yesha. Pumunta si Zander sa kaniyang pamilya upang magtanong at humingi ng tulong samantalang si Luke ay nagtungo sa hardin. Umakayat si Ren sa second floor kung saan kitang-kita ang lahat ng tao na nasa ibaba. Marami siyang nakitang pamilyar ang mukha at kaniyang pinagtanungan. Nahagip sa mga mata ni Ren si Zander na lumapit kay Luke na mukhang hindi ito natagpuan.

Biglang tumunog ang telepono ni Ren. Isang mensahe ang kaniyang natanggap mula kay Yesha.

'Papunta na ako sa iyo. Hintayin mo ako.'

Muling tumunog ang makina kaya't binuksan ni Ren ang laman nito.

'Nakikita na kita. Magkita tayo diyan sa istatwa ng leon malapit sa hagdanan.'

Nilingon ni Ren ang buong paligid. Malapit siya sa sa tinutukoy nitong lugar. Napahigpit ang pagsara ng kaniyang kamay dahil wala siyang makitang Yesha. Walang ang babaeng nakaube ang damit.

'Zander, asaan kayo?' Itinext niya ang lalaki. Kanina pa may nakatingin kay Ren. Dama niya ito mula nang umakyat siya sa second floor. Hindi niya matukoy kung saan at kung kanino ito nagmumula. Nakakapagtaka rin ang nabasa niyang mensahe kay Yesha dahil hindi ito magbibigay ng mensaheng ganoon kung hindi iba ang may hawak ng cellphone ni Yesha at saka may palatandaan siya kung si Yesha ang nagbibigay ng mensahe sa kaniya.

Tumingin si Ren sa baba upang hanapin ang bulto ng dalawang kaibigan. Wala siyang nakitang Zander at Luke sa ibaba. Nakita niya si Nicael na tumatawa kasama ang mga kaibigan nito. Sa gitna nang kasiyahan, hindi alam na may isang unos na nagtatago. Walang nakakaalam ni isa, pati rin si Nicael. Mukhang may nagplano nito at silang magkakaibigan ang tinitira nito.

Nagtungo si Ren sa kinalalagayan ni Nicael. May kausap itong isang lalaki na nakatalikod sa kaniya. Agad siyang napansin ni Nicael at lumapit sa kaniya.

"Enjoying the party?" Nakangiti itong nagtanong. Ngumiti lang siya. "May ipapakilala ako sa iyo." Tinawag ni Nicael ang lalaking kausap niya. Parang tinamaan ng kidlat si Ren sa kaniyang kinatatayuan. Kailan pa naging ganito ang itsura ni Zander?

"This is Alexander, my cousin. And Ren, my friend." Inilahad ng lalaki ang kamay niya sa harap ni Ren. Nakatitig si Ren sa lalaki. Paano siyang maniniwala na hindi si Zander ang nasa harap niya kung parehong-pareho ang itsura ng mukha nito pati ang mga mata nitong nakakailang titigan. He have the same posture, the same temparament but something was missing. His eyes were laughing but alert and judging her. Hindi tulad ng mga mata ni Zander na tumatawa ngunit nakakatakot dahil tinatago nito ang totoong nadarama. Hindi maipagkakailang kakambal ni Zander ang lalaki ngunit hindi pa rin siguro ni Ren dahil wala namang binabanggit ang lalaki. Ang sabi lang niya ay nakita na niya ang totoo niyang mga magulang.

"Hey, you okay?" Ikinakaway ni Nicael ang kamay niya sa harap ni Ren.

"Nagulat lang ako." Kinamayan niya si Alexander na nakangiti.

"Alexander."

"Ren." Iba ang boses nito kaysa kay Zander, mas malalim nang kaunti.

"Siya ba yung sinasabi mo, Nica?" tanong nito sa babae. Tumungo ang babae bilang sagot at nawala ang pagiging alerto ng mga mata nito pero hindi pa rin nawawala ang panghuhusga dito.

"Kaya pala. Hey, just call me Alex." Tumungo siya. Nicael glared at Alex . "What?"

