Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 36 - 500 Kung fu turtle na tagasunod?!

Chapter 36 - 500 Kung fu turtle na tagasunod?!

Naglabas si Ye Song ng isang susi at itinaas ito sa hangin.

Nalito si Suzy habang pinapanood si Ye Song sa kanyang ginagawa kaya tatanungin niya sana si Ye Song nang biglang lumitaw ang isang portal sa hangin at nagsimulang maglabas ng isang maliwanag na ilaw.

Natakot si Suzy ngunit sinabi sa kanya ni Ye Song na magiging okay lang ang lahat.

Huminahon siya kaagad pagkatapos marinig ang sinabi ni Ye Song at siya ay lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. natatakot pa rin siya ngunit dahil nasa tabi niya si Ye Song, nakakaramdam siya ng seguridad.

Makalipas ang ilang sandali, ang lupa ay nagsimulang manginig at ang langit ay biglang dumilim at isang malakas na dagundong ang umalingawngaw at kumalat sa hangin!

Nakatingin sila sa portal sa kalangitan nang marinig ni Ye Song ang system sa kanyang ulo.

*DING*

[Connection Complete]

Pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas ang isang blue dragon snake mula sa portal.

Ito ay eksaktong katulad ng dragon na pinatay nila kani-kanina lamang!

Nagulat at natakot si Suzy nang muli niyang makita ang halimaw ngunit tiniyak sa kanya ni Ye Song na magiging maayos ang lahat. napasinghap siya ng maluwag nang marinig ito at lumapit pa siya kay Ye Song.

Nakaramdam si Ye Song ng isang malambot na sensasyon sa kanyang braso ngunit nagpanggap siyang cool dito. nais niyang magmukha na wala siyang pakialam o nararamdaman ngunit sa loob niya ay labis ang kanyang kaba at ang puso niya ay nagsimulang tumibok ng mabilis.

Ang water dragon god ay nakalutang sa hangin. ang kamangha-manghang katawan nito na halos dalawampung metro ang haba at asul na kaliskis ay nagniningning sa sinag ng liwanag na nagmumula sa araw.

"Sino ang nangahas na tawagin ang dakilang diyos na si Ba―― Eh?"

Nang makita ng water dragon god ang mga tao at halimaw sa kanyang ibaba ay labis ang pagkagulat nito. bigla niyang naalala na namatay na siya kaya't alam niya na may tumawag sa kanya gamit ang susi.

Ang water dragon god ay lumapit kay Ye Song habang nakababa ang kanyang ulo at sinabi.

"Salamat sa pagbibigay mo ng isa pang buhay sa akin pero sasabihin ko na sa iyo ngayon, bitter pa rin ako"

Ang water dragon god ay tumingin sa malayo dahil ayaw niyang makita ang mukha ni Ye Song sa ngayon.

Siya ay isang matapat na dragon ngunit nagpakita siya ng pagiging maingat sa simula. sinisiyasat niya si Ye Song tulad ng isang takot na bagong panganak na dragon. ibinibigay niya ang pakiramdam na magpapasya siya sa kanyang pag-uugali pagkatapos na tingnan ang mga sunod na pagkilos ni Ye Song.

Nang makita ito ni Ye Song ay iniling niya ang kanyang ulo at sinabi.

"Wala ka nang pagpipilian pa. Onga pala, alam ko na ang buong kwento tungkol sa kung ano ang nangyari dito. hindi siya bahagi ng pangkat na iyon at hindi niya balak na atakihin ang iyong alagad"

"Alam ko yon master. ngunit sa sitwasyon ko kanina, ang naiisip ko lang ay makapaghiganti kaya't wala na akong pakialam kung sino ang atakihin ko" sinabi ng water dragon god.

Si Suzy ay natatakot pa rin ngunit nang narinig niya ang sinabi ng dragon ay guminhawa na rin sa wakas ang kanyang pakiramdam. sinabi sa kanya ni Ye Song na hindi na siya kayang saktan nito maliban lang kung inutusan niya ito. dahil dito, nakuha ni Suzy ang lakas ng loob at sinabi.

"Salamat at sorry sa nangyari kanina.."

"Okay lang, hindi mo na kailangang humingi ng tawad. mayroon na kaming koneksyon ni master kaya alam kong hindi mo balak na saktan kami" sagot ng water dragon god.

"Koneksyon?"

"Ang crystal orb ng water dragon god ay nasa iyo at tinanggap ka nito kaya alam kong hindi ka masamang tao"

Nang marinig ito ni Suzy ay humagikgik siya at mas lalong napalapit sa dragon. napagtanto niya habang kinakausap niya ang dragon na hindi ito masamang halimaw.

Habang nag-uusap sila ay nanghingi ang dragon kay Ye Song ng isang pangalan.

"Hmm, tatawagan kitang Nobita"

"Sa palagay ko ang pangalan iyon ay hindi maganda. parang hindi ito tumutugma sa aking malakas at kamangha-manghang itsura"

"Ngunit ang Nobita ay isang malakas na pangalan. tunog pa lang malakas na kaya simula ngayon, Nobita ang iyong pangalan!" sagot ni Ye Song.

"Ikaw ay isang master na hindi ko talaga gusto" magaspang na sabi ni Nobita.

Matapos mabigyan siya ng pangalan, sinabi ni Nobita.

"Master, pwede mo rin bang kunin ang mga alagad ko?"

"Oo naman, mabuting tao ako. dahil ikaw ay alaga ko na ngayon, masaya kong tatanggapin ang mga alaga mo!"

Natuwa si Nobita nang marinig ang sinabi ni Ye Song. hindi na siya nag atubili pa at pumunta sa isang lugar upang kunin ang kanyang mga alagad.

"Sigurado ka ba dito?" tanong ni Suzy.

"Oo naman. ano ang pinagkaiba kung tatanggapin ko mga alagad niya? pagong lang iyon"

Inisip ni Ye Song na ang alagad ni Nobita ay ang pagong na inatake ng kasama ni Suzy.

Habang naghihintay sila ay bigla nilang narinig ang isang malakas na ugong.

Nagulat sila sa ingay na parang may stampede at tumingin sila sa paligid upang hanapin kung saan nanggaling ang ingay na iyon.

Nang biglang nakita nila ang isang blue dragon snake na lumilipad sa kalangitan at sa ibaba nito ay isang malaking pangkat ng mga pagong na tumatakbo patungo sa kanila.

Ang mga pagong na ito ay halos 2.5 hanggang 3 talampakan ang taas at halos lampas sa limang daang ang mga ito!

Hindi maipinta ni Ye Song ang kanyang mukha at nakabukas lang ang kanyang bibig sa mahabang panahon.

Nang si Nobita at ang limang daang pagong ay nasa harap na ni Ye Song, ipinakilala ito ni Nobita at sinabi.

"Master ito ang aking mga alagad. tinatawag silang Kung Fu Turtles!"

Nakatingin lang sa kanila si Ye Song at nakatulala.

Narinig ng mga pagong ang sinabi ni Nobita at lumingon ito kay Ye Song. pagkatapos ay sabay-sabay nilang binati si Ye Song.

"GREETINGS BOSS!"