Napabuntong hininga siya. Sa dami ng kanyang iniisip bigla na lang bumungad ang mukha ng isang babae. Pilit niyang kinakalimutan, binubura sa kanyang isipan ngunit hindi mawala-wala. Dahil sa sobrang inis, nabato niya ang baso na kanyang iniinuman.
"Bakit ba kasi laging siya ang naiisip ko?"
"Couz," tawag ng isang lalaki. Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at ngumiti.
"Wag mo akong bwisitin Alex," sabay tingin ng masama sa lalaki.
"Hindi naman ako nagpunta dito para bwisitin ka, Couz," dahilan nito.
"Ewan ko sa'yo. Hindi bibwisitin? Pinagloloko mo ba ako? May pangiti-ngiti ka pa diyang nalalaman. Tss."
"Bakit? Totoo naman."
Buti na lang dumating si Alex. Buti na lang at baka kung ano pa ang nasira niya. Mas mabuti na may kausap siya kaysa wala. Kumuha ng dalawang baso si Alex at nagsalin ng alak.
"Cheers," sabi ni Alex. Sa halip na makitagay, tiningnan niya ito ng masama.
"Diba hindi ka na nainom?" tanong niya sa pinsan.
"Hindi nga," sagot ni Alex.
"Kung ganoon bakit..." Hindi na niya natapos ang sasabihin nang makita niya ang kakaibang kislap sa mata ng kanyang pinsan. Alam niya ang ibig sabihin ng mga ito ngunit hindi lang siya sigurado.
"Hayaan mo na ako."
"Okay," sagot niya. Natahimik silang dalawa at uminom. Maya-maya pa nagsalita si Alex.
"Couz," tawag sa kanya.
"What?"
"Nakita ko si..." Kahit hindi sabihin ni Alex, alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. Hindi siya umimik hanggang nagsalita muli ito.
"Hindi mo lang ba tatanungin kung saan ko siya nakita?" tanong sa kaniya ng pinsan niya. Hindi pa rin siya umiimik kaya naman napabuntong hininga ito. Alam nito na ayaw niyang nagsasalita kaya nagpatuloy itong muli.
"Kasama niya ang mga kaibigan niya sa mall. Hindi ko alam kung napansin niya ako kasi may kausap siyang lalaki na kasama rin nila pero alam ko na napansin ako ng mga kaibigan niya."
"Hayaan mo na siya."
"Hayaan? Couz, ten years mo na siyang hinahanap. Ten years?! Nagpakita na siya tapos wala ka man lang gagawin?"
Alam niya. Alam naman niya. Sa katunayan, matagal na niyang alam na nandito siya. Hindi niya lang sinabi na matagal na niyang nakita ito.
"Wala."
"Ano?!"
"Sabi ko wala at saka huli ka na sa balita dahil two months na siyang nandito bago mo pa siya makita."
"Bat wala kang ginawa?"
"Alexander, napapagod na ako," ani kanyang pinsan.
Natigilan si Alex dahil alam niya ang ibig sabihin ng kaniyang pinsan kapag tinawag siya nito gamit ang buong pangalan niya. Hindi na siya magugulat kung mamaya'y susuntukun siya nito kung nagpatuloy pa rin siya sa pinag-uusapan nila. Kaya naman tumahimik siya at tanging pagsalin lang ng alak ang maririnig. Ilang minuto ang lumipas nang sirain nito ang katahimikan.
"Nga pala, Couz." Napalingon si Alex ng tawagin siya ng pinsan niya. "Kumusta na kayo ng asawa mo?"
"Axcel..." tumingin ito sa kanya.
May kakaibang kislap ito sa mga mata. Tama ang hinala niya. Tama dahil ang kislap ng mga mata nito ay nagpapahiwatig ng kalungkutan. Hindi niya alam kung bakit dahil ngayon na lang muli itong nakitang ganun.
"Iniwan na niya ako." Hindi na siya nagulat sa sinabi ni Alex dahil halata na niya, kaya pala nakapagtataka siya na wala ang asawa nito.
"Parehas na tayo, Couz," sabi ni Alex.
"Parehas nga kayo." Napalingon silang pareho sa nagsalita. "Parehas kayong sawi sa pag-ibig."
"Umayos ka Garcia," pagbabanta ni Alex.
"Bakit? Anong ginawa ko Rediones?" painosenteng tanong ng bagong dating.
"Aba kinakalimutan mo. Umayos ka at baka mapatay kita dyan. Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo," pagbabanta nito sa binata. Lumapit ito sa kanila at umupo katabi ni Axcel.
"Bakit, ano bang ginawa ni Zander?" sabat ni Axcel.
"Bakit masama bang tamaan ni kupido?" tanong pabalik ni Zander.
"Hoy, Garcia, hindi ko naman sinasabi na masama tamaan ni kupido. Ang masama ay yung tatamaan ka pa sa may asawa pa," sagot ni Alex.
Kahit nagulat, hindi pinahalata ni Axcel. Iyon pala ang ibig sabihin ng dalawang mokong na nagbabangayan. Kaya pala parang mailap 'tong dalawang magkapatid na ito.
"Hey, kung mag-aaway kayo sa pamamahay ko, magsilayas kayong magkapatid," ani Axcel.
"Si Garcia kasi," akusa ni Alex.
"Aba ako pa sinisisi mo, Rediones," sabat ni Zander.
"Wag kang magtawag ng Rediones dito, dalawa kami at saka umayos nga kayo Alexander Rediones at Zander Garcia. Para kayong mga bata," pag-aawat niya sa dalawa ni Axcel. "Bat nandito ka nga pala?"
"Makikiinom."
"At bakit ka makikiinom, Garcia?" tanong ni Alex na may halong inis sa kapatid.
"May problema ako eh," seryosong sagot ni Zander.
"Babae? Sino naman yan?" tanong ni Axcel.
"Magtino ka, Garcia, baka asawa ko yan. Pag nalaman ko lang talaga, papatayin kita," pagbabanta ni Alex sa kapatid.
"Kilala niyo si Rem diba?"
"Siya?!" gulat na tanong ni Axcel at Alex. Hindi sila makapaniwala dahil hindi naman nila aakalaing may relasyon ang dalawa.
"Yeah, siya nga."