Matapos utusan ang kanyang mga alaga na bantayan ang pagtatayo ng bayan, umuwi si Ye Song kasama si Suzy sa kokobop village kung saan siya nakatira.
Nang makita ni Yuna si Suzy ay nagulat siya pero dali-dali itong ngumiti pagkatapos. lumakad siya papunta sa kanya at niyakap siya.
"Kamusta ka naman Suzy"
Naramdaman ni Suzy ang init ng pagtanggap sa kanya ng marinig niya si Yuna.
"Ang nanay ni Ye Song ay talagang mabait" sinabi ni Suzy sa kanyang sarili.
Nag usap sila sa may sala at nakita ni Ye Ri ang kanyang nakatatandang ate na si Suzy. napatakbo siya sa kanya at binigyan ito ng isang yakap habang inilabas niya ang kanyang dila kay Ye Song.
Nang makita ito ni Ye Song ay iniling niya ang kanyang ulo habang nakangiti at umakyat siya ng hagdanan para pumunta sa kwarto upang magpalit ng damit.
"Ye Song halika rito!"
Pagbaba niya ay tinawag siya ni Suzy at sinabi na umupo sa tabi niya.
Nakaramdam ng kaba si Ye Song ngunit ayaw niyang ipakita ito sa harap ni Suzy ngunit napansin pa rin ito ni Suzy at sinabi.
"Bakit ka kinakabahan?" pabirong sinabi ni Suzy.
Napa relax ang tense na mukha ni Ye Song matapos makita ang ngiti ni Suzy.
"Hindi ako kinakabahan. pano mo nalaman na kinakabahan ako?" sabi ni Ye Song.
"Kasi katulad ka pa rin ng dati :)"
"Totoo, hindi nagbago ang batang ito" natawa si Yuna matapos makita ang kilos ng kanyang anak.
Sabay tawa ng tatlo.
-
Nalaman ng mga tagabaryo na si Suzy ay mula sa Montblanc Town kaya't nagsagawa sila ng isang maliit na salu-salo para sa kanya.
Kinagabihan ng araw na iyon, isang maliit na pagbati ang ginanap para kay Suzy.
Upang aliwin ang mga tagabaryo, kumuha sila ng mga sariwang ani na gulay, inihain nila ang karne at ilang bote ng alak.
Ito ay isang napakumbabang kaganapan ngunit umaapaw ito ng mainit na damdamin ng mga tagabaryo.
"Si Suzy ay nagmula sa isang paaralan sa Montblanc Town?"
"Si Suzy ang pride ng kanyang nayon sa labas ng Montblanc Town"
"Maganda na malakas pa!"
"Haha, Kung magkaroon ako ng babae tulad ni Suzy, handa na akong mamatay bukas"
Si Suzy ay naging isang idolo para sa mga bata sa nayon habang si Ye Song ay naging mainit sa kanilang mga mata.
Naiinggit sila kay Ye Song dahil kababata nito si Suzy.
Sa ganoon natapos ang masayang gabi ng mga tagabaryo.
-
Kinabukasan ay magkasama si Ye Song at Suzy mag hunt ng mga halimaw. tinulungan ni Ye Song si Suzy maghunt upang masanay ito sa pagiging chosen.
Sa una ay hindi pa sanay si Suzy na gamitin ang kanyang kapangyarihan ngunit unti-unting naging madali para sa kanya na makontrol ang kanyang bagong lakas!
Habang naghuhunt sila ay nakita nila si Ahoka at ang mga penguin na mabilis na tumatakbo papunta sa kanilang direksyon.
Kumunot ang kilay ni Ye Song ng makita ito at may sasabihin sana siya nang marinig niya si Ahoka na biglang sumigaw.
"Master may masama kaming balita!"
"Ano yun?" nalilitong tanong ni Ye Song.
"Ang bayan ay nasa panganib!" naghihingalong sinabi ni Ahoka.
"Nasa panganib? paliwanag mo ng mas mabuti" tanong ni Ye Song habang nalilito.
"Ang mga halimaw ay papunta sa bayan!"
"Bakit biglang umatake ang mga halimaw sa bayan?"
"Nalaman nila ang tungkol sa paglipol ng base camp doon kaya sumugod sila upang maghiganti!"
"Ha? paano nila nalaman iyon?"
"Nalaman nila ito sa mga scout. nakita nila na may isang bayan na itinatayo dito pagdating nila"
"Ilang halimaw ang sasalakay?"
"Libo-libo ang nakita ko at nasa border na sila ng Freedom Land! nasa higit 15 minutes lang ang layo nila sa bayan master!" sinabi ni Ahoka habang natataranta.
"Hindi ko inaasahan na makakaranas tayo ng pagsalakay ng mga halimaw ng ganito kaaga" sinabi ni Ye Song.
Si Suzy na nasa gilid ay nag alala nang marinig niya ang sinabi ni Ahoka at tinanong niya si Ye Song.
"Magiging ayos lang ba tayo?"
Tinignan ni Ye Song si Suzy at tinapik niya ng marahan ang ulo nito habang nakangiti at sinabi.
"Hindi mo kailangang magalala, hindi mo ba alam napakalakas ko?"
Tumingin si Ye Song kay Pochi at inutusan siyang ibalik sa bahay si Suzy.
"Gusto kong sumama sayo!" sinabi ni Suzy na may luha sa mga mata. nag-aalala siya para kay Ye Song ngunit tinanggihan ito ni Ye Song at sinabi.
"Siguro sa susunod na lang dahil hindi ka pa rin sanay sa bago mong lakas kaya't magiging mapanganib kung sasama ka sa akin"
Kahit na naintindihan ni Suzy kung ano ang sinasabi ni Ye Song, nag aalangan pa rin siyang umalis.
Ngunit sa bandang huli ay nakinig siya kay Ye Song at sumama kay Pochi na umuwi papuntang kokobop village.
Nang wala na si Suzy ay naging malamig ang ekspresyon ni Ye Song at sinabi sa natitirang pangkat.
"Pumunta tayo sa bayan!"
Habang tumatakbo sila ay tinanong ni Ye Song ang system.
"System, pwede mo bang suriin ang mapa ng kalapit na lugar ng bayan at sabihin mo sa akin ang lokasyon ng mga halimaw?"
Makalipas ang ilang sandali ay sumagot ang system.
*DING*
*Darating ang mga halimaw sa hilagang bahagi ng bayan kaya kailangan mong magfocus doon. magkakaroon ng dalawang wave ng mga halimaw. darating ang unang pagsalakay sa loob ng sampung minuto at ang ikalawa ay darating tatlong minuto pagkatapos*
"Sige salamat"
Pagkatapos ng ilang minuto, dumating ang pangkat nila Ye Song sa hilagang bahagi ng bayan.
Sa pagsalakay na ito, ang hilagang pader ang magiging target ng mga halimaw. magmumula sila sa hilaga samakatuwid ay dapat silang maghanda dito.
Naging abala ang lahat sa paghahanda!
Mayroon na lamang silang siyam na minuto bago dumating ang unang wave ng mga halimaw. sa ilalim ng utos ni Ye Song, ang limang daang Kung Fu Turtles ay naghukay sa labas ng bayan. Dahil sa papalapit na ang pagdating ng mga halimaw, lahat sila ay labis na kinakabahan kaya naman pinabilis nila ang kanilang paggalaw.
Dahil nakafocus lang siya sa pagbuo ng depensa ng bayan, mayroon isang bagay na nakalimutan si Ye Song sa dami ng kanyang iniisip.
Iyon ay magiging sanhi ng kanyang pagsisisi sa darating na pagsalakay!