Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 30 - Pagbuo ng bayan!

Chapter 30 - Pagbuo ng bayan!

Matapos maitayo ang kanyang bahay ay makakagawa lamang si Ye Song ng kaunti para sa bayan na kanyang itatayo dahil hindi sapat ang kanyang pondo kaya naman pinili ni Ye Song ang [Community Building] mula sa [Item Shop].

Ang [Community Building] ay isang command para gawing simple ang mahirap na gawain tulad ng paglikha ng mga gusali nang isa-isa.

Matapos pumili ng mga bahay, ang heaven coins ni Ye Song ay nawala sa isang iglap!

"Dapat ko na bang tipunin ang mga tao dito ngayon?" sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili.

Iniling ni Ye Song ang kanyang ulo matapos itong pumasok sa kanyang isipan dahil masyado pang maaga at maraming bagay pa ang dapat na gawin dito sa bayan.

May isa pang bagay siya na inaalala, ang mga halimaw!

Hindi siya sigurado kung ang mga tao ay madaling sasama sa kanya upang lumipat ng titirahan. maaaring hindi nila tanggapin ang kanyang imbitasyon kung sakaling ayain niya ang mga ito dahil takot sila na makain ng mga halimaw.

"Kailangan kong dahan-dahanin ito. ang pinaka importante ngayon ay ang pondo. kailangan kong mag hunt pa ng maraming halimaw!"

Dahil dito, nagdesisyon si Ye Song na ipagpaliban muna ang paglipat ng mga tao.

Pagkatapos niyang magdesisyon ay tinuon niya ang kanyang atensyon sa pagbuo ng bayan.

Tumingin siya sa screen na nasa harapan niya at pinindot ang [Map].

Nang ang 3D na mapa ng lugar na pumapalibot sa mga bakod ay lumitaw sa harap niya, sinabayan ito ng isang abiso.

[Starting the simulation. please choose the range]

Alinsunod sa navigation, pinili ni Ye Song ang isang range na six hundred square meters na lagpas sa mga bakod.

Pagkapili niya dito ay may lumabas dalawang option.

• Building

• Facilities

Ang [Building] ay isang command na maayos na hinahati ang maraming bloke sa lugar upang maging angkop para magtayo ng isang bahay.

Kasama ang [Facilities], si Ye Song ay maaaring bumuo ng isang sewer at i-extend ito malapit sa ilog. balak niyang gamitin ang [Drainage Pipe] upang maipalabas ang mga ginamit na tubig mula sa bahay na kanyang itatayo.

Sa pamamagitan nito, makukumpleto na ang drainage system!

Pagkatapos ay naglagay din siya ng mga banyo sa iba`t ibang lugar sa bayan. bukod sa paggawa ng banyo, nagtayo rin siya ng pangunahing kalsada sa gitna ng bayan at nagtayo ng mga Inn at mga tindahan sa paligid nito.

Pinalawak din ni Ye Song ang saklaw ng bayan nang kaunti at nagtayo ng isang [Medieval Castle Wall] na sampung metro ang taas upang palibutan ang buong bayan.

Matapos ang maraming pagsubok at pagkakamali ay nakumpleto na rin sa wakas ni Ye Song ang pinapangarap niyang bayan.

Tiningnan niya ang simulation sa screen at naglabas ng isang ngiti.

┌─────────────┬ ↑ ┬─────────────┐

---------------| ↑ |---------------|

---12----11---◘-| ↑ |-◘---10----9---|

---8-----7---◘-| ↑ |-◘---6-----5---|

---4-----3---◘-| ↓ |-◘---2-----1---|

---------------| ↓ |---------------|

└─────────────┴ ↓ ┴─────────────┘

---------------┌───┐-------------

---------------|HOME|-------------

---------------└───┘-------------

◘ = Tindahan at Inns

↑↓ = Main Road

HOME= Bahay ni Ye Song

(Author: itong "------" na nilagay ko ay para lamang magkaroon ng space ang drawing ko dahil hindi tinatanggap ni webnovel ang space para magawa ko yung gusto kong gawin hehe)

-

Ang bayan, maliban sa pangunahing kalye ay nahahati sa labindalawang distrito.

Ang 1, 4, 9 at 12 na distrito ay nakalaan para sa potensyal na paggamit sa hinaharap. dahil kulang si Ye Song sa pondo, ginawa na lang niya itong mga bakanteng lote.

Ang bawat distrito ay nahahati sa walong bahagi na may sukat na one hundred square meters at nagtataglay ng kabuuan na 48 unit ng mga bahay.

┌───────────┐

.| H H H || H H H |

.| H H H || H H H |

=============

.| H H H || H H H |

.| H H H || H H H |

=============

.| H H H || H H H |

.| H H H || H H H |

=============

.| H H H || H H H |

.| H H H || H H H |

=============

└───────────┘

H = House

[======] = Road

Ang isang distrito ay nahahati sa walong dibisyon kung saan isang banyo at isang lababo sa kusina ang nilagay para sa bawat bahay.

Ang laki ng isang bahay ay fifty five square meters kada lupa na mayroong one hundred square meters.

Ayaw ni Ye Song na malapit ito sa isa't isa kaya ginawa niya ito para maiwasan ang pagkalat ng apoy kung sakaling magkaroon ng sakuna, hindi maaapektuhan ang ibang bahay.

Bukod dito, ang istraktura ng bawat bahay ay itinayo gamit ang isang fireproof na materyales. pumili siya ng matibay at hindi masyadong kailangan ng maintenance na materyales para sa mga bahay na kanyang pinapatayo.

Nang matapos ni Ye Song ang simulation sa bayan, umabot ng mahigit sa 15,000 heaven coins ang kabuuan na dapat niyang bayaran sa kabila ng pagiging maliit na bayan nito.

Ang nabuo niyang bayan ay may 348 na bahay lang pero dahil naglagay siya ng medieval castle walls at sewer ay lumaki ang kanyang ginastos.

Ginawa din niyang self-sufficient ang bawat bahay ngunit dahil kulang siya sa pondo ay dinis-able muna ito ng system. kapag nabayaran na niya ito ng buo ay saka lang niya ito mapapagana.

Sa limitadong pondo na mayroon siya, imposible na gawing mas malaki pa ang bayan kaysa sa kanyang itatayo. gayunpaman, kung ang bayan na gagawin niya ay mas maliit dito, ito ay hindi magiging kasiya-siya.

Mabuti na lang ang mga penguin at si Ahoka ay patuloy na naghuhunt ng mga halimaw kaya ang heaven coins na hawak niya ay dumadami.

Matapos mag-isip ng ilang saglit, nagpasya si Ye Song na ituloy na ang pagbuo nito. pinindot niya ang [Complete] sa sulok ng screen.

*DING*

[Do you want to buy this town?]

"Yes!" sinabi ni Ye Song na may masayang boses.

Nakaramdam siya ng tuwa dahil ginawa niya ito ng personal kaya hindi na siya makapaghintay na mabuo ito!

Pagkatapos niyang pindutin ang button ay isang ingay ang biglang kumalat sa paligid. maririnig mo ang rumbling sound sa labas ng bahay.

"Matatagalan siguro ito bago magawa" sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili.

Matapos mag-isip ng kaunti ay balak ni Ye Song na hanapin ang mga penguin at si Ahoka upang sabihin sa kanila na protektahan ang lugar habang ginagawa ang bayan.

Kailangan nilang bantayan ang lugar kung sakaling may mangyari na hindi inaasahan.

Hahanapin na niya sana ang mga ito nang biglang makita niya ang kanyang mga alaga na tumatakbo palapit sa kanya!