Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 29 - Ang bahay ni Ye Song!

Chapter 29 - Ang bahay ni Ye Song!

Habang tinitignan niya ang unti-unting pagbuo ng kanyang bahay, tinanong ni Ye Song ang system.

"Gaano katagal bago ito matapos?"

*Ang pagtayo ng bahay na iyong pinasadya ay aabutin ng isang oras para mabuo ito nang maayos*

"Isang oras lang kailangan para magawa ang bahay?" malaking gulat ang naramdaman ni Ye Song nang marinig niya ang sagot ng system.

Wala na siya mabigay na ibang reaksyon kaya hinayaan na lamang niya ito at hinintay na lang makumpleto ang kanyang bahay.

-

Samantala, ang mga penguin at si Ahoka ay bumalik pagkatapos na ubusin ang mga halimaw sa paligid ng base camp.

Pagbalik ay nakita nila si Ye Song na abala sa kanyang sarili. maya-maya lang ay nagulat sila at napatulala nang makita nila ang lupa ay nagsimulang gumalaw nang mag-isa at isang istraktura ng bahay ang unti-unting lumalabas sa ilalim ng lupa.

Pinuntahan nila si Ye Song para tanungin kung ano ang nangyayari.

Si Ye Song habang nasa cloaking ay hindi na nag-abalang lumitaw sa harap nila at sinabi na lamang sa kanila kung ano ang kailangan nilang malaman.

Nang ipaliwanag sa kanila ni Ye Song kung ano ang nangyayari, naunawaan nila ang ginagawa niya at napatulala sila habang nakabukas ang kanilang mga bibig sa mahabang panahon.

Akala nila kailangan nilang buuin ang bayan mula sa simula ngunit nang makita nila ito ay napagtanto nila na hindi nila kailangang gumawa ng anuman.

Naintriga sila at pinanood kung paano dahan-dahang umusbong ang bahay mula sa lupa ngunit ilang sandali lamang ay nagsimula silang makaramdam ng inip dahil masyadong mabagal ang konstruksyon nito.

Tinanong nila si Ye Song kung maaari silang maglaro sa kung saan at nang makakuha sila ng pahintulot, lahat sila ay masayang tumalon at nawala sa isang iglap.

Isang oras ang lumipas, ang bahay ay nakumpleto na. pinanood ni Ye Song ang proseso nito mula simula hanggang sa matapos at nabighani siya sa pagiging misteryoso nito.

Mula sa pagiging lupa ay naging isang modernong bahay ito. hindi niya mapigilang magbigay ng isang thumbs up at magpasalamat sa system.

[Please select your home]

Habang siya ay nabibighani, isang mensahe ang lumabas sa kanyang screen. nang makita niya ito, binuksan niya ang [Map] sa screen.

Sa isang iglap, lumitaw ang mapa ng buong lugar at nakita niya na kumikislap ang lokasyon kung saan niya itinayo ang bahay.

Pinindot niya ang kumikislap na ilaw at isa pang mensahe ang lumitaw sa kanyang harapan.

[Do you want to set it as your home?]

"Yes!"

*DING*

[Congratulations sa pagpapatayo ng sariling bahay!]

"Woah"

Tiningnan ni Ye Song ang bahay na ginawa niya sa pamamagitan ng viewer ng system at namangha siya sa ganda nito. ang asul na panlabas, puting pinto, trim at mga shutter ay naaayon lahat sa kanyang gusto.

Hindi niya pinansin ang mensahe sa screen at dali-daling pumasok sa bahay.

"Ganun lang at isang bagong bahay ang nagawa" sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili.

Pagpasok niya ng pinto ay napangiti ng bahagya, kahit na walang laman ang bahay ay nakikita na niya ang kanyang pamilya na nakatira dito.

Ito ay isang modernong bahay na may temang medieval. ang pagkakaiba nito sa ibang bahay ay isa itong self-sufficient at nagbigay ito kay Ye Song ng isang inspirasyon at naisip sa kanyang sarili.

"Kailangan kong magtayo ng maraming bahay na tulad nito para sa mga taong titira dito sa bayan"

Hindi na niya kailangang mag alala tungkol sa seguridad dahil kasama niya ang mga penguin at si Ahoka dito upang bantayan ang lugar sa paligid ng bayan. kasama ang [Item Shop] mula sa system, madali siyang makakapagtayo ng isang kuta o fortress.

Wala nang mas panatag pa kaysa rito!

Habang tinitingnan niya ang paligid ng bahay ay napagtanto niya ang isang problema. ang bahay ay self-sufficient sa kuryente sa pamamagitan ng pag-convert ng natural na enerhiya sa hangin, gumagana ito nang walang anumang problema.

Ngunit nang pihitin ni Ye Song ang gripo ay hindi lumabas ang tubig.

"Walang tubig"

Marami pang problema ngunit hindi siya nagmamadaling lutasin ito at gusto niyang gawan ito ng paraan isa-isa.

Nagisip si Ye Song ng isang plano at lumipat sa susunod na pagtatatag.

Lumitaw ang screen sa harap niya at pinindot niya ang [Item shop] at tiningnan niya ang catalog. dito pinili niya ang [Aluminium Fence], [Front Gate], [Back Gate] at [Guard House].

Pinasadya niya ang bakod at ang mga pintuan upang gawin itong pitong metro ang taas. pagkatapos ay itinakda niya ito upang isara ang lugar na 100 metro ang layo sa paligid ng bahay.

Nang matapos niya ang pagplano ay binili niya ito agad.

"Thud!"

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw at pagkaraan ng ilang sandali ay nakita niya ang bakod at ang mga pintuan na dahan-dahang lumalabas mula sa lupa pagtingin niya sa labas ng bahay.

Ang [Aluminium Fence] na eksaktong ipinakita sa larawan ay pinasadya niya at ginawang spear top aluminum fence upang hindi siya madaling maatake kung sakaling sumalakay ang mga halimaw.

Ang bakod na pinili niya ay malaki ang kapal kaysa sa normal na mga bakod kaya naman hindi ito madaling masisira.

Naghintay siya saglit dahil mabagal ang paggawa nito.

Nang matapos ito ay nakita ni Ye Song ang 7 meter tall na spear top aluminum fence na umangat mula sa lupa palibot sa kanyang bahay.

Dahil dito ay nakaramdam siya ng kasiyahan.

"Kahit na ang bakod ay mawasak, ang mga halimaw ay makakakuha pa rin ng damage dito. kahit pa gumastos ako ng malaki ay gagawin ko para sa kaligtasan ng aking pamilya"

Ang spear top aluminum fence na pumapalibot sa kanyang bahay ay nagbigay sa kanya ng seguridad.

Matapos masubukan ang building system, tumingin ulit si Ye Song sa kanyang screen at naglabas ng isang ngiti.

"Hehe"

Handa na siya ngayon upang gumawa ng isang bayan!