"Hmph. Nagtataka ka kung bakit kamukha niya si Zander? Well, magkapatid kasi sila." Tiningnan ni Ren si Alex. Magkapatid? Paanong magkapatid? Identical twin? Mukhang nabasa ni Nicael ang mga tanong sa kaniyang isip at ibinuka nito ang mga labi nang biglang inunahan siya ni Alex.

"No, we're not identical. Mas matanda si Zander sa akin ng isang taon." That make sense but— tumunog ang telepono ni Ren at agad niyang sinagot ang tawag.

"Hello. Nakita niyo ba siya? Sige, pupuntahan ka kayo. Ayos lang ba si Yesha?" Nakatingin si Nicael sa kanya at hindi niya pinansin kahit na nakikinig ito. Sumagot sa kaniya si Luke ngunit agad niyang binaba ang telepono nang marinig ang hikbi ng isang babae. Nagmamadali at malalaking hakbang ang ginawa ni Ren upang mapuntahan kaagad ito kung saan naroroon ang ang babae. Hindi niya namalayang sumunod sa kaniya sina Nicael.

Tumigil ang buong mundo ni Ren nang makita ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng fountain. Nakasuot ito ng ubeng baro na may bakas ng dumi at magulo ang buhok nitong malayo sa malimit na kaaya-aya at malinis na ayos.

"Yesha," mahinang bulong niya nang makalapit sa babae. Hindi siya nito pinansin bagkus iginilid nito ang mukha upang hindi makita ang mga matang madilim ng kaniyang kaibigan. Walang nagawa si Ren kundi iharap ang mukha nito sa kaniya at pilit na pinatitigan sa kaniyang mga mata.

"Please, look at me, Yesha."

Ipinikit nito ang mga mata at tinakpan ng mga kamay ang kaniyang tenga upang suwayin si Ren. Paano niya ito haharapin gayong hindi siya karapat-dapat sa kaibigan niya? She was ashamed to herself to think that she can't look at those sacred eyes. She felt dirty to let someone touch her like this, making something that was displeasing to Ren.

Napahawak si Ren sa pagitan ng ilong habang nakapikit ng madiin. Mahahalata sa kanya na nagpipigil siya dahil nahagip ng tingin ni Zander ang kamaong nakapulupot ng mahigpit. They don't know what happened to Yesha. What they found was the only knowledge of what happened to her and Ren being here was a great help because Ren was her Achilles' heels.

"Ayesha." Ren's tone was serious and hypnotic. She waited patiently until their eyes met. Unti-unting pumatak ang mga luha ni Ayesha nang makita ang tapat at sagradong mga mata. Wala itong panghuhusga sa mga mata at puno ito ng pag-aalala na lalo niyang ikinaiyak. Pinunasan ni Ren ang mga luha nito sa pisnge at niyakap ng mahigpit ang babae.

Napansin ni Alex ang paghigpit ng pagpulupot ng kamay ni Nicael sa likod nito. Nahalata niyang nagseselos ang kaniyang pinsan kay Ayesha. How could she not when they were perfect to each other as if the knight in the shining armor was protecting his damsel in distress?

Malayo ang tingin ni Ren na tila nag-iisip kung anong nangyari sa kaibigan. Yumakap ito sa kaniya ng mahigpit at tinatago ang sarili sa lahat. Ren unconsciously patted her head. Tumingin siya kina Zander upang mabigyan ng mga sagot ang kaniyang

"Nakita na lamang namin siya dito nakaupo. Hindi siya nagsasalita at ikaw lang ang kaniyang hinahanap," ani Zander.

"Tiningnan ko ang buong paligid, kanina walang tao dito. Basta na lang siya sumulpot na parang bula," sabi ni Luke.

"Did you checked the cctv?" Umiling sa kaniya si Zander. "Why?" Ibinigay niya ang cellphone niya kay Ren at nakita niya dito na galing siya sa kagubatan na bumabalot sa mansyon ng mga Rediones. Hindi nila alam kung anong nangyari kay Ayesha, ni wala silang kaideideya kung sino ang gumawa sa kaniya. Ren gazed at the forest, she knew that something bad happened to her, knew that there's something hidden there.