Dali-dali niyang sinuri ang status nito upang makita kung may pagbabago!
[Suzy LV.15]
-STATUS-
Skill:
[Concentration LV.7]
[Sonic Wave LV.5] - a shockwave that strikes an opponent at a distance. The farther away the target is, the less damage they take.
[Charge LV.3] - Charge at the single enemy that's away from you at range immediately.
HP: 18,582
MP: 6,786
STR: 352
VIT: 220
DEX: 310
AGI: 480
INT: 520
LUK: 42
Habang tinitingnan niya ang kanyang stats, Si Suzy na nakahiga sa lupa ay dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata.
Naguguluhan siya kung ano ang nangyayari. ang naaalala niya lang ay ang pag-atake sa kanya ng blue dragon snake at siya ay tumalsik palayo. pagkatapos nito ay wala na siyang ideya kung ano ang nangyari.
Tumingin siya sa paligid upang suriin ang nangyayari nang ang isang mukha ng binata ay pumasok sa kanyang paningin.
Tulala niyang tinititigan ito na para bang meron siyang naaalala.
Habang nakatitig sa binata ay nagsimulang bumalik ang kanyang alaala at naglabas si Suzy ng isang ngiti.
"Long time no see, Ye Song" sabi ni Suzy na may masiglang ngiti.
Hindi lumabas ang boses ni Ye Song nang marinig niya si Suzy. samantala, si Suzy ay tinititigan lamang si Ye Song na may halo-halong emosyon.
Mas naging awkward ang katahimikan habang nagkatitigan sila!
"Ehem!"
Habang ang lahat ay nakakaramdam ng awkward, sinira ni Kuchi ang katahimikan.
Si Ye Song na nakatulala ay bumalik sa kanyang katinuan dahil kay Kuchi.
"Ubo! Y-Yeah! Natutuwa akong makita ka! pasensya na kung puputulin ko ang ating reunion. gusto kong malaman kung anong nangyari dito bakit ka gumagala sa labas kahit hindi ka naman isang chosen?" sinabi ni Ye Song.
Nag dalawang isip si Suzy bago sabihin sa kanya.
"Pinilit akong mag explore.."
"Ano?!" sinabi ni Ye Song na may gulat sa kanyang ekspresyon.
"Tulad ng iyong nalalaman, ang mga chosen ay mababa ang tingin sa mga normal na tao dahil sa palagay nila ay mas nakakahigit na lahi sila kaysa sa mga ito. nang inirekomenda ako ng Village Instructor sa isang paaralan sa loob ng Montblanc Town, di ko mapaliwanag ang saya na naramdaman ko. ngunit nang magsimula akong pumasok sa paaralan, lahat ng chosen ay tumingin sa akin ng masama. bilang nag iisang normal na tao na pumasok sa paaralan para sa mga chosen, nahirapan akong mag-adjust sa pagbabago. maraming tao ang naiinggit at may ilan na nagpapahirap sa akin.."
Ibinaba ni Suzy ang kanyang ulo matapos itong sabihin.
Samantala, si Ye Song na nakikinig sa gilid ay may malamig na ekspresyon.
"Kaya pinilit ka nilang gumawa ng exploration upang mapatunayan ang iyong sarili ganun ba?"
"Kalahati lang iyon ng dahilan. may isang lalaki na interesado sa akin pero tinanggihan ko siya. siya ay napahiya dahil sa ginawa ko at ginamit niya ang kanyang koneksyon sa paaralan upang pilitin akong gumawa ng isang exploration"
"Sino iyon?"
Iniling ni Suzy ang kanyang ulo at nagpatuloy.
"Mas maganda na kalimutan na lang natin ang tungkol dito. siya ay isang S Ranker ng Montblanc Town. hindi mo pwedeng offend ang taong iyon, lalo na kung pinoprotektahan siya ng Freedom Land"
Nang marinig ni Ye Song ang sagot ni Suzy, hindi na niya tinuloy ang pagtatanong tungkol dito ngunit makikita mo sa kanyang ekspresyon na hindi pa siya tapos dito.
"Paano niyo nakalaban ang dragon na iyon?" tinanong ni Ye Song upang maiba ang usapan.
"Ang mga chosen na kasama ko ay inatake ang isang pagong" sagot ni Suzy.
"Pagong?"
"Oo. ang quest lang namin ay kailangan naming kumuha ng ilang mga halaman sa kagubatang ito ngunit nais ng party ko na pumatay ng ilang halimaw. anim kaming lahat sa party kasama ang lalaking sinabi ko sa iyo kanina"
"Yung S rank? asan siya? tumakas ba siya?"
"Oo. nang makita niyang hindi namin kayang talunin ang dragon, tumakas siya agad. siya rin ang nagmungkahi na mag hunt ng halimaw at umatake sa pagong ngunit siya ang unang tumakas nang maging mapanganib na ang mga bagay"
Nanginginig si Suzy sa galit tuwing naaalala niya ang nangyari kanina.
Pagkatapos ay nagpatuloy siya.
"Nang atakihin niya ang pagong ay biglang lumitaw ang blue dragon snake at sinimulang atakihin kami. ang isa sa amin ay tinamaan at malubhang nasugatan. Wala akong nagawa kundi panoorin lang ang dragon. tinakpan ko lang ang lalaking nakahiga sa lupa habang kinakalaban nila ang dragon"
"Ikaw lang ang normal na tao sa grupo. bakit pa nila gusto na mag explore?" tanong ni Ye Song.
Hindi niya ito sinagot at tinignan lamang ni Suzy si Ye Song na may luha ang mga mata.
Nakita ni Ye Song ang ekspresyon nito at napasinghap siya.
"Okay lang kung ayaw mong sabihin sa akin. Ayos na ang lahat, ligtas ka na ngayon"
Kahit na ganoon ang sinabi niya, mayroon na siyang ideya kung ano ang nais na gawin ng mga chosen na iyon.
Limang lalaki at isang babae sa isang grupo, lalo na't hindi pa siya isang chosen. tanga lamang ang mag-iisip na ito ay isang simpleng exploration lamang.
Meron silang pagnanasa sa kanyang katawan!
Dahil pinapahalagahan nila ang kanilang reputasyon bilang mga chosen sa loob ng bayan, wala silang magawa sa kanya kaya't pinilit nila siyang mag-explore.
"Montblanc Town.."
Habang si Ye Song ay nasa malalim na pag-iisip, narinig niyang nagsalita si Suzy.
"Salamat..."
Ngumiti siya sa kanya ng buong pasasalamat.
Napanganga si Ye Song habang nakatingin sa kanya.
Habang hinahangaan niya ang kagandahan nito, tinanong siya ni Suzy ng isang katanungan.
"Paano ako nabuhay? malinaw kong nakita na tinamaan ako ng buntot ng blue dragon snake"
"Nag evolve ka" casual na sinabi ni Ye Song kay Suzy.
"Huh?!"
Naguluhan si Suzy dahil hindi niya alam kung paano ito nangyari. Ipinaliwanag lang ni Ye Song kung ano ang kailangan niyang malaman at matapos niyang malaman kung ano ang nangyari, tumingin siya kay Ye Song nang may higit na paghanga sa kanya.
"Wow, naging malakas ka na talaga"
Napakamot nalang sa ulo si Ye Song dahil sa biglaang pagpuri. sinubukan niyang baguhin ang paksa at sinabi.
"Oo nga pala, may gusto akong ipakita sayo